"Three"

23 0 0
                                    


"Ayan.. Nandito na tayo" nakangiting sabi ni Yuan kay Ayesha.

"Eto??? Dito??? Anung ginagawa natin dito sa tabing dagat??? Tsk! Akala ko pa naman magugustuhan ko talaga yung pupuntahan natin! Eh wala naman maganda dito ah!" sabi ni Ayesha habang nakatingin sa paligid.

"Tsk! Maganda dito. Umupo na tayo" sabay hila sa kamay ng dalaga paupo. "hintayin natin na bumaba ung araw. Makikita mo ang ganda nya tignan. Kulay orange ang ulap. Basta ang ganda" masayang sabi ni Yuan na nakatingin sa araw.

"Ok :)" umupo na din si Ayesha dahil naexcite syang makita na palubog ang araw..

Habang nag hihintay nag kwentuhan muna sila, nag kulitan, nag asaran.. maya maya nakita na nila na kulay orange ang ulap. Tahimik at masaya nilang pinag mamasdan ang pagbaba ng araw. Hanggang sa mapalitan ito ng dilim at mga bituin. Napagod na din sila sa kakaasaran at kulitan kaya tahimik lng sila na pinag masdan ang langit.

Biglang nagsalita si Yuan "Graduation na sa isang araw." nakatingin parin sya sa kalangitan.

"Oo nga eh. Nakakalungkot din isipin na hindi na natin makakasama yung mga naging close natin sa campus." sagot ni Ayesha na nakatingin din sa kalangitan.

"Lagi pa kaya tayo makakatambay pag may mga trabaho na tayo? Makakasama pa ba kita lagi? Baka naman maging busy ka na."

"Ngek! Oo naman nu! Baka nga ikaw ang maging busy jan eh."

"Bat mo naman nasabi yan?".

"syempre may mga liligawan ka na. Tapos un na ung palagi mo kasama. Makakalimutan mo na ko." tonong nag tatampo na sabi ng dalaga.

"Wahahah! Nagseselos agad. Tyaka hindi mangyayari yun. Mas priority parin kita nu." natatawang sabi ni Yuan. Kung pede ko nga lang sabihin na mahal kita ginawa ko na. Kaso alam ko naman na hanggang kaibigan lang tayo.

"Tse! Oo nga pala sinu yung gusto mo ligawan? Yung sinabi mo nung nakaraan?." sabay tingin kay Yuan.

"Ah yun ba. Eh si.....  Uhmm..." wala ako maisip na pangalan! Sino ba pwede? Bulong ni Yuan sa sarili.

"Huh? Ano sino?? Pakilala mo naman ako." pangungulit ni Ayesha.

"Si Mia! Oo tama si Mia.. Si Mia yung gusto ko ligawan" patay bat si Mia nasabi ko? Lagot.

"Si Mia???????" o.o nanlalaking mga matang tanong ni Ayesha. Bakit kaibigan ko pa :( bakit di nalang ako :'(

"Oo nga! Mag papatulong sana ako na mag sabi kay Mia na gusto ko sya ligawan." eto na to. ipagpatuloy ang nasimulan.

"Ahhh sige" malungkot na sabi ni Ayesha. "Tara na, anung oras na eh may practice pa tayo bukas." sabay tayo at pinagpag ang suot na uniform.

Kinabukasan...

Habang nasa quadrangle ang lahat at nag hahanda sa pag papractice ng graduation. Biglang tumunog ang cp ni Yuan. Pagtingin nya nagtxt pala si Ayesha.
        
  09135284269 oh! Ayan ang no. ni Mia. itxt mo na para makapanligaw ka na. Actually hinihintay nya na yung txt mo -ayesha

O.O Nagulat si Yuan sa nabasa. Patay? Anung gagawin ko? Wala akong gusto kay Mia.. Panu to!?  Ano ba tong pinasok mo Yuan! Pero ayoko makahalata si Ayesha.. Sige itutuloy ko ang nasimulan na..

~> Hello! :) sana magustuhan nyo ung story.. Comment kayo guys ah.. Thanks labyah!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 18, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"DIARY"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon