Chapter 1

13 2 0
                                    

"Phoebe, apo jusko!!" Nataranta ako ng biglang sumigaw si lola. Nako  nako, Phoebe ano na naman bang pinanggagawa mo.

Nataranta akong napatakbo sa kusina kung saan naroroon si lola Gloria. Nang nakita ko  siya kaagad ko siyang tinanong kung ano bang nagyari.

"Lola, ayos ka lang po ba? May masakit ba sa 'yo? Sabihin niyo sa 'kin para madala ko po kayo sa hospital," pag-aalalang tanong ko rito.

"Hindi apo, magandang balita ito. Tiyak na matutuwa ka," ang kanina kong mukha na nag-aalala ay napalitan ng pagtataka.

Ha? Ano bang magandang balita eh parang nakakita siya nang kung ano at grabe makatili.

"Ano po ba 'yon lola" tanong ko dito at saka umupo sa tabi niya.

"Naaalala mo pa ba iha 'yong unibersidad na pinag-applyan mo ng scholarship? Kani-kanina lang, may nag text at sinasabing nakapasa ka raw," ang kanina kong mukha na nagtataka ay napalitan ng gulat at saya.

Napatayo ako at napatalon. Ito na 'yon, ito na 'yong matagal na pangarap ko. Makakapag-aral  na 'ko sa isang sikat na university, omg.

"Lola, ito na 'yon, makakapag-aral  na 'ko sa isang sikat na unibersidad. Pangako po, magtatapos ako at magiging nurse, pangako po 'yan!!"  Sobrang saya ko, walang bagay ang makakapagpaliwanag kung gaano ako kasaya ngayon.

Lahat ng pangarap ko, unti-unti ko nang nakikita. Ngayong nabigyan na ako ng opportunity para makapag-aral sa isang malaking university, sasayangin ko pa ba? No way.

Lahat ng ginagawa ko ay para sa amin ni lola. Gusto ko siyang mabigyan ng magandang kinabukasan kagaya ng ginawa niya para sa 'kin. Kung hindi dahil sa kaniya, siguro walang mangyayari sa 'kin ngayon.

Napangiti nalang ako saka binalik ang tuon sa librong hawak ko. Kunting tiis nalang, Phoebe, ilang taon nalang naman at isang ganap ka na nurse, be patient!

Nawala ang iniisip ko ng biglang mag ring ang cellphone ko, tiningnan ko kung sino, si Chai lang pala. Dali-dali ko namang sinagot ang tawag nito.

"Oh? Napatawag ka?" Inilapag ko ang cellphone ko sa higaan at patuloy pa rin sa pagbabasa ng libro.

"Beshhh!!!" Napangiwi naman ako ng tumili ito. Alam ko na, may ichichika na naman siya. Nako, itong babaeng 'to talaga napaka chismosa.

"Matili ka naman, ano ba 'yon?"

"Besh, alam mo ba 'yong papasukan nating university, maraming gwapo doon, kyaaaa!!" Napairap ako ng wala sa oras. Kapag gwapo ang pinag-uusapan, makatili eh parang walang bukas.

"Ano naman kung maraming gwapo doon? Papasok ako sa university na 'yon para mag-aral, hindi para maghanap ng pogi, Chai. Tss."

"Sus, ito naman. Mag-enjoy ka naman kahit minsan, hindi 'yong puro pag-aaral, 'di ba sumasakit ulo mo niyan?" Kung alam mo lang kung gaano kasakit sa ulo ang mag aral, syempre ako 'to eh, kaya ko 'to.

"Mag-aral ka na rin diyan habang  hindi pa pasukan, para naman hindi ka namomoblema sa isasagot mo 'di ba?" Kahit sa kabilang linya, alam kong napairap ito sa sinabi ko. So what? Kesa naman puro lalaki lang ang inaatupag niya, ano bang maiaambag no'n sa pag-aaral niya? Such a distraction.

"Fine, basta sabay tayong  papasok sa lunes ha, byee."

"Bye" pinatay ko kaagad ang tawag at tinapos pagbabasa.

Mamimili pa pala kami ni Chai ng school supplies sa linggo. Hayst, ano kaya mangyayari sa 'kin sa lunes? Sana naman walang bully doon, pero bakit ko ba ineexpect na walang bully doon eh university 'yon, saka puro mayayaman pa ang nag-aaral don, hmmp. Matutulog na nga ako.

Travel in your love (Ongoing)Where stories live. Discover now