12

567 31 0
                                    

CHAPTER TWELVE

"MAGANDA NAMAN ang buhok mo, dzai. Bakit gugupitan pa natin? Brokenhearted ka ba?"

Iyon ang sunod-sunod na tanong hairstylist na nasa likuran ni Klarissa na siyang dahilan ng pagbunghalit ng tawa ni Monique. Agad niya tinapunan nang masamang tingin ang kaibigan. Isinama siya nito malapit na mall para makapag-unwind matapos ng eksenang ginawa niya sa trabaho kahapon. Sa parlor sila dinala ng mga paa nila dahil out of the blue nagsabi nais niyang magpa-gupit. Hindi naman nag-atubili si Monique at sinamahan siya ngayon kaso tawa lang naman ito ng tawa.

"Gusto ko lang maiba ang hairstyle ko. Wala po akong boyfriend at mas uunahin ko maghanap ng trabaho muna." Para presentable naman ako tingnan kapag humarap sa susunod ko na employer, dagdag ni Klarissa sa kanyang isipan.

"Parang ayoko naman maniwala na wala kang boyfriend. . ." Nagkatinginan sila ni Monique. Likas na sa mga gaya ng nag-aayos sa kanila ang bolera para may tip pagkatapos ng serbisyo na kanilang binayaran. "Pihikan ka siguro?"

"No. No. No. Hindi pa lang niya napapaamo iyong lalaking para sa kanya."

Tumili si Monique pati na ang tiga-ayos nilang dalawa. Hindi pa nakuntento ang kaibigan at naglabas ito ng cell phone. Nagulat na lamang siya ng ipakita nito sa lahat ang picture ni Mr. Morales na ngayon lang din niya nakita. Ang gwapo nito sa picture na iyon pero mas nangibabaw ang inis niya sa binata kaya hindi na nakisali pa sa tatlo.

Iniisip pa rin niya kung susundin ba ang kanyang ina at hihingi ng tawad dito o huwag na lang. Pero kailangan pa rin niya magpunta sa MSC dahil may sahod pa siya na dapat nila ibigay sa kanya.

"Ang gwapo naman pala nitong lalaki na ito, dzai!" Tili pang muli ng baklang nag-ayos sa kanyang buhok. "Babawasan lang natin para maalis iyong split ends tapos lagyan natin ng highlights para magkaroon style."

Hindi na siya tumanggi sa sinabi nito at hinayaan kung ano ang mga gagawin sa kanyang buhok. Sana lang tama ang desisyon niya ngayon na ipagalaw ang buhok.

Sana.

PANAY ANG haplos ni Klarissa sa kanyang buhok na kanina pa niya hindi maramdaman. Ang gaan kasi ng pakiramdam niya mula ng magupitan. Para bang naalis ng kung iyong mabigat na dalahin niya mula nang magupitan, ma-rebond at malagyan ng highlights ang buhok.

"Para akong walang buhok, Mon," aniya sa kaibigan. Hindi talaga siya sanay sa itsura ngayon. Hindi naman kasi siya mahilig mag-ayos at laging iyong pinaka-simpleng gupit ang binibigay niya sa sarili.

"Bagay nga sa 'yo. Kapag siguro nakita ka ng boss mo baka bigla iyon bumait sa 'yo." Inirapan niya ito nang marinig na iyong amo na naman paksa nila. Kinuha niya ang iniinom na milktea at doon na lang tinuon ang atensyon. "Ano pala plano mo ngayon?"

"Maghahanap ako ng trabaho tapos aasikasuhin iyong sahod ko sa MSC para may pang gastos kami,"

"I can lend you money, babe," alok ni Monique sa kanya.

"Huwag na. Kaya pa naman. Saka na lang ako hihingi tulong sa 'yo kapag kapos na talaga."

"Okay. I'm one call away lang naman kaya huwag ka mag-alala, okay? Saka huwag mo na muna isipin ang boss mo. Baka mainit lang talaga ulo niya that time and he really not meant to belittle you. Alam ko na katipunera blood mo yung umiral noong sinagot mo siya, but next time keep calm, hm?"

Tumango-tango siya bilang tugon sa sinabi ng kanyang kaibigan. Na-realize niya na tama ang nanay pati na si Monique na hindi dapat sinasabayan ang init ng ulo ng iba. Pero hindi pa alam ni Klarissa kung pupunta ba siya para mag-sorry sa binata. Para nalaos ang lakas ng loob niya lalo nang magbalik-tanaw sa mga nabitiwan niyang mga salita kay Mr. Morales. Some of it were product of her disgusted feelings while other weren't.

The CEO's First Romance | Revamped EditionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon