Yuan's povPagdating sa bahay dumiretso agad sya sa kwarto at humiga.
Pano ko ba sasabihin na gusto ko sya ligawan? Pano ko ba sasabihing matagal ko na sya gusto.. Simula palang nung mga bata kame sobrang crush ko na sya.. Sabi ko sa sarili ko liligawan ko sya pag pwede na.. Pero bakit ngayon di ko magawa?.. Natatakot kasi ako sa mga pwedeng mangyari.. Baka kasi ireject nya ako, o baka bigla nya nalang ako iwasan.. Ayoko mangyari yun.. Hindi ako sanay na di sya kasama, na hindi sya nakakausap sa loob ng isang araw.. Mahal ko si Ayesha.. Mahal na mahal ko sya..
Nakatulog si Yuan na yan ang nasa isip nya.
Kinabukasan...
"Ayeshaaaaaaa!!!!" sigaw ni Yuan habang hinahabol ang dalaga. "ba-kit di mo man-lang ako hinin-tay??" hinihingal na sabi nya kay Ayesha.
"Eh ang tagal tagal mo kaya! Kanina pa ko nag hihintay malelate na ko!" galit na sagot ng dalaga habang nag lalakad ng mabilis.
"Sorry na :( late na kasi ako nagising.. Babawi ako mamaya sabay tayo mag lunch, libre kita" nakangiting sabi ni Yuan sabay akbay sa dalaga.
"Sige sabi mo yan ah!" ani ni ayesha.
Hindi naman talaga galit si Ayesha. Naiinis lang sya sa sarili nya dahil umaasa sya sa wala. Umaasa sya na may gusto sakanya si Yuan. Kahit alam na alam naman nya na kaibigan lang ang turing sakanya nito.
Lunch break...
"Ate dalawang order nga po ng spaghetti, dalawang burger at dalawang softdrinks." habang bumibili si Yuan nakatingin sya kay Ayesha at napapangiti.
"Ang tagal mo naman!" sabay kuha ng spaghetti, burger at softdrink na dala ng binata.
"oh ayan ah, bawi na ko sa paghihintay mo kanina" nakangiting sabi ng binata.
"hindi ka pa bawi nu. Dalawang oras mo kaya ako pinaghintay!" sagot ni ayesha.
Pagtapos kumaen bumalik na sila sa classroom.
"Girl practice na daw ng graduation bukas" sabi ni Mia kay Ayesha pagkaupo ng dalaga sa tabi nito.
Si Mia ang pinaka close ni Ayesha sa classroom. Eto rin ang lagi nya kasama pag nasa school sya at pag wala si Yuan.
"Talaga?" nakangiting sabi ni Ayesha. "excited na ko :) gusto ko na grumaduate at mag trabaho sa isang sikat na company".
"Ako din girl excited na. Kukuhain na kasi ko nila mommy pagkagraduate ko isasama na nila ko sa state, dun na din ako titira kasama nila" tuwang tuwang sabi ni Mia.
"Ganon ba? Hindi na tayo magkikita nun girl? :( mamimis kita nun." malungkot na sabi ni Ayesha.
"Oo nga girl :( Pero ok lang yan nanjan naman si Yuan para sayo. yiiiieee hahaha bagay kayo girl :) Sana magkatuluyan kayo." pang aasar ni Mia kay Ayesha.
"Nako mag Bestfriend lang kame nun. Hanggang dun lang yun. Walang malisya." kinikilig na tanggi ni Ayesha.
"Pero girl alam mo gwapo si Yuan tapos mabait pa :) Crush ko nga sya eh :) kaso alam ko naman na sayo na sya hahah" pag amin ni Mia.
"Hindi nuh. Wala akong gusto dun tyaka para na kaming magkapatid nun kaya malayo talaga yang iniisip mo".
Biglang dumating ang kanilang professor kaya natigil sila sa pag uusap.
Bell...
"yesss! Uwian na." patakbong lumabas agad ng classroom si Yuan para puntahan si Ayesha sa classroom nito at isabay na umuwi. Nakita nya na palabas na rin ng classroom ang dalaga kaya sinalubong nya na ito at inakbayan. "Magandang binibini uwi na ba tayo?" tanong ni Yuan.
"Natural uwian na eh hahah" natatawang sagot ni Ayesha.
Napakamot naman ng ulo si Yuan. "Sama ka? May pupuntahan tayo."
"Saan nanaman yan Mr. Yuan??! Baka malayo nanaman yan ah! Kagaya nung isang araw jusko ilang hiway muna dinaanan natin bago tayo makarating sa sinasabi mong karinderya!"
"Aangal ka pa. Dami mo naman nakaen nun!"
"Aba syempre ikaw kaya mag lakad ng napakalayo! Pagkauwi ko nga gutom na ulit ako sa sobrang layo eh!"
Tumawa ng malakas si Yuan. "Wag ka mag alala malapit lang pupuntahan natin. Tyka sigurado mag eenjoy ka dun" sabay kurot sa ilong ni Ayesha.
"Siguraduhin mo lang!" si Ayesha sabay irap.
Habang naglalakad sila palabas ng campus nakasalubong nila si Mia. "Hi girl :) Hi Yuan :) pauwi na kayo?"
"Hello Mia" nakangiting bati ni Yuan.
"Hindi pa may pupuntahan pa daw kame, sabi ng siraulong to" ani ni Ayesha sabay tawa.
Napakamot nalang ng ulo si Yuan habang natatawa.
"ahh ganun ba, sige una na ko girl ah" nakangiting sabi ni Mia sabay lakad.
~> Hello :) ok pa ba yung takbo ng story? O mejo magulo na? pa'commet po sa mga makakabasa :) thanks labyah!
BINABASA MO ANG
"DIARY"
Short StoryMga bata palang sina Yuan at Ayesha.. Lagi na silang Magkasama.. Hindi sila sanay na di magkasama.. mahal nila ang isa't isa pero hindi nila eto kayang aminin sa takot na baka magkaron ng lamat ang pagkakaibigan nila. kuntento na sila na magkaibiga...