1

2.5K 47 2
                                    

Chapter One

"DO you have a boyfriend, Miss Hernandez?" Napatingin si Klarissa kay Miss Tanya na siyang nag-i-interview sa kanya ngayon para sa private tutor position. Nagtataka siya kung bakit pati iyon ay kailangan pa itanong.

Requirement na ba ngayon na single ka para maging karapatdapat na private tutor?

Nang mabanaag ni Klarissa ang ka-seryosohan sa mukha ni Miss Tanya agad naman siya umayos ng upo. Klarissa gulped hard as she stared at the woman's pleasing eyes. Pinagsalikop niya ang kamay upang itago ang panginginig noon dahil sa kaba kahit simpleng tanong lang naman ang binato sa kanya.

"Is it a requirement, ma'am?" Balik-tanong niya rito.

Hindi na napigilan pa ni Klarissa na magtanong din pabalik. Kanina lang ay nasa isipan niya iyon, ngayon ay naitanong na niya at parang may punyal na nabunot sa kanyang dibdib. Kapag talaga mga hindi inaasahan na pagkakataon gaya ngayon, lumalabas ang pagiging outspoken na isa pang karakter.

"Not, but in case you get hired today, and I'm sure you will, kasama sa contract na pipirmahan mo yung no boyfriend policy during your service here in Morales Steel Corporation."

Napaawang ang mga labi niya dahil sa narinig. Kung part iyon ng contract, hindi dapat iyon sinasabi sa interview. Unless she's hired already. Hired na nga ba siya? May nakapagsabi pa naman sa kanya sa labas na mahirap makapasa sa posisyon na in-apply-an niya. Nasalubong lang naman niya iyon pero may komento pa dahil lang sa hindi nakapasa.

At bakit naman naman bawal magka-boyfriend? Kung dalawang taon ang kontrata na pipirmahan niya, ibig sabihin noon dalawang tao din siyang hindi pwedeng magpaligaw. Mali yata na nag-apply pa siya sa MSC.

Nang tingnan niya kasi job hiring announcement sa isang sikat na job portals sa internet, nasilaw siya sa offer na sahod para maging isang private tutor. Triple iyon ng sinasahod niya sa aalisan niyang online teaching center. Kaya natural lang na maging metikuloso ang interviewer na nasa kanyang harapan dahil sobrang taas ng sahod. Hindi naman sa iniisip ni Klarissa sobrang galing niya. Gaya ng iba, sumubok lang din siya at maganda naman nakukuha niyang reaksyon kay Miss Tanya mula pa kanina.

Sa gano'ng kalaking sahod, maaari na niyang maibili ng bahay ang mama niya at mapag-aral sa kolehiyo ang nag-iisa niyang kapatid. Mababayaran pati niya ang mga utang nila na matagal ng overdue.

Ayos lang kahit bawal mag boyfriend, Klarissa. Wala ka din naman time mag boyfriend 'di ba? Pamilya muna 'di ba? pangungumbinsi niya sa kanyang sarili.

"I don't have a boyfriend, ma'am," tugon niya dito. "This isn't the right time to look for a boyfriend. I need a job to support my family's daily needs. Pardon me if it's a cliché reason, ma'am, but if you give me a chance, I'll do my best to provide a quality tutoring service. I may not be the best in this field, but trying won't hurt me. I can still prove that I can teach Mr Morales' son good moral and right conduct aside from academic and extra-curricular activities."

Tumango tango muli si Miss Tanya na mukhang nagustuhan na man ang kanyang sinabi. May ngiti na sumilay sa mga labi nito.

"May anak ka ba?" It's another weird question.

"Bawal din po ba?"

Nagtataka na talaga siya. Private tutor ba talaga ang ina-apply-an niya o asawa ng may-ari ng MSC?

Pwede din naman yung huli. Aarte pa ba ako kung kailangan ko ng pera?

"Mr Morales wants her son's tutor to be fully dedicated to its work. He also offers a place to stay in their house because he dislikes people who always come late. Very punctual na tao si Mr. Morales at na-discuss na din niyang libre ang magiging pagtira sa bahay niya."

The CEO's First Romance | Revamped EditionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon