BRIEN
Pagkamulat ng mga mata ko puro dilim lang yun nakikita ko impossible kaya na nakidnap kami pero hindi dahil maraming mga tao kanina,
Maya-maya bumukas yun ilaw pero agad ako nagtaka dahil iba na yung suot kong damit isang pink na tshirt at pagkatapos kong tignan ang sarili ko napatingin ako sa paligid ko isa-isa na rin gumigising yun mga tao pati ako di alam yun nangyayare,
Maya-maya kahit nakaupo ako nakakabahan ako kung saan nagpadpad yun mga kaibigan ko sana maayos lang sila,
Agad ako napatigil sa paglibot ng mata nung may nagsalita,
WELCOME EVERYONE IN THIS ARENA WE HAVE A FIRST GAME AND ITS CALLED " ELECTRONIC DART BOARD" SA LARO NA ITO WALA MUNANG MAMAMATAY,ANG UNA NIYO LANG GAGAWIN TUMAKBO,TATAKBO KAYO NG MABILIS DAHIL MAY HAHABOL SAINYO KUNG SINO DI NATUSOK NG DART YON AY MAY PRIZE AT ANG NATUSOK NAMAN MAY MINUS NA SA SUSUNOD NA LARO,AND THIS GAME START NOW!!!!!!! GOODLUCK,
Pagkatapos nyang magsalita tinali ko agad yun sport shoes ko buti nasuot ko,hanggang sa may lumabas na mga nakaitim na damit pati mukha nila di namin makita kaya nagsimula na ko tumakbo,
Kahit tumatakbo ako tinitignan ko kung malapit ba or hindi yun manunusok sa likod namin dahil baka habang tumatakbo ako baka di ko namalayan na malapit na pala sya.
Habang tumatakbo ako may nakikita na ko bumabagsak kaya binilisan ko na yung pagtakbo,hanggang sa nagulat ako nung malapit na sa harap ko yun kulay itim kaya kumaliwa agad ako saka nagsimula na ulit ako tumakbo,
Sa sobrang laki ng arena bigla ako napakunot nung may nakita akong minutes na pabawas na pabawas.pagsabihin may time tong laro? 12:05 nalang yun natitira doon sa time kaya tumakbo ako dahil kakaunti nalang yun natitira na tumatakbo,
Habang patuloy ako sa pagtakbo di ko na nararamdaman yun kaba sa dibdib ang gusto ko lang di matusok ng dart na iyon baka may lason yon,
Hanggang sa bumagal yun pagtatakbo ko nung may nakita akong itim na isasasaksak na sa babae yun dart sa mismong dibdib nito kaya agad ako lumapit at mabilis na sinipa yun dart saka tumakbo ulit papaalis doon,
Masyado ata maikli yun pasensya ng naka kulay itim itutusok lang naman bakit kailangan pa itarak,
Hanggang sa may narinig ako boses,
Five........... Four..............three............ Two....... One.times up, Congratulations sa mga natira,
Maya-maya may lumabas rin sa secret na pintuan at maya-maya may lumapit saamin at may binigay na ticket saamin,
Kada game kung sino matitira o mananalo sa laro makakatanggap ng ticket at pwede niyo rin yan palitan ng pagkain,
Agad ako napakunot nung iba na yun tono na nagsasalita sa mikropono at masyado na itong mahinhin.
Maya-maya nung umalis na yun mga kulay itim na nanunusok kanina umupo lang ako sa dulo at inaayos yun maikli kong buhok na napakagulo dahil sa pagtakbo ko kanina,
Habang nakaupo ako binilang ko yun ticket ko,at ten na ticket na lang iyon anong mabibili ko dito?bottled water?
Habang tahimik ako nakaupo pinupunasan ko yun butil ng pawis ko sa noo ko paano kung wala sila saan ko sina hahanapin paano kung nakalabas sila,
Hanggang sa nagulat ako nung may kumalabit sakin at pagkakita ko niyakap ko agad ito,
KIER! ayos ka lang ba sila red, danica saka si wayde kasama mo ba sila?
Si danica natusok ng dart saka sila wayde at red nandidito pero di mo makikita dahil baka nasa dulo ng arena sila,
Ganun ba?
Brien sa tingin ko di lang toh simpleng laro,
Bakit?
May hinding tama dito eh,
Paano imbes na tayo maglaro,tayo na pinaglalaruan?
Hindi ko rin alam kier pero may kutob ako na habang papatagal tayo dito alam kong mahihirapan tayo makalabas,
Tara doon ka muna sa pwesto namin nila wayde,
Pagkapunta ko sa pwesto nila kier nakita ko nga sila wayde at red pero pagkalapit ko niyakap ko agad sila,
Ayos lang ba kayo?
Oo ayos buti di kami natusok,
Kamusta wala na bang panibagong laro?
Meron pa,
Agad ako nagtaka nung may sinabi si wayde saamin tatlo,
May isa pang batch na maglalaro,
Ano?
Maya-maya umilaw yun malaking screen at nagulat ako nung tumatakbo rin sila katulad na ginawa ko kanina,
B-bakit anong laro ba pinasok namin,
SUSSIE
mga putang ina ninyo!!!! Di nyo ko mahahabol mga unggoy,
Habang tumatakbo ako ang iniisip ko lang paano di matusok,bwiset kasi bakit may paganto pa kaala niyo naman nakakatakot,nakakaexcite maglaro,
Di ninyo naitatanong isa kong former assasin di lang alam nila brien kaya mabilis ako kumilos,pero joke lang di talaga ako assasin isa akong mma fighter lahat kaya kong laruin pati mga lalake laya kong laruin,
Duh napakaganda ng katawan ko tapos itutusok nila yun dart,kung itusok ko kaya sa noo nila iyon,
Ay totoo yan isa akong former soldier kaya sanay na ko sa manghahabol saka former magnanakaw rin ako dati eh ninakawan ko nga ng panty so brien sa dorm namin dati sa univeristy na pinapasukan namin dati di niya rin alam hanggang ngayon,
Hanggang sa huminto na ko sa pagtakbo nung nagtimes up yun oras,kung sino man yun nakakulay itim na humahabol sakin kanina humanda sya sakin dahil itutusok ko talaga iyon sa bibig nya, muntik na ko matusok,
Pero napaisip ako kung nasa si troy paggising oo kasi wala na rin sya eh,
TROY
pagkatapos ng laro nakahiga na ko sa sahig dahil sa pagtatakbo para lang di ako mahuli hawak hawak ko ngayon yun ticket na napalalunan ko at kung mahahanap ko si brien ibibigay ko toh sa kanya,alam kong hinahanap na niya ko pati si sussie hinahanap ko narin,
Bakit kasi napakalaki ng arena.
Habang nakaupo ako sa sahig hinubad ko yun tshirt na blue at tanging sando nalang yun suot ko,
Kapag nahanap ko na sila tanging gagawin ko lang protektahan sila di ko alam kung anong mangyayare samin pero ang alam ko lang masyadong mapanganib ito kay brien at sa mga kaibigan ko,