Chapter 1: Film Buddy

28 2 4
                                    

Nagmamadali si Arra papunta sa klase nya, habang hawak ang kanyang class schedule. Hindi na sya nag elevator dahil alam marami rin ang naghihintay at baka matagal dumating.

Naghagdan na lang s'ya, at dala-dalawang hakbang pa sa sobrang pagmamadali. Nang makarating sya sa 4th floor.

"Kuya saan po ba yung Rm. 408?" Tanong ni Arra sa lalaking nakatayo malapit sa hagdan.

"Diretso ka lang sa hallway na ito, tapos kaliwa ka, tignan mo na lang nakasulat naman sa doors." Sagot ng lalaki habang gumagawa pa ng hand signals.

"Salamat kuya." Pasasalamat ni Arra.

Tinakbo na n'ya ito, pagkakita nya sa room, sumilip sya sa maliit na bintana sa pintuan at mayroon ng professor kaya dahandahan s'yang pumasok.

Nung pagpasok nya sa pinto at mabilis s'yang tumanaw sa likod kung mayroon pang bakanteng upuan, pero wala na.

Napatingin s'ya sa kanyang professor at nakitang nakataas na ang kilay nito sa kanya. Kaya dali-dali na syang umupo sa pinakamalapit na bakanteng upuan na nakita nya.

"Buti na lang aircon." Sabi ni Arra sa kanyang isip, hinubad nya ang kanyang bag, at kinuha ng kanyang face towel, at pinunasan ang pawis sa kanyang mukha at leeg, habang naghahabol pa rin ng kanyang hininga.

Nakatitig lang sa professor si Arra ng ilang minuto, s'ya ay medyo naguguluhan sa ine-explain nito, hindi maipaliwanag ng mukha ni Arra.

"Meron tayong paper na kailangan gawin." Mahinang sinabi sa kanya ng katabing lalaki. Nakaturo ito sa whiteboard.

Tumingin si Arra sa whiteboard at binasa ang sinulat ng kanyang professor.

"Paper agad? Grabe naman, unang araw pa lang." Natatawang reklamo ni Arra.

"Ay, by pair pala." Pabulong na dagdag ni n'ya.

Bigla s'yang tumingin sa katabi n'ya.

"May partner ka na?" nakangiting tanong ni Arra.

"Wala pa." Naka-straight face na sumagot ang kanyang katabi.

"P'wedeng partner tayo?" nakangiting tanong uli ni Arra.

"Sige." sagot ng lalaki, at ngumiti ito ng kaunti na hindi nakalabas ang kanyang ngipin.

Nakinig na uli sila, at hindi na naliligaw si Arra sa pinagsasabi ng prof tungkol sa paper na gagawin nila.

"Siguro naiisip n'yo ngayon na unang araw pa lang may assignment na agad. Gusto ko lang malaman kung paano kayo gagawa ng film analysis. Ikukumpara ko 'yan sa final paper n'yo kung may improvement." Sabi ng prof sa klase.

Natawa ng klase at nag-agree na lang.

"Another thing, class. Ang mga partner n'yo ngayon, 'yan na ang mga magiging partners n'yo throughout this whole semester. Your film buddy. So, choose wisely." Dagdag ng prof.

"Yes!" nangibabaw na sinabi ng klase.

"Mukhang magkakakilala na sila." Naisip ni Arra.

"Sige na, talk to your buddies about this." utos ng prof.

Nagsimula na sa pag-uusap ang mga tao.

Kinalabit ni Arra ang kanyang katabi. "Okay lang ba talaga na ako na partner mo?" tanong n'ya.

Tumango 'yong lalaki. "Oo." Sabi n'ya.

"Wala kasi akong kakilala dito." Sabi ni Arra.

"Ako din, nasa ibang class mga kaibigan ko." Sabi ng lalake.

Love of My Life (Filipino)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon