17

565 27 1
                                    

CHAPTER SEVENTEEN

SA ISANG isang kilalang ospital sinugod ni Klarissa si Mr. Morales matapos nito tumumba kanina. Nahirapan pa nga siya lalo't may mga kasama silang bata na kasama niya ngayon dito sa emergency room. Nanginginig ang bawat kalamnan ni Klarissa dahil sa kaba. Ngunit pinipilit niyang iwaksi dahil alam na 'di iyon makakatulong.

"Klarissa!" sigaw na agad nagpalingon sa kanya. It was Miss Tanya who immediately took Marga from her. Nakita niyang nilapitan ni Mr. Altamirano sina Kit James, Aicel at Carl sa gilid na para bang tinitingnan kung ayos lang ang mga ito.

"You should call me the moment he passed out!" sigaw ni Mr. Altamirano sa kanya. Lalo siyang pinanginigan ng kalamnan dahil doon. Tumulong lang naman si Klarissa pero bakit parang siya pa ang masama ngayon?

"Sixto, stop yelling at her. Can't you see her shaking and a little distressed?" singhal naman ni Miss Tanya sa boyfriend nito.

Hindi na siya nagsalita pa o kahit ipagtanggol ang kanyang sarili. Basta na lamang siya nanahimik bigla at humakbang palikod ng dalawang beses.

"They could be taken by that taxi driver who helped her, Tanya!" Naririnig niya ang galit na galit na tinig ni Mr. Altamirano kahit ilang dipa na ang layo niya sa mga ito.

"Sila lang ni Alfred ang nasa bahay at hindi naman niya kaya ang pinsan ko kung 'di magpapatulong. He could die if not taken here and there's nothing wrong with the kids. Mas tinatakot mo pa nga sila."

Both, Miss Tanya and Mr. Altamirano bickered at each other until a doctor arrived and checked Mr. Morales. "Kids, that's enough. Hindi naman mamamatay si Alfred agad-agad," anang doktor na kausap ng mga nars kanina.

"Samuel. . ." Miss Tanya said.

"Thanks to her because this guy needed immediate medical attention, so please step aside now so we can do our job here." Lalong tumahimik si Klarissa pagkarinig sa lalaking naka-doctor's gown. "And you, stop yelling at everybody. Pull yourself together, Altamirano. No one is at fault, and you're scaring the kids."

Nakita niya na tinapik ng doktor ang balikat ni Tanya bago sila umalis at dinala sa pinaka-loob si Mr. Morales na may dextrose na at may oxygen na tumutulong dito huminga. Kahit paano ay kumalma na ang kanyang dibdib ngayon na may doktor na umaasikaso rito. Naiwan siya kasama nina Miss Tanya at Mr. Altamirano pati ng mga bata.

Sa puntong iyon, dumating si Mrs. Morales na nababakasan ng pag-aalala ang mukha. Niyakap ng ginang ang tatlong bata at kinausap si Mr. Altamirano. Dahan-dahan siya lumakad palayo sa mga ito at tuluyan na umalis dahil hindi naman na siya kailangan pa roon. Saka na lang niya kakausapin ang mga ito kapag kalmado na at hindi sa ganitong sitwasyon na lahat ay nag-aalala.

"Akala ko bukas ka pa uuwi? Bakit nga pala nasa ospital ka?" Sunod-sunod na tanong sa kanya ni Monique na siyang tinawagan niya.

"Isinugod ko si Mr. Morales sa ospital. He passed out due to high fever."

"Akala ko pa naman iba na ang ginagawa niyo sa mansion ng boss mo." Inirapan niya ang kaibigan na dahilan lang pagngisi nito. "Nag-aalala ka ba sa kanya? Uh-oh, not that face Klarissa. Do you perhaps like your boss?"

"No!" sigaw niya rito na lalong nagpalakas sa tawa ng kaibigan. Lalo niya itong inirapan at hindi na pinansin.

"Kung ako ang tatanungin, ayoko na ma-associate ka sa kanila. Hindi dahil may duda ako na makakasabay sa kanila pero mayaman ang mga iyon, Klarissa. May ibang pakiramdam lang ako sa kanila." Napa-isip siya matapos marinig ang sinabi ni Monique sa kanya. "I found this when you said that you were adopted. Buksan mo kapag ayos na ang pakiramdam mo dahil marami ka malalaman."

The CEO's First Romance | Revamped EditionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon