CHAPTER 3

1 0 0
                                    

Isang batang babae.

Bahagya akong nagulat sa ginawa niya.

"Are you for real?" Tanong ng bata sa harap ko.

I think nasa 3 or 4 yrs old na tong batang to.

"W-what?" Nagtatakang tanong ko..

"You kinda look familiar po" usal pa niya na parang matured na magsalita.

Tumingin lang ako sa kanya ng naka ngiti..

"I think... i saw you already" aniya na nakaturo pa ang daliri sa baba niya na tila nagiisip.

Pinagmamasdan ko lang siya. Diko naman masyadong pinapansin ang sinasabi niya dahil baka may kahawig lang ako na nakikita niya. Bata pa naman siya kaya dipa sila matandain sa mga nakikita nilang mukha..

Nakatingin lang din siya sa akin na tila sinusuri ang buong mukha ko.

Ang cute niya!

"Gusto mo ba dito sa swing? I will push you slowly" magiliw na sabi ko sa bata.

"Yes, please" magiliw din na pag sang-ayon niya na tumatango tango pa.

Bumaba ako sa swing at maingat na binuhat siya paupo doon.

Bahagya ko siyang tinutulak ng dahan dahan.

Pero ni request niyang sa harap daw niya ako pumwesto habang tinutulak siya para daw makita niya padin yung mukha ko.

Na weirduhan ako pero ginawa ko nalang.

Habang bahagya ko siyang tinutulak, ay nakatitig lang siya saken.

Yung tipong tinatagilid nya pa ang ulo niya na parang kinikilatis bawat anggulo ng mukha ko.

Okay.. what's with the look baby girl?

Hinayaan ko nalang siya.

Maya maya lang ay may lumapit sa aming babae na parang nasa edad 40+

"Ay nako kang bata ka, nahilo nako kakahanap sayo..andito ka lang pala..pinapakaba mo naman ako" aniya sabay yakap dun sa bata.

Base sa suot niya ay parang nanny sya netong batang to.

"nanay, look oh! *points at me* she looks like the girl we saw at da--" bago pa matapos ang sasabihin ng bata ay nagsalita na agad yung nanny nya..

"Ikaw talagang bata ka, ang daldal mo.."

"Ah hija pasensya kana sa alaga ko ha? Dito na kame..  kailangan na namin umuwi" baling niya sa akin.

"Ay wala po yun 'nay! Natuwa din po ako sa kanya, ang cute cute!" Sabay ngiti at kaway dun sa bata..

Nginitian nalang ako nito at umalis na sila.



-----------------------------------------------------------------

Kinabukasan.

Nagising ako dahil sa katok ni mommy sa pinto ng kwarto ko..

"Baby? Are you awake na?" Tanong nito mula sa labas.

Wala pa  ko sa wisyo kaya di ako nakasagot.. nakatingin lang ako sa kisame.

Narinig ko namang bumukas yung pinto kaya napabaling ang tingin ko dito.

Pumasok si mommy at umupo sa gilid ng kama ko..

"Anak are you okay?"

Tango lang ang naging tugon ko dito.

"I understand if you can't go--" pinutol ko na ang dapat na sasabihin ni mommy..

"No mom, i can go and i have to be there"

Ngiti nalang ang naging tugon nito at sinabihan akong mag ayos na para sabay sabay na kame makaalis.

3rd year death anniversary ngayon ni tim.

Ng asawa ko...

SACRIFICESWhere stories live. Discover now