Everything I have now, I really really appreciate it, especially the opportunity to graduate. No time should be wasted.
"Chai, nakikita mo ba ang nakikita ko?" Tanong ko kay Chai habang nakatingin sa malaking building na nasa harapan naming dalawa.
"Malamang, building 'yan, Phoebe. Ano ka ba." Mataray na tugon ni Chai, I gasped.
"Nagtatanong lang, eh. Ito naman." Tumingin ako sa kaniya na parang bata.
Tinaasan lamang ako ng kilay ni Chai, hmmp masungit. Pero bigla naman itong ngumiti na parang tanga.
"Joke lang, hahahaha" natatawang sagot niya.
"Besh, tingnan mo, 'di ba napakalaki ng buong university? Ang swerte natin, buti nakapasa tayo sa scholarship, wala na tayong poproblemahin, allowance nalang at mga projects sa school." Sabagay, may point naman si Chai, kaso mahirap pa rin mag budjet ng allowance sa pang-araw-araw.
"Yep, pasalamat nga tayo eh. Ang mahal mahal pa naman ng tuition fee ng nursing student, isipin mo ha, kung hindi tayo naging scholar siguro mag babayad tayo ng 40k every sem. Nako, napakabigat sa bulsa." I uttered. Totoo naman kasi.
"Pero besh, ang taray ha. Tingnan mo," sabi nito at pumunta sa harapan ko. "Isipin mo, ang isang Chainsey Quish ay makakapag-aral sa isang sikat na university." Proud na sabi nito sa sarili niya.
Mukhang tanga, pinagtitinginan na siya ng ibang estudyante.
"Hoy, Chai tama na nga 'yan, pinagtitinginan ka na nila. Nakakahiya, hali ka nga dito," saway ko sa kaniya pero tinaasan niya lamang ako ng kilay.
"So what? Kung naiinggit sila," sabay tingin sa mga tumitingin sa kaniya, "edi gayahin nila ako, problema ba 'yon?"
Napatampal naman ako sa noo ko, anak ng tukwa oh. Kaibigan ko ba talaga 'to? Napatingin naman ako sa relo ko, nako mag 8:00 a.m na pala, kukunin pa namin 'yung schedule sa dean office.
"Halika na nga, kukunin pa natin 'yung schedule natin sa dean office, malapit na ang first sub. Nako, first day of school malalate tayo dahil sa 'yo." Pagmamaktol ko at nauna nang maglakad. Rinig ko pa ang tawag nito sa 'kin pero hindi ko siya pinansin.
Hinanap namin ang dean office pero hindi talaga namin makita, masyadong malaki ang campus, it's better kung mag tatanong na lang kami.
"Excuse me, pwedeng magtanong?" I asked the woman in front of me.
Medyo chubby siya. Kulot din ang kaniyang buhok, may suot itong salamin at halatang nagmamadali rin.
"A-ahh, ano 'yon?" Nagulat ba siya ng magtanong ako. Inayos niya ang salamin niya saka hinintay ang isasagot ko.
"Where's the dean office? Kukuha sana kami ng schedule ng kaibigan ko pero hindi namin alam kung saan 'yon."
"Papunta rin ako do'n," inayos niya ang gamit niya, "sabay na tayo," she smiled.
"Sige," i smiled back. Ang cute niya.
"Chai, tara na." Nilingon ko ang kasama ko. Bakit ganito nalang 'to makatingin.
Wala ni isang may balak na mag salita sa aming tatlo habang papunta sa dean office, kaya binasag ko ang katahimikan.
"So, anong year kana?" Nilingon ko ito at ibinalik kaagad ang tingin sa harapan.
"3rd year, nursing student. Kayo ba?" Pabalik na tanong niya.
"Same, anong pangalan mo?"
"Lindsey Griffen," maikling sagot niya, ang cute ng pangalan.
"Ang cute naman ng pangalan mo, can I call you Seysey? Its kinda cute to hear though, hehehe." Nagulat ako ng magsalita si Chai, anong nakain nito?
"Btw, I'm Chainsey Quish, you can call me Chai for short." Nagulat naman si Lindsey sa inasal nito, mukhang magkakasundo ang dalawang 'to.
YOU ARE READING
Travel in your love (Ongoing)
RomanceAltair Phoebe Sterre, an orphan.She was young when her parents died and only her grandmother took care of her. She is currently a 3rd year college and taking a bachelor of science in nursing. But what if she accidently meet Conan Gideon Quen? Can sh...