Chapter 3

4 2 0
                                    



Pumasok pa'rin ako kahit masakit ang buong katawan ko dahil sa nangyari kagabi. Wala na din akong balak sabihin kila Eunice at Kaye kung anong nangyari, kahit mukang malalaman nila kung anong nangyari. I have to separate my situation, hindi ko dapat isinasama ang problema ko sa paaralan lalo na kung saakin naka-asa ang lahat.


"Hey, you won't really tell me what happend huh?" Naiinis na sabi ni Kaye habang nakatingin sa'kin.

"Magkwento ka, wag mong sinasanay ang sarili mo na tinatago mo lang lahat sayo. Kasi once na hindi mo na kaya, kami lang din naman ang tutulong sayo. In short, tayo lang naman ang magtutulungan dito." Singit pa ni Eunice.


I should tell them right? Dapat akong magtiwala sa kanila gaya ng pagtitiwala nila sakin, 'cuz that's how friendship works. Pero ayoko  kasi na dumagdag pa'ko sa problema nila. Pabigat na nga ako sa'amin pati sakanila pa? Kailangan kong matutong mahiya. I should learn  how to handle my own problems.


"Sorry pero hindi pa'ko handa. Siguro? Ayokong dumadagdag pa'ko sa problema nyo. I can handle this."  

Kaya ko ba?


"Hey, If you're not ready I understand you. Pero palagi mong tatandaan na nandito lang kami ni Kaye sa tabi mo." 

Their words are really helping.

"And fyi  hindi ka pabigat. Palagi mo na lang iniisip yan simula nung nagbreak kayo ni Ker-" Biglang tinakpan ni Eunice ang bibig ni Kaye para tumahimik

Oh yeah, Kerby. Ang lalaking pinakaminahal ko pero pinaglaruan ako. He made promises, sinabi ko sa kanya lahat ng problema ko. Alam nyang takot ako magrisk. Alam nyang once na may nangloko sa'kin bagsak na ko. Alam nyang.. mahal na mahal ko sya una pa lang. Alam nyang handa kong gawin ang lahat para sa kanya. Nawasak ako ng sobra simula nung nagloko sya sa'kin. Tinanong ko sa sarili ko kung bakit? anong kulang sa'kin? Nagkulang ba ko?  Yan ang mga tanong na nakatatak sa isipan ko. Hindi siguro ako sapat para sakanya? 

Alam nya na hanggang ngayon wasak pa'rin ako. Alam nya na I'm suffering deppression and anxiety ng dahil sa kanya. Sinubukan ko syang pabalikin dahil napatawad ko na sya pero hinding hindi na daw sya babalik sakin kahit kailan. Naalala ko pa yung mga sinabi nya na..   


FLASHBACK


"Sa tingin mo ba minahal kita? Hinding hindi ako magmamahal ng babaeng unstable ang mental health. Kaunting kibo sayo iiyak ka. Hindi mo ba nakikita ang sarili mo? Desperada ka na. Wala akong pake kung magkanda matay matay ka kakaiyak dyan basta ito ang tatandaan mo. HINDI KITA MINAHAL."  hindi, hindi yan totoo.


"No, You're lying. I know you love me. S-sinama mo ko sa mga plano mo. Sabi mo pupunta pa tayo sa Paris. S-sabi mo aayusin nating dalawa ang s-sarili ko. A-alam mong hindi ko kaya ng wala ka. A-alam mo yan" Napaluhod na lang ako kakaiyak.I probably look stupid. I'm begging someone to stay para lang maging ayos ako. Kaawa awa nga ako.

"You disgust me. I'm just playing around. Stop fooling you're self, si Abby ang mahal ko hinihintay ko lang syang bumalik. Ikaw lang ang pampalipas oras ko. But guess what? medyo nag-enjoy akong lokohin ka."


"Stop, p- please don't leave me. Just stay kahit hindi mo'ko mahal a-ayos lang sakin. Ako na ang magpapataas ng grades mo. Ako ng bahala sa gusto mong kotse. I will do everything.. p-please.. d-don't leave me like this."  

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 20, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fragile HeartsWhere stories live. Discover now