Chapter 2

3 1 0
                                    

WARNING: VIOLENCE,BLOODS


Bumaba na ko sa taxi at iniabot ang bayad sa driver ng makita kong nasa tapat na kami ng bahay. "Thank you kuya".

Dahan dahan kong binuksan ang gate at naglakad papunta sa may pintuan. Sumilip muna ako syempre baka kasi andoon pa si Kaye. Nang makita kong nandoon pa nga dahil naririnig ko ang mga tawa ni mommy agad ko ding binuksan ang pinto at pumasok.

"Oh anak andito ka na pala". Nakipagbeso si mommy sabay yakap ko sakanya.

"Saan ka ba galing? Ikot kami ng ikot ni Eunice para lang mahanap ka". Sabi nito sabay abot sa bag ko.

"Ahm, sa ano lang, sa.." Kinakabahan kong sagot dahil nakatingin din si mommy at inaabangan ang sagot ko.

Nakaisip ako ng palusot at agad na sinabi para hindi na magtanong ang dalawa.

"Sa labas po kasi naghanap din ako ng signal, Baka kasi mag message si sir. Tapos dumiretso na'ko ng sm kasi ang init". Sabay paypay pa sa may leeg ko kahit may aircon sa loob ng bahay. Sana paniwalaan nila. Please... please...

"Oh sya, sige kumain na kayong dalawa nagluto ako ng meryenda". Napabuga ako ng hangin sa kaba. Buti na lang at hindi matanong si mommy.

"May iba kang pinuntahan 'noh?" bulong nito habang naniningkit ang mata. Kahit kailan talaga kilala ako nito. Nginitian ko na lang sya at sumenyas ng wag maingay.

Tapos na kami kumain at nasa kwarto na ko ngayon. Umuwi na di si Kaye dahil gabi na daw at may gagawin pa sya.Nakahiga lang ako at nabobored ng maisipan kong magbukas ng cellphone.

'May bagong post kaya si Asher?'

Inopen ko ang twitter at nainis ng makita ang post nya. Asher's friend is hugging him?! Duh! Kababaing tao yakap na yakap kay Asher? Tinapon ko ang cellphone ko kung saan. Wala na kong pake kung mmasira pa 'yun. Binuksan ko na lang ang computer ko at nagsimulang mag review. Mas mabuti pa 'to kesa makita yung bwisit na babaeng yun!

Nandito na kami sa loob ng classroom at hinihintay na lang ang teacher namin.

"Alam nyo bang may lilipat dito sa section natin?' Narinig kong sabi ni Eunice.

Bakit naman may lilipat dito kung sa'min pa lang sasabog na ang ulo ni maam Laura.

"Weh?" Saad ko habang nakataas pa ang isang kilay.

Tumahimik ang lahat ng pumasok na si maam, hinahanap ko yung transfer kasi dapat kasama nya yun. May tumabi pa sa'king lalaki pero hindi ko na pinansin kasi busy ako sa paghahanap sa transfer. Gusto ko syang iwelcome para hindi sya mailang saamin.

"Nasaan na ba kasi yun?" pabulong kong sabi habang iniikot ang mata sa classroom.

"Mga anak may bago kayong kaklase at magpapakilala sya sainyo kaya makinig kayo". Sabi saamin ni maam Laura kaya tumahimik na sila.

Huh? Wala naman ah? Biglang tumayo yung katabi ko habang kumukuha ako ng notebook para isulat ang pangalan ng transfer at maisama sa mga activities na gagawin namin.

"Hello my name is Asher Kendrick Monroe, I hope we will be friends". Sabay ngiti nya na nagpabaliw sa akin. Shit! Masyado na bang halata na kinikilig ako?

"Okay great, Now Asher, I want you to meet our president" nakangiting sambit ni maam. Nanigas ang katawan ko ng marinig ko ang pagtawag sa'kin ni maam.

Okay Ash, First thing is you need to relax.... Breath In, Beath out. Magpapakilala ka lang nothing more.

Napabuntong hininga ako at tumayo upang ipakilala ang sarili. Pumunta ako sa harap at nakipagkamay. Gosh! Ang soft nung kamay nya! Siguro kailangan ko ng magpa- manicure. 'Naman kasi! Yung kamay ko puro kalyo na kakasulat.

Fragile HeartsWhere stories live. Discover now