CHAPTER 1 • CONDITION

1 0 0
                                    


Seina POV

Pagkatapos ng nangyari na hindi nila inaasahan na mangyayari. Ako'y naatasan na I monitor si Maddy, dahil alam kong na trauma ito sa nasaksihan niya lalo't biglaan lamang.

"Nasaan si Ms. Maddy ngayon?." Pagtatanong ko.

"Nasa office niya daw po, nagpapahinga." Sagot ng katrabaho ko.

"Sige salamat, pupuntahan ko muna siya saglit." Pagpapaalam ko at sila'y tumango.

Lumabas ako saming office upang umakyat sa ikalawang palapag kung saan nandon ang office niya. Sobrang tahimik ng paligid marahil lahat ay maraming ginagawa, lahat ay nakatutok sa nangyari kahapon. At nang makarating ako sa opisina niya, ay marahan ko itong kinatok at sabi sa loob ay pumasok ako.

"Miss Maddy, are you here?." Pagtatanong ko.

"Yes I am here, pasok ka." Malambing na sagot nito.

At nakita ko si Maddy nakaharap sa bintana. Napakaganda ng hubog ng katawan ng dalagang ito, hindi ko lubos maisip kung bakit pinili niya maging detective kung pwede siyang model dahil sa angkin ganda niya.

"Kamusta ka ngayon Maddy?." Nag aalala na tanong ko.

"I got nightmares, at meron ding sleepless nights." Napabuntong hininga siya.

"Mukhang mahirap nga yan." Saad ko at niyakap ko siya.

Ako at si Maddy ay magkaibigan na simula pagkabata. Hindi ko nga alam na dito rin siya mapupunta dahil alam ko may iba pa siyang gustong trabaho bukod dito, but in the end she end it up being here.

"Btw Seina, alam mo na ba na you'll be assigned as my new partner?." Sabi niya na ikinagulat ko.

"T-totoo ba?." Nagtatakang tanong ko at tumango siya bilang oo.

Napatigil ako sa sinabi ni Maddy. Pangarap ko lang ang mapabilang sa kanila noon dahil balita ko kilala sila sa lahat ng department sa angkin nilang galing, magsasalita pa sana ako ng biglang nagsalita si Maddy.

"I got a call, welcome for your first case Seina." Saad niya.

Pina suot niya sakin ang vest na may name tag ko na nakalagay. At lumabas ng kami ng opisina, at pagkalabas ko ay ganun parin ang eksena nababalot parin ng katahimikan.

Sa araw na'to ako na si Detective Seina Zhang

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 02, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HIDDENWhere stories live. Discover now