CHAPTER 15

85 29 4
                                    

What am I supposed to do? Nakakahiya grabe, feel na feel ko yung mga tining ng mga ka-batchmate ko.

"Leonna..."

Agad akong napalingon sa taong biglang nagbanggit ng pangalan ko.

"Calissa?" gulat na sambit ko, "Kanina pa kita hinahanap, buti nandito ka." nakangiting sabi ko.

"Anong ginagawa mo dito sa labas?" nakangiting tanong ko.

After matapos ni Asher yung song kanina ay nag excuse ako sa mga kasama ko, nakakahiya kasi sa loob. Halos lahat maging faculty members and guests ay nakatingin sa akin, so I decided na pumunta sa likod ng gym malapit sa mga benches.

"Ikaw? Bakit ka andito?" tanong niya naman.

"Nagpapahangin at nagpapalipas lang ng hiya." natatawa ko namang sabi at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. "You look perfect in your outfit by the way." nakangiting sabi ko naman.

She's wearing a long black dress and it suits her.

"Thanks." simpleng sambit niya naman but it's plain and weird.

"Ahm, may problema ka ba, why do you look weird since yesterday? I mean, may nangyari ba?" agad na tanong ko sa kaniya.

She just simply glanced at me at naupo sa bench na katabi ng inuupuan ko.

"Calissa?" I murmured.

"Anong meron sa inyo ni Asher?" biglang tanong niya habang nakatingin lang sa harapan niya.

Kunot noo ko naman siyang tiningnan, "Huh?"

"Akala ko ba hindi mo siya kilala, bakit hindi mo sinabi sa'kin na kilala mo pala siya, worst you denied him, everytime nagtatanong ako, ang sinasagot mo sa'kin hindi mo siya kilala, hah ang galing mo naman." aniya bigla habang nakatingin ng masama sa'kin.

"Anong sinasabi mo, Calissa? Hindi ko naman talaga siya kilala —"

"Come on, Leonna! Wag mo nga akong pinag-lululuko. So ano yung mga nakita ko, ano yung mga public displays, wala lang yon? yung yung mga trending sa socmed? yung kanina?" sunod sunod na sabi niya.

"Calissa..."

"Leonna! Punong puno na ako sa mga kasinungalingan mo!" inis na sabi niya at bigla pa siyang napatayo, I can see through her eyes those different emotions.

"Akala ko ba magkaibigan tayo? Bakit ganito? Bakit naging ganito ka bigla? Pwede mo naman e-kwento sa'kin na in a secret relationship na pala kayo nong crush ko, bakit naman kailangan ko pang maranasan yung pinaglihiman, pinagmukang tanga, pinaniwala na wala lang yung biglang interaction niyo sa social media."

"Calissa, nagkakamali ka!" agad na sabi ko naman at tumayo at hinarap siya.

So, ito pala ang problem niya kaya naging cold and weird siya mula pa kahapon?

She sarcastically chuckled, "Tangina, Leonna! Tumigil ka nalang pwede ba? Nahuli ko na kayo eh, at talagang sa unang araw pa ng Year End Celebration, kung saan gustong gusto kong makipag-picture sa kaniya pero ikaw mismo ang nagpigil sa'kin, ang dami mo pa ngang reason eh, at ang tanga tanga ko at hindi ko yun napansin." aniya naman, puno ng inis ang boses niya.

"Calissa? Ano bang pinagsasasabi mo? Hindi ko naman talaga siya kilala noong tinatanong mo ako, noong aksidente ko siyang nakilala sa social media, nong unang araw ng Year End Celebration—"

"Tangina! Tama na Leonna, please lang, kumukulo lang ang dugo ko pag naririnig ko yang mga rason mo!" inis na sabi niya dahilan para hindi ko matuloy ang dapat na sasabihin ko.

"Hindi kayo magyayakapan sa unang araw ng Year End Celebration kung hindi mo pa siya kilala, ako ba niluluko mo? Kitang kita ko kung pano kayo biglang magyakapan! Mukang sabik na sabik pa nga kayo na makita ang isa't isa. Tsk!" inis na sabi niya ulit.

Love In December (COMPLETED)Where stories live. Discover now