CHAPTER 3

14 1 0
                                    

Matteo's Pov

Nandito ako nga sa field ng school kasama ko yong mga kaibigan kong tumambay dito. Nagpahangin lang kami saglit tapos papasok na rin kami maya maya sa next subject namin.

"Brad? Anong balak mo kay Daniella?" biglang natanong ni Russel isa sa mga playboy kong kaibigan.

"Oo nga anong plano mo don sa babaeng ubod ng taray na yon?" Tanong naman ni Zach isa sa mga kaibigan kong hapit sa chicks.

"Di ko pa alam. Ang taray eh, kakausapin mo lang nakasigaw na agad yong bunganga." sabi ko, totoo naman eh siya lang yong babaeng gumanyan sakin. Ang gwapo gwapo ko tapos gaganunin niya lang ako?

"Hahaha pustahan tayo hindi mo yan mapapasagot." sabi ni Zach.

"Yan ang akala mo. Sa gwapo kong to?" proud kong sabi.

" Ang hangin brad." sabi ni Russel.

"Gago! Tara na nga pasok na tayo sa next subject." pagyayaya ko.

"Oo nga pala kailangan ko pa palang makabawi sa mga quizzes, test etc." sabi ni Zach eh kasi naman puro babae ang inaatupag. Buti pa ko!

"Masiyado ka kasing hapit sa babae eh. Hahaha!" diretsong pagsasalita ni Russel. Totoo naman kasi eh!

"Ang dami niyong satsat tara na nga!" sabi ko.

Naglakad na kami papunta sa mga next subject namin. Magkaiba kasi kami ng mga room eh. Si Russel sa 4th floor si Zach sa 6th floor at ako naman sa 2nd floor.

Nang makarating na ako sa floor ko nagpaalam na ako sa kanila.

"Mga brad? Una na ko. Kita na lang tayo mamaya" pagpapaalam ko.

"Sige bye." sabi ni Russel ng naka-pout. Tang ina! Nababakla na ata to sa kagwapuhan ko eh

"Kadiri ka brad! Di tayo talo. Umalis na nga kayo!" pagtataboy ko. Kadiri eh,

Hindi ko na pinansin ang mga sunod pa nilang sasabihin nakakatatamad mag-salita eh.

Papasok na sana ako sa room ng biglang may bumangga sakin mula sa likod. Teka namumukhaan ko tong babaeng to ah? So, si Daniella pala ang bumangga sa akin.

"Di ka ba marunong mag-sorry sa nabangga mo?" pagtataray ko. May suplado din kasi akong ugali eh.

"Pakielam mo? Alis! Late na ko." sabi niya. Aba? Sya na nga nakabangga siya pa galit. Hinayaan ko na lang siya. Mamaya ka sakin Daniella!

Pumasok na ako sa room ko at don din pumasok si Daniella. Ibig sabihin? Magkaklase kami? Humanda siya sakin. Makakatikim siya ng kamandag ko.

Umupo na ako sa upuan ko, isang agwat lang papunta sa upuan niya kaya humanap ako ng paraan para makalapit sa kanya.

"Pst labo alis diyan palit tayo upuan dali!" sabi ko sa katabi ko. Nerd kasi eh kaya labo ang tawag ko.

Hindi ko na siya pinagsalita at umupo na ako agad sa upuan niya at umupo naman siya sa upuan ko at ngayon katabi ko na siya. Hindi niya ata ako napansin dahil busy siya sa kaka-cellphone.

"Oh there you are." sabi ko sa kanya at nahalata ko na naman na nagulat siya."

"Bakit? Ngayon ka lang ba nakakita ng gwapo?" dugtong ko.

"Ang kapal mo! Ba't ka andito ha!" sabi niya na parang naiinis pero hindi niya pinapahalata.

"Simple lang yan, kaya ako nandito dahil dito ang next subject ko tapos ngayon makikita kita na nandito rin? Hindi kaya ikaw at ako ay nakalaan para sa isa't-isa?" Sabi ko sabay kindat sa kanya.

"Kung kakausapin mo lang ako para sa walang kwentang bagay. Please lang wag mo na ituloy nakakaistorbo ka sa ginagawa ko eh!" sabi niya sabay balik ulit sa ginagawa niya. Gwapo na nga tatanggihan pa?

"Ganyan ba ka-importante yang ginagawa mo kesa sakin?" I said in seductive way.

"Kumpara sayo OO!" sabi niya at diniin ang pagkakasabi ng Oo.

"Ms. Willson and Mr. Rodriguez. What are you doing? Bakit kayo nag-iingay?"

"I'm courting her Sir." sabi ko sa Proffesor ko. Nagsimula namang tumili ang mga classmate ko.

"That's great Mr. Rodriguez. Ipagpatuloy niyo lang yan. Bagay kayo diba class?"

"Yes sir,"

Oh diba? Pati proffesor ko kampi sakin. Iba na talaga pag gwapo. Napatingin naman ako bigla kay Daniella nakita ko sa mukha niya na asar na asar na siya sakin nag-smirk lang ako sa kanya.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 18, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Broken GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon