"Ash uwi na tayo gabi na!" naiinip na sabi sa'akin ni Kaye. "Umuwi ka na nga nagrreview pa nga yung tao dito oh" naiinis kong sabi sa kanya. Ang kulit naman kasi, kapag hindi ako nagreview dito paniguradong bagsak ako sa exam nito, kagaya nung last quarter.
Naniwala kasi ako sa sinabi nya na wag na daw magreview dahil pwede namang magritwal. Ewan ko dun palagi nyang hinihilamos yung notes nya. Hindi na daw kailangan magreview kasi gagana daw yun tiwala lang. Ako naman tong naniwala sa kanya Edi yun! Bagsak kami pareho.
Muntik pa nga akong mapalayas dahil dito sa babaeng toh!
"Gumaya ka na lang kasi sakin, umaasa lang sa stock knowledge" rinig kong saad nito. "Hay na'ko wag mo na kong igaya sayo" nakita ko na namang na pangiwi sya.
"Atleast pumasa tsk" pairap nitong sabi. Hindi ko na lang sya pinansin at itinuloy na ang ginagawa para makauwi na kami. Makalipas ang ilang oras natapos na din ako sa pagaaral para sa exam bukas kaya agad kong hinanap si Kaye dahil wala na sya sa tabi ko. " Kaye!" pasigaw kong sabi. Nang walang sumagot nagikot-ikot muna ako sa library upang mahanap si Kaye.
Nagtingin na din ako ng libro na pwede kong aralin mamaya tutal naglalakad na rin naman ako sa mga shelf ng library. Sa ilang minuto kong pagiikot ay napansin ko si Kaye, nakaupo at tinititigan ang lalaking nagbabasa sa isang sulok, tumabi ako sa kanya dahil muka namang hindi nya ako napansin.
'Kaye, tara na tapos na'ko magreview" mahinang sabi ko " Shhh tumahimik ka muna ang pogi nung lalaki oh" natawa ako sa sinabi nya. Kahit kailan talaga talandi tong babaeng to! "Tara na manlilibre ako ng food" bigla syang lumingon sa'akin at tumayo agad. "Tara na ano pang hinihintay mo?" Inabot nya sakin yung kamay nya para tulungan ako tumayo. 'Bilis, makakapaghintay ang pogi pero ang pagkain hindi" tumawa ako ng marinig 'yon at sumunod sa kanya
Nang matapos kaming kumain ay agad na din akong nagpaalam sa'kanya. "Bye bebe ko" sabi nya sakin sabay yakap. " Ano ba yan OA neto, magkikita pa tayo bukas sa exam wag ka mag alala" "Goodluck sa exam!" pahabol nya pa.
Nagtaxi na lang ako dahil baka mas lalo akong gabihin kapag hinintay ko pa yung sundo ko.Nang makarating ako sa bahay nakita kong nakaabang si daddy sa may dining area, mukang mapapagalitan na naman ako nito.
"Nandito na po ako" tinatamad kong saad. "Ano na namang ginawa mo at ginabi ka?" sabi ni daddy habang nakatingin sa akin.
"Nagreview lang po kasama si Kaye para sa exam bukas." walang buhay na sagot ko. "Kamusta ang grades mo noong last sem?" tingnan mo walang kaalam alam eh halos magiisang buwan nang nakuha ang results ng grades ko. Palibhasa kasi palagi na lang nakatutok sa business na yan, ni hindi na naglalaan ng oras para samin ni mommy.
Nabadtrip ako kaya umakyat na ko sa kwarto ko ng hindi sinasagot ang tanong nya. "Ashley! KInakausap pa kita bastos kang bata ka!" Narinig ko pa na pinapakalma ni mommy at sinasabing hayaan na lang daw muna ako magpahinga bago ko isara ang pinto.
Sanay na sanay na'ko kay daddy palagi naman syang ganyan.
Nagbukas ako ng cellphone para kausapin sila Kaye at Eunice. They are my friends since junior high. Sila lang kaibigang mayroon ako kaya sila ang pinaka iingatan ko.
YOU ARE READING
Fragile Hearts
Teen FictionWill they try to love again after what happened in the past relationship? Ashley is the girl who can't move on from her former lover, Kerby. Will they be able to fall in love again after what happened in the previous relationship? Will they be able...