Prologue

247 20 7
                                    

VINZ'S POV

Pagkatapos ng huling operasyon ay agad na din akong nag-ayos ng gamit ko. Nagmadali ako sa ginagawa ko dahil may hinahabol akong oras. Alas tres na ng hapon at uwian na ngayon ng anak ko kaya naman kailangan kong magmadali.

Siguradong iniintay na niya din ako. Pagkatapos ko ay lumabas na ako at may ibang nurse at doctor na bumabati sa akin kaya naman binati ko din sila pabalik.

"Doc. Vinz, paalis na po ba kayo?" Tanong ni Lilia ng makasalubong ako nito. Isa rin siyang nurse.

"Oo eh, iniintay na kasi ako ng anak ko." Sagot ko dito. Ngumiti ito at tumango.

"Sige Doc. Vinz, mag-iingat kayo." Aniya

"Sige mauuna na ako."Ngumiti ako dito bago umalis.

Kinuha ko susi ng kotse at sumakay sa loob. Sinimulan ko na itong paandarin para makapunta na ako sa school ng anak ko. Nagring ang phone ko kaya naman i-connect ko ito sa bluetooth ng kotse.

"Hello, hon! Susunduin mo ba si Andrea?" Tanong ng asawa ko. Napangiti ako ng marinig ang boses niya. Sobrang lambing.

"Oo, hon. Konting oras na lang ay makakapunta na rin ako sa school." Sagot ko sa kanya.

She's my lovely wife, Lorelei Rectos-Alfonso. I'm such a lucky man because she's my wife.

Nung high school ko siya unang nakilala at sobrang nabighani ako sa sobrang ganda niya. Niligawan ko siya ng matagal na panahon at akala ko noon ay hindi niya ako sasagutin. Dahil marami ring nagkakandarapa sa kanya.

Pero nung araw na sagutin niya ako ay sobrang saya ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. College na kami noon nung sagutin niya ako. Kahit matagal ang panliligaw ko sa kanya ay sobrang worth it naman.

Ngunit nung college kami ay may isang pangyayari na hindi namin inaasahan. Were having a birthday party for my friend and we got drunk. Then, I got her pregnant.

Sobrang takot niya noon dahil hindi niya alam ang gagawin. Ngunit sinabi ko sa kanya na pananagutan ko siya.

Tutol ang parents ko sa planong pagpapakasal ko sa kanya. Pero wala naman silang magagawa doon dahil mahal ko si Lorelei.

We got married when were still a college student. At hindi ko pinagsisisihan iyon. Pinagpatuloy ni Lorelei ang pag-aaral niya kahit mahirap. Pero palagi akong sumusuporta sa kanya at palagi kong sinesecure na safe sila ng baby ko.

Parehas kaming nagsikap mag-aral para sa future namin. At ngayon ay isa na akong doctor habang siya naman ay isang engineer.

"I'm really sorry, hon. Marami lang talaga akong ginagawa at busy din ako dito sa site." Medyo malungkot ang boses niya.

"Wag kang mag-alala, hon. I understand. Basta kumain ka sa tamang oras at wag mong papabayaan ang sarili mo." Sabi ko dito.

"Hmm, thank you. Your so sweet talaga." Napangiti naman ako sa sinabi niya. I miss her now. Two days na siyang hindi umuuwi pero naiintindihan ko naman na busy lang siya.

"Babawi na lang ako sa inyo ni Andrea pagkauwi ko. Magpapaalam na ako, hon. May gagawin pa kasi ako. Bye, hon. I love you and Andrea."

"Hmm, sige. Bye, I love you too. Take care always, hon." Pagkatapos nun ay pinatay na din ang tawag.

Napahinga na lang ako ng malalim. Miss ko na siya talaga.

Bumaba na ako ng kotse ng makarating ako sa school na pinapasukan ng anak ko.

Pinuntahan ko kung saan palaging nag-iintay ang anak ko. Sa playground. Nakita ko siya at masaya itong naglalaro kasama ang kaibigan niya.

"Andrea!" Pagtawag ko sa kanya. Lumingon siya sa akin at ngumiti ng malaki.

His Married Man [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon