Part 1

88 6 2
                                    

Credits to Randolph Edullantes for the description~ :D


——-



Sabi nila ang pag-ibig parang jeep, kung ka na kasya, bakit ka pa makikipagsiksikan kung ikaw naman tong mahihirapan.


Isang araw bago ang September 21, napasya akong pumunta ng grocery para bumili ng Graham crackers, cream, at condensed milk. Matapos akong bumili sa grocery, dumiretso naman ako sa palengke para makabili ng mga matatamis na mangga. Siguro alam niyo na kung anong gagawin ko.


Gagawan ko naman ng mango float ang babaeng minahal ko at minahal ako. Di pa naman kami magkasintahan pero ramdam ko naman na totoo ang pagmamahal niya sa akin gaya ng pagmamahal ko sa kanya.


Nang nabili ko na lahat ng kailangan ko, agad-agad na akong pumarada at sumaka ng jeep pauwi sa amin.


"Mukhang masayang-masaya ka ata iho" napalingon ako sa katabi kong matandang babae.


"Ah opo, birthday po kasi ng... taong mahal ko" ningitian ko lang siya. Di ko pa siya pwede tawaging girlfriend kasi di pa naman kami.


"Naku tiyak matutuwa yun. Paano ba yan dito na ako" sabi niya.


"Ah manong! Para po!" ako na ang pumara para sa kaniya.


"Naku ang bait mo talaga. May barya ka ba?"


"Ah opo" sagot ko.


"Mag-iingat ka kasi minsan, kapag nagbigay ka ng buo baka di na nila masusuklian yan" ningitian ko lang siya at bumaba na siya.


Maya-maya ay pumara na rin ako. Nang makababa ako ng jeep dumiretso na ako ng bahay para maihanda na ang mango float. Ako lang mag-isa sa bahay, nasa bakasyon sina nanay at bunso. Malaki na raw ako para sa mga bakasyon at nakapunta naman ako rati sa pupuntahan nila. Si papa naman nasa ibang bansa nagtatrabo.


Inilatag ko na sa mesa ang mga nabili ko. Paglingon ko sa orasan, alas-sais na ng gabi. Kinuha ko na ang container at nilagay ko na ang mga crackers, nag-slice ng mangga, at nilagay ang gatas saka uulitin ang proseso at tapos na. Nilagay ko na sa loob ng ref para lumamig na. Nagpahinga muna ako sa sofa namin at kinuha ang cellphone ko.


Napangiti ako sa nakita ko. Wallpaper ko ang litrato niya, ako rin kaya ang wallpaper niya?


"Hi Ate" ate at kuya ang tawagan namin.


Hinintay ko ang reply niya pero lumipas na ang ilang minuto wala pa rin kaya nagtext ulit ako.


"Stef kumusta ka na? :)"


Ni-lock ko na ang pinto ng bahay at umakyat papunta sa kwarto ko. Nakita ko ang gitara na bigay niya sa akin nung birthday ko. Sa katunayan, gitara niya ito pero may nagbigay sa kanya ng bago kaya binigay na niya sa akin ang luma niyang gitara. Nahihiya nga akong tanggapin iyon pero nagpumilit siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 22, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When She LeftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon