One II SAMSON

36 1 0
                                    

"Hey, Danny boy! Hinahanap na pala ni pops yong..." Natigilan si Nathan sa sasabihin nang makita ang kambal na paika-ika kung maglakad papasok ng office nito. Nakahawak din ang kamay ng kambal sa tiyan nito na parang ewan. "Hoi, anong nangyari sayo? Bigla ka bang nanganak?" nalilitong tanong ni Nathan.

"Shut up," Daniel retorted habang hawak-hawak pa rin ang tiyan niya. Daniel tried to sit down but he winced on the pain down 'there' kung saan siya tinuhod nung babaeng maganda kanina. Narinig niya ang malakas na pagtawa ng kambal nitong si Nathan, and Daniel shot him a warning look para tumahimik. Pero imbes na gawin ito ni Nathan, mas lumakas lang ang tawa nito.

"God, Danny! Ano ba kasing nangyari at nagkaganyan ka? You were gone for five minutes and baam! May tinanggal ka ba ulit na worker dito?"

"Just shut up, will you?" Finally, nakaupo na rin si Daniel, but damn! Ang sakit-sakit ng 'ano' niya dahil sa ginawa ng babaeng 'yon. Kung alam niya lang na ganito ang mangyayari, sana diniretso nalang niya yong tao sa gusto talaga niyang sabihin. May pa 'right here, right now' pa kasi siyang nalalaman kaya anong napala niya? Isang roundhouse kick sa tiyan ang swelling balls, that's what.

"Sus, ayaw pang sabihin. Titignan ko nalang sa CCTV room mamaya to know. Di ka naman siguro lumabas ng building diba?" nakangising tanong ni Nathan sa kambal na mukhang gustong burahin ang ngising iyon sa mukha niya.


♕*♂*♛*I Enrolled In an All Boys School* ♕*♂*♛*

"Antipatiko! Akala mo kung sinong gwapo. For his information, di siya si Samsom para pahabahin nang ganun ang walang hiya niyang buhok! Anong hinihintay niya para magpagupit? Si Delilah?!"

I threw another back fist punch sa karate dummy na nasa harap ko and finished the maneuver with a hook kick. Ha! Akala ni Samson ha. Black belter ata tong kinalaban niya.

Pinigilan kong matawa sa reaksiyon ni 'Samson' (yan lang muna ang tatawagin ko sa kanya kesyo masyadong mahaba ang Mr. President) kanina sa elevator. Kung nakita niyo rin, siguradong matuturn-off kayo sa loko. Winner talaga ang moves ko kahit kailan!

Mabuti nalang talaga at pinasok ako ni daddy sa isang martial arts school noong bata pa ako. Lagi kasing sinasabi ni daddy na a girl should know how to protect herself. That way, I wouldn't be taken advantage of easily. Lalo na ng mga "LALAKING" WALANG MATINONG MAGAWA sa BUHAY!

I lied on the bed of my room. Sa isang sulok, nakatayo ang karate dummy na pinagbubugbog ko kanina na linagyan ko pa talaga ng kunwaring buhok para kahit papano maging magkamukha sila nung antipatikong Samson. Sa four walls naman ng kwarto ko ay ang mga life sized posters ko ni Ash Andrada my labs!

Linapitan ko ang isa sa mga ito at hinawakan ang pisngi doon ni Ash. Ang gwapo gwapo talaga niya kahit kailan. At mas nagpapagwapo pa sa kanya ang nunal na nasa pinakagilid ng mga kissable lips nito. "Huwag kang mag-alala Ashie baby, makakaenroll din ako sa Kings' Way University. Hinding-hindi ko hahayaang magkahiwalay tayo. Love talaga kasi kita!" Hinalikan ko sa napakaraming parte ng mukha si Ashie baby ko, at di na naiwasang magpantasiya sa araw na ang totoong flesh and blood na talaga ni Ash ang magiging kahalikan ko. Wooh! Naghahyperventilate ako sa sobrang init! May pumatay ba sa aircon dito sa kwarto?

"Juliet! Bumaba ka rito, may naghahanap sayo!" Agad naman akong natauhan nang sumigaw si Ate Anne na kasambahay namin. Kainis naman oh, nagmomoment ako rito, konteng-konte nalang maghahalikan na talaga kami ni Ash sa pantasiya ko tapos may istorbo pa?! Langya talaga!

Padabog akong bumaba ng kwarto at natigil ako sa hagdan nang makita ang lalaking pinapasok ni Ate Anne sa bahay. Takte! Anong ginagawa ng wannabe Samson na yan dito? And more importantly, pano niya nahanap ang bahay ko?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 01, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Enrolled In an All Boys SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon