Fourteen

268 12 0
                                    

Janna

The light suddenly turned off making everything dark.

Ni wala akong makitang bagay kaya nagpatuloy lang ako sa pagkapkap ng bigla na lamang tumahimik ang paligid.

Napahinto ako sa paggalaw para pakiramdaman sila.

“Guiz, n-nasaan kayo?”

Naghintay ako ng ilang segundo ngunit walang nagtakang sumagot.Gumapang ako ng gumapang ng mapahinto sa malambot na bagay.

May nahawakan akong kung anong malagkit kaya pinahid ko ito sa aking damit.

Nasa'n na sila?

Hindi ba't magkakasama lang kami rito kanina?

Nakakakilabot na katahimikan ang bumalot sa loob ng restaurant ng makarinig ng tunog ng bagay na gumalaw.

Ang pag-ungot ng pintuan kung saan ang nagpakaba saking sistema.

“S-sino yan?"

Nagsitulo na ang pawis sa aking leeg at naghanap ng bagay na matulis. Ang tunog kaninang munti lang ay unti-unting lumakas ng lumakas hanggang sa maging bulabog ito at nakakarinding pakinggan.

Sa takot ay balisa akong tumayo at nagkukumahog na pumulot ng patalím  na ginamit naming pangkain kanina sa malapad na mesa.

Nakapkap ko pa ang iilang pinggan dahilan para magsitunugan ito at namasdan ang papalapit na papalapit at malakas na tunog saking banda.

Hanggang sa wakas ay makapkap ko na ang matulis na bagay na  nagpasugat pa muna sa saking pagdampot.

Nagmamadali ko iyong tinutok sa kung sinomang maaaring sumugod sa aking kanan , kaliwa o saking harapan.

Napapikit ako ng makarinig ng tili ng isang babae kung saan, at ang pagbukas muli ng nakakasilaw na ilaw ang nagpasinag sa aking mata.

Minulat ko ito ng dahan-dahan at halos mapaatras ng makaramdam ng malamig na kamay saking paanan.

“J-janna , t-tulungan mo ko. H-halimaw ang m-mamatay tao.”

Namula ang aking mata ng madatnang  dugûan ang tiyan na bahagi ni Tiarra. Napaluhod ako sa harap ng nakahandusay at naglulupasay niyang katawan.

Hinawakan ko ang pisngi nito at unti-unting sumirado ang kaniyang dalawang mata at mawalan ito tuluyan ng hininga.

Nakaramdam ako ng paghagikhik sa malapit ng maramdaman saking gilid ang anino ng isang tao malapit.

Hinigpitan ko ang hawak kong kûtsilyo at sigurado akong ang salarin ito.

Agaran akong lumingon sa banda nito ng bigla nalang itong mawala ng mabilisan.

Pero naabutan kong isang bagay ang nailaglag nito kaya nilapitan ko ang bandang pinagtakbuhan niya at dinampot ang bagay na iyon.

Isang camera ang bumungad sakin na ongoing pa mismo ang recording.

Nang wala mapansing kakaiba ay pinatày ko ang hawak na DSLR ng manigas ako sa aking kinatatayuan sa repleksyong bumungad saking likod mula sa salamin ng camera.

Isang aninong nakasuot ng bungong maskara at nakangiti ng malapad sa akin habang ang kamay ay may hawak na sirutsó.

SILENT DEVILTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon