BRIEN
ngayon naglilibot libot lang kami ng mga kaibigan ko sa mall dahil holiday naman ngayon at lahat ng mga tao ngayon nagkakasiyahan,
Masaya ako kasi ngayon-ngayon lang din kami nagkakasama dahil itong mga kaibigan ko may kanya-kanya na propesyon sa buhay at ako naman professional runner at sumasabak ako sa mga olympics kaya kada taon lang balik ko dito sa pinas,
Di lang naman ako athletic dito dahil yun mga iba na kasama ko mga sporty na tao at lalong lalo na yun mabait kong boyfriend na si Troy isang professional martial artist pero ngayon nagtatrabaho nalang sya bilang secretary sa isang malaking kompanya,
Guys saan niyo gusto kumain treat ko minsan minsan lang naman tayo magkikita kita kaya ok lang,
Sus alam mo Susie may kailangan ka noh?
Wala noh saka treat ko lang kayo baka malay nyo last na pala toh,
Hwag ka nga magsalita ng ganyan masama kaya yan,
Joke lang! Tara san tayo sa Wendy's? Mcdo? Popeye's? Or sa jollibee?
Doon nalang tayo sa mang inasal. Kumain unli naman lahat doon eh 100 plus lang naman doon,
Tara saka punta na rin tayo sa Starbucks,
Opo tara na bilisan na natin maglakad,
Habang kumakain kami at nasa bintana kami napatingin nalang ako dahil napakakulimlim at parang gabi na dahil sa itsura ng kalagitan,
Alam ko kasi maayos naman yon weather ngayon dahil tinignan ko kanina phone ko,
Nung nagpapahinga na kami dahil tapos na kami kumain at yun mga kasama ko nagcecellphone pa at wala rin ako magawa kundi uminom ng softdrink ko na nasa baso,
Pagkatapos namin kumain at magpahinga lumabas na kami at naglakad na dahil masyadong kulimlim at di naman dala ni troy yung kotse dahil nagmamadali kami kanina dahil si sussie nagsabi na nasa mall na sya,
At habang naglalakad kami may isang lalaki na nagbigay saamin ng ticket pero di naman namin alam kung saan ito,
Eh kuya saan po ito bakit nyo kami binigyan ng ticket ?
Ah may libreng show doon sa colliseum ipakita nyo lang tapos pwede na kayo pumasok sa loob
Anong show yun kuya?
Arcade po pero pwede rin po kayo maglaro doon,
Ay ganun ba sige po salamat po,tara na guys may libreng arcade pala sa colliseum eh,
Wag ka maingay masyado ka naman excited,
Duh first time ko lang makapasok doon dahil napakamahal ng ticket saka isang beses lang mangyare ito sa isang taon,
Oo na tara na pupunta tayo doon,
Habang naglalakad kami at malapit na kami sa coliseum nagulat nalang kami dahil sobrang dami ng mga tao na pumapasok at kung sinuswerte ka nga naman, first time ko lang din ito makikita yun loob,
Maya-maya yun nasa pila na kami nakahawak ako sa kamay ni troy dahil siksikan at baka magkahiwalay kami eh napakalaki ng coliseum,
Maya-maya pagkapasok namin napahanga agad ako sa ganda ng colliseum dahil napakalaki at habang naglalakad ako di ko namalayan na napalayo na ko kina sussie at troy,
Pero habang nasa isang pwesto ako napatingin ako sa mga tao na isa-isa na bumabagsak at nagulat ako na nagsenyas si sussie na tumingin ako sa taas pero napakunot ang noo ko dahil puro usok lang nakikita ko pero huli na ang lahat nung napantanto ko na di lang simpleng usok yun kundi sleeping gas na mapanganib gamitin,
Pagkabagsak ko sa field nakapikit ako pero ang huli kong narinig na kinatayo ng balahibo ko yung may nagsalita na lalake na kung ano,
WELCOME TO THE GAME OF LIFE..........