Forty-five

207 10 0
                                    

Janna

Nanginginig at tagaktak ang aking pawis ng masilayan ko ang dugûang katawan ng aking matalik na kaibigan.

Napaluhod ako sa basang lupa at hindi napigilan ang daloy ng luha saking mga mata.

Narinig ko ang sirena ng mga polis malapit , ngunit patuloy parin ang pagtangis ko.

Imposible , hindi ito totoo. Kasama ko palang siya kanina at nagkakatuwaan pa lamang kami.

Tapos ngayon.

Sinubukan ko mang promotesta ngunit inilayo parin ako ng mga polis sa bangkày ng aking kaibigan.

Nagkukumahol at basang-basa na ang aking katawan sa magkahalong pawis at dûgo mula sa katawan ng aking kaibigan.

Sa malayo ay narinig ko  na ang hagulhol ng kadarating lang na si Tita.

Ang ina ng aking matalik na kaibigan.

Lumapit ako sa mga polis at halos magmakawa sa kanila.

“Hanapin niyo ang kung sino mang may sala nito sa kaibigan ko! Kailangan niyang pagbayaran ang kahayupàng ginawa niya!”

Mangugat-ugat kong untag sa mga polis , na naging sigaw na dahil sa aking galit.

Tumalikod ako para pakalmahin ang sarili at pinunasàn ang dugó sa gilid ng aking labi.

Sana , malaman ng mga polis ang totoong salarin.

Yan ay kung mahahanap nila ko.

Nakialam ka pa kasi bestfriend. Edi sana humihinga ka pa ngayon.

Unti-unting sumilay ang malawak na ngiti sa aking labi habang paalis sa pinangyarihan ng krîmeng ginawa ko.

SILENT DEVILTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon