[WTNMTCH] 2- Meet Mr.Sungit

10.5K 215 8
                                    

-Dara's Point of View-

And the last but not the least sa grupo nila...
 
Ang DRAGON.
 
Tumayo na siya at pumunta sa gitna ng classroom at humarap sa'min.
 
"Whoo! " bigla namang nagsigawan ang mga classmates kong babae rito sa loob.
 
Grabe ang ingay nila, 'yong tipong nakakasira ng eardrums mo once na tamaan ka ng impact nang soundwaves nung-
 
Teka, nagiging technical na ako masyado rito.
 
"Girls, please be quite." Suway ng teacher naming at salamat naman at tumahimik na rin sila.
 
Bigla namang nagsalita na ang dragon at ang lahat ay nakatingin sa kanya.

"Morning," panimula niya na halatang bored sa buhay, "...I'm Kwon Jiyong 18 years old. And do call me GD."

Was it just me o sadyang may anghel na dumaan?

Napuno ng katahimikan ang buong classroom, pero buti na lang at tumayo na si Bom para magpakilala.

"Good morning, everyone! Nice to meet you all! I'm Park Bom, 17 years old, and you can all call me Bom." Pagpapakilala niya with so much enthusiasm, hindi gaya ni GD...

Bumalik na siya sa kinauupuan niya, at nang makarating na siya sa harapan ko, tinapik niya ako sabay sabing, "Dara ikaw na!"

Kahit medyo kinakabahan, pinilit ko pa ring pumunta na sa harapan para matapos na ang pagpapakilalang ito. Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko habang nakatayo ako sa gitna.

"Nerdy!" narinig kong sabi nang isang babae, Sohee ata pangalan nun?

Hindi ko na lang siya pinansin at nagpakilala na para naman makabalik na ko sa kinauupuan ko.

"Uh, hi. I-I'm Sandara Park, 17 years old. You can call me Dara. I'm a transferee, but I hope that we can all get along and please be kind to me." Halos pabulong kong sinabi ang mga huling kataga.

Tinitignan lamang nila akong lahat at naramdaman ko naman ang panginginig ng buo kong katawan dahil sa masasamang titig ng mga kaklase ko. Nakita ko naman si Bom na kumakaway-kaway sa'kin kaya halos patakbo na akong bumalik sa table namin.

Hindi naman napansin ng teacher ang halos pagpa-panic attack ko at dumiretso na agad sa pagtuturo. Noong una ay nagte-take down pa ako ng notes hanggang sa napatingin na lamang ako sa bintana at do'n na natuon ang aking atensyon.



Hindi ko alam kung ilang minuto ang nakalipas pero  namalayan ko na lang na nag-ring na ang bell, sign na dismissed na ang klase.

"That's all for today, class dismissed." sabi ng prof namin at walang pasintabing lumabas na ng room.

Breaktime na pala. Hindi ko alam kung saan ang cafeteria, ni wala akong kakilala sa lugar na 'to. Hindi na sana ako magi-snacks pero naalala ko si Bom. Lumingon ako sa kanya at nakita kong inaayos na niya ang kanyang mga gamit.

Nahihiya man, nilakasan ko na ang loob ko. "Uhm, Bom? Pwede bang sumabay sa'yo sa pagkain?" tanong ko kay Bom.

"Oo naman! Sabay-sabay tayo nila Top." sagot niya na may malapad na ngiti gaya ng isa sa mga kaibigan niya.

"Ah. H-hindi ba sila masusungit?" pagtatanong ko dahil kinakabahan akong sumama sa kanya kapag kasama 'yong lima.

"Hindi naman," sagot niya na may nakakapagpakalma na ngiti tapos bigla na lamang kumot ang noo,  "...pwera lang pala kay GD kasi masungit talaga 'yon. Warning pala, ayaw niyang inaasar siyang dragon."

Napa-nod na lamang ako dahil bago pa man niya banggitin si GD, alam ko ng masungit talaga ang lalaking 'yon.

"Halika nga! Ipapakilala kita sa kanila!" sabi niya at hinila ako sa kabilang row kung nasaan ang mga lalaki.



When the Nerd meets the Campus Heartthrob [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon