Sharlene
Naglalakad ako galing sa school, kalalabas ko lang kasi may inasikaso pa ako, it's just 5:30 pero sobrang dilim na, uulan ba? Wala pa naman akong dalang payong ano ba yan -_-
Nagsimula nang kumulog, wala pa namang sched dito, sige na liligo na ako sa ulan Saturday naman bukas eh, nang magsimula akong maglakad ulit ng may tumutulo nang tubig galing sa taas, this is so amazing ang layo na malapit yung bahay namin at kailangan kong maglakad kasi wala akong pamasaheng natira, wala eh daming bayaran sa school.
Umuulan na ng malakas pero walang natulo saakin, tumingin ako sa taas at ang nakota ko lang ay kulay blue, tumingin ako sa may hawak ng payong, ngumiti ako sakanya at ngumiti lang siya, ang tahimik naming dalwa wala kaming iniimik kahit ano.
Nang makarating sa bahay, tsaka lang may umimik, "Sige na pumasok ka na, sa susunod magdala ng payong, at magtira ng pamasahe!" Sabi niya, ngumiti lang ako, ramdam ko ang care niya, lagi nalang siyang ganyan, pag may kailangan ako, tsaka dumadating, prince charming kumbaga.
Lumalabas kami pag may free time, nag bobonding din kami, akala mo nga mag on kami eh, pero hindi, wish ko lang, kasi siya napaka perfect niya, gwapo, matangkad, mabait, matalino. Ang ganda ng mata niya, matangos na ilong, mahahabang pilik, kissable lips, tapos yung biceps niya pa grabe lakas maka Dream Boy.
One Time nagka-sakit ako, halos 5 days din ako dun, at andun siya araw araw, hindi siya umattend ng klase para bantayan ako, sayang ang grades niya, pero pinili niya ako, bait noh? Sana lang talaga siya na eh. Siya na yung laging nandiyan pag wala akong karamay. Nung tumakbo akong sc secretary siya ang no. 1 fan ko. Siya na ang concert buddy ko, sinamahan niya nga ako sa concert ng 1D, sobrang fan kasi ako 'nun, tapos niyaya ko ibanh friends ko pero di sila pwede that time, 'di ko siya niyaya kasi alam kong hindi niya gusto 'yun, pero wala akong choice, kaya niyaya ko siya, nagulat nalang ako ng um-oo siya, hindi ko akalain na papayag siya.
Tapos pag may mang a-away sakin lagi niyang sinisigawan, grabe ang pagka thankful ko sakanya, ano nalang ako pag wala siya?
"Bakit kasi ayaw mo pang mag boyfriend?"
"May hinihintay kasi ako"
"Baka kasi hindi para sa'yo, wag mo na hinatayin"
Ayoko, gusto ko parin yung hinihintay ko. Kasi gusto na kita. Gustong-gusto. Pero ano naman ako sayo diba? Isa akong talunan at duwag na babae. Minsan nga umiiwas na ako para hindi lumala yung nararamdaman ko pero, wala eh, mahina ako, ngiti palang niya umo-oo agad ako. Kasi naman hindi ko akalain na ma-fa-fall ako dito sa kumag na 'to.
Ang hilig niya magpalito ng feelings, nakaka inis. Sa una magbibigay ng motibo tas babawiin din. Pero kinikilig ako sa bawat galaw niya. Pero hindi na pwede ngayon.
Yung mga dating gawain namin, hindi na pwede, yung paglabas naming magkasama, bawal na, hindi na siya dumadating pag kailangan ko siya, hindi na niya ako pinagtatanggol. Alam niyo kung bakit? Kasi he has a commitment, committed siya sa babaeng kahit kailan di ko mapapantayan. Si Nash Aguas ay may relasyon kay Alexa Ilacad.
Akala ko nuon huli na ang lahat pero hindi pala, kasi pag may aalis, may darating, dumating yung totoong dream boy ko, nahigitan niya si Nash. Umamin siyang may gusto siya saakin. Ilang months niya tiniis ang ka-brutalan ko, akala ko nga susuko na siya agad, pero hindi pala. He never broke my heart. He never failed to make me happy.
Nung concert ni Katy Perry, hindi ako ang nagyaya, on the spot niya akong niyaya at hinila papunta sa venue. At ang masaya sa vip pa kami umupo. May manliligaw bang vip agad ang regalo? Parang bihira lang yun, at sa bihira na yun, kasama siya dun. Hindi ako nagsisi na payagan siyang manligaw.
It's our 1st anniversary today, and aalis kami. Someone knocks on the door at alam kong siya na 'to.
"Shar, tara na?"
"Tara na Joaquin" BYE GUYS!
The End
