01: Homophobe

59 6 15
                                    

CONTENT WARNING: This story contains fictional depiction of gender discrimination, self-harm, and violence. Reader discretion is highly advised.

***

ADONIS

I hate gays.

Marami akong rason kung bakit kinamumuhian ko sila pero tinatamad akong i-specify lahat. Sa sobrang dami ay baka lalo lang akong mainis habang pinapaliwanag ko ang mga ayaw ko sa kanila. Ang masasabi ko lang, kumukulo na ang dugo ko kapag nahuhuli ko silang nakatitig ng malagkit sa akin. Sa sobrang pag-iwas ko sa katulad nila ay hindi ko na napapansin ang malaswa nilang tingin. Kung pwede lang sana silang paalisin sa eskwelahan na pinasukan ko, ginawa ko na.

Hanggang ngayon, hindi pa rin mabura sa isip ko ang mukha nila na parang asong naglalaway at handang kainin ang aking laman. Alam ko naman na maganda ang aking katawan, postura, at mukha pero hindi ako kumportable kung sila ang pumupuri sa akin. I can't appreciate their admiration because I find it too vulgar and too creepy. Kinikilabutan lang ako sa mga salitang lumalabas sa bibig nila dahil palagi nalang may halong kahalayan.

"Ang pogi talaga ni Adonis," malanding sabi ng boses lalaki pero ang lambot magsalita. Hindi ko tinapunan ng tingin ang nagsabi no'n pero alam kong bading ang nagsabi.

"Daks siya 'te at mukhang masarap sa kama," dagdag naman ng kasama niya na ikinahinto ko sa paglalakad.

Anong sinabi niya? Masarap sa kama? What the fuck!

Pumantay ang kilay ko sa noo at marahas akong lumingon. I saw a group of gays standing in front of me.

"Who said that?" Kalmado pero may diin na sabi ko.

Nawala ang ngiti nila at umiwas ng tingin. Gusto kong matawa dahil halatang nagulat sila sa inakto ko. The hell I care! Sino ba namang matinong tao ang matutuwa sa sinabi nila. Unless that person really needs to have sex with them. Pota. I instantly shooed the thought away because I find it too disgusting.

I lost my temper again. But I need to control my emotions because the last time someone said that-that gay was rushed to the hospital.

"Wala kayong karapatan na bastusin ako," I demand.

"A-adonis," nauutal na sabi ng isang bakla na may suot na head band at pink na hair clip na nakaipit sa buhok niya. Seriously, ikina-babae niya ba 'yan? "Sorry sa sinabi ni Gio," dagdag na sabi niya at pasimpleng tumingin sa nakasalamin na nakayuko na ngayon sa harap ko.

"Siya dapat ang magsabi niyan," I mocked and pointed that nerdy gay.

Pasimpleng hinawakan ng kasama na tinawag niyang Gio. Agad naman siyang nag-angat ng tingin sa akin, "s-sorry, h-hindi ko sinasadya."

My jaw clenched and gritted my teeth because I'm not satisfied with what he said. Ramdam kong nakatingin na ang mga tao sa amin at bad timing naman dahil baka sa DSAS na naman ang abot ko nito. Lintik na 'yan! Nangangati pa naman ang kamao ko.

"Hindi mo sinasadya, huh?" Pinilit kong pakalmahin ang sarili pero hindi ko talaga maiwasang mairita dahil pakiramdam ko sinadya niya talaga 'yon. I'm not assuming pero halatang-halata siya.

Mabilis siyang tumingin sa akin at nakayukong lumapit. Napaatras naman ako dahil baka mahawakan niya ang maselang parte ng katawan ko. Gano'n kabilis ang reflexes ko kapag may lumapit na kauri niya. I would not let him hold me because I remember something I hate in the past. Tumataas lang ang balahibo ko kapag dumadampi ang balat ng mga katulad niya sa akin.

"Sorry, hindi ko sinasadya."

Sarkastiko akong tumawa at marahas siyang kinuwelyuhan. Nagulat siya sa ginawa ko at napasinghap naman ang mga kasama niya. Pota, bakit hindi ko makontrol ang sarili ko? Sabing ayokong hawakan ang katulad niya pero ano 'tong ginagawa ko ngayon? Nakakainis.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 06, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unanticipated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon