[WTNMTCH] 34 - Friends

2.3K 56 10
                                    

-Gd's Point of View-






Kadarating ko lang dito sa ospital, laking tuwa ko ng malaman ko na nagkamalay na si dad, malalaman ko na rin sa wakas kung sino ang walang pusong pumatay sa mom ko.






"Good thing dumating ka agad, ikaw ang una niyang hinahanap." bungad sakin ng doktor na tumitingin sa dad ko mula pa noong ma-aksidente siya. Tumango lang ako sa kanya at pumasok na ako sa loob ng room. "Dad! I'm glad nagising narin kayo." sabi ko agad pagkalapit ko sa dad ko. "Gd anak, patawarin moko." sabi niya at naiiyak na, "Hindi ko sinabi sayo ang totoo, ang totoong pagkamatay ng mom mo." dagdag niya pa. "Tell me dad, sino ang pumatay kay mom?!" tanong ko, gustung-gusto ko na talaga malaman kung sino ang pumatay sa mom ko.





"Gd, hindi mo siya kailangang gantihan." nagpapatawa ba ang dad ko? "But why? pinatay niya si mom kaya kailangan kong gumanti!" sabi ko naman, kailangan ko talagang makaganti sa lintik na yan! "Makinig ka sakin, ako ang may kasalanan kung bakit nangyari yun sa mom mo." paliwanag niya, "Dad please, linawin mo." sabi ko, nalilito ako, siya daw ang may kasalanan?






"Naalala mo bang namatay rin ang ina ni Sandara Park? s-sorry anak, ako ang may gawa nun, ako ang nag plano para maaksidente ang sinasakyan nilang kotse sa Korea, kaya gumanti sila sakin. Si Sanghyun Park, siya ang pumatay sa mom mo, gumanti siya anak, patawarin moko." I'm lost of words after hearing that, si Dad? siya ang may kasalanan kung bakit naaksidente sila Dara sa Korea? at kaya namatay ang mom niya? Si Sanghyun, siya ang pumatay kay mom? that's bullsh*t!






-Sandara's Point of View-





"Kuya! alis muna ako ha?" paalam ko sa kuya ko, kailangan ko kasing pumunta sa ospital para puntahan si Gd at tito Gabriel. "Saan naman?" tanong niya sakin. "Sa ospital kuya! nagising na kasi si tito Gabriel!" masayang sabi ko, masaya ako dahil nagising na ang dad ni Gd, masaya ako para sa kanya. Nakita ko namang namutla si kuya sa sinabi ko, may nasabi ba akong mali?






"Bunso, may sasabihin ako sayo." sabi niya, sumunod naman ako sa kanya at umupo sa sofa. "Bunso, please wag kang magagalit, wag mo akong kamuhian pag nalaman mo ang totoo." ano daw? kamuhian? ano bang nagawa niya? wala naman diba? "Sabihin mo na nga kuya, kinakabahan ako sayo eh." sabi ko, kinakabahan talaga ako.

When the Nerd meets the Campus Heartthrob [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon