Chapter 3

4 0 0
                                    

Chapter 3 

Mejo nakakapagod rin pala 'yung pinagsasabay mo 'yung mga gawain mo. Pag-aaral mo, pag-bantay kay Lola at pag-tatrabaho sa gabi. I'm quite happier living like this... Even I was exhausted I'm still here standing alright.

Tinutulungan ako ni Tita sa resto kapag may hindi ako nalalaman. Mabuti na lang talaga naawa sa akin si Tita at pinapasok niya ako dito sa trabaho na 'to. Nung una ayaw talaga niyang pumayag kasi mabagal daw ako kumilos sabi ng katrabaho niya, 'yun ay narinig ko nung pinag memeetingan nila ako.

I found myself pity since I was so desperate to look for job... Para lang may ipangbayad kami sa upa at sa iba pang gastusin sa bahay. Hindi na kaya ni Lola na mag trabaho dahil sa sakit niya. Kinapos pa sa badget niya dahil wala na siyang perang pambili ng paninda.

Habang iniisip ko 'yun nalulungkot na lang ako. Dahil hindi biro ang maging mahirap sa mundong 'to. 

"Here's your menu, Ma'am..." bati ko sa pamilyang kakadating lang sa table nila.

I envy them... Those kids... This family... Ang saya nilang tignan. They're financially stable. Sana ganiyan rin dapat ako, kasama 'yung mga pamilya ko habang kumakain kami sa masasarap na kainan. Nakakalungkot. Ewan ko ba kung bakit ganito 'yung buhay na binigaya sa akin... Siguro pagsubok lang 'to... Siguro maiihahon ko rin 'to.

Doon na lang ako natauhan nung tinakip ng babae 'yung kamay ko. 

"Lalim ng iniisip mo ah..." aniya. 

"Ay sorry po," I apologies at'saka kinuha 'yung mga order nila isa isa. Sa sobrang lutang ko hindi ko na sila napansin.

Nung pumunta ako ng counter ang sama ng tingin sa akin ni Kuya Wilbert. Ewan ko ba bakit nung simulang punta ko dito at apak sa resto na 'to ganiyan na lang niya ako kung tignan. 

"Mag focus ka nga." He simply said to me while staring at me sharply. 

"Sorry po," binigay ko sa kaniya 'yung inorder ng mag pamilya at dabog na kinuha 'yun ni Kuya. Ang sungit naman nito! Ano bang nagawa ko dito bakit ganiyan siya sa akin?

Ilang minuto nung natapos na 'yung trabaho ko hinintay ko si Tita na lumabas ng resto. At nakita ko siyang papalapit sa akin, nakita ko naman si Kuya Wilbert na sinasarado na 'yung resto.

"Hatid na kita, Bet?" Tita asked. Umiling naman agad ako. 

"Di-diretsyo ako ng butika, Ta. Bibili ako gamot ni Lola saka ng vitamis ko." 

Malapit na kasing maubos 'yung gamot ni Lola kaya bibili na ako ng bago hangga't may pera pa ako. 

"Mag-ingat ka. Dadalaw ako sa bahay sa weekends." 

"Sige po,"

Pag-katapos nung pag-uusap namin ni Tita nauna na akong mag-lakad at hinanap 'yung malapit na butika. Sobrang hamog at lamig na kaya yakap na yakap ko 'yung sarili ko habang nag-hahanap ng mabibilan na gamot. Pero nalaglag 'yung panga ko nung naabutan kong sarado na.

Alas onse pa lang naman bakit ang aga nito mag-sarado. Whatever, napakamot na lang ako sa ulo 'ko at napag desisyonan ko na lang na sa 7/11 na lang ako bibili since kanto lang naman namin 'yun ng bahay namin.

Nag-tanong ka agad ako kung meron ba silang gamot na hinahanap 'ko. Meron naman silang na provide at binili ko 'yun agad. Pagkatapos napahinto ako nung makita ko si John na nakatingin sa akin habang may katawag sa selpon niya. He's wearing a black hoodie while his eyes are on me.

He smiled upon seeing me. Anong ginagawa niya dito? Hindi ko na sana siya papansinin kaso mabilis niya akong hinarangan. Hindi naman agad ako nakatakas dahil ang tangkad niya.

Scars of Spring DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon