Simula hanggang wakas

371 13 4
                                    

Nagmamadaling maglakad si Kerson papunta sa Gate ng unibersidad na kanyang pinapasukan. Bigla kasi siyang nakatanggap ng text mula kay Hana na kanyang kasintahan. Malapit na siya sa lugar na kanilang pgkikitaan at natatanaw na niya ang kanyang minamahal na babae. Nang makalapit na ito agad niyang hinalakin sa pisngi at nginitian.

"Hi Babe! Magpapasama ka ba sakin sa Mall kaya mo ko pinapunta dito?" tanong nito

"Actually Kerson no, I have something to tell you"

Medyo nag iba ang pakiramdam ni Kerson ng marinig iyong sa kanyang nobya. Feeling niya ay hindi nito magugustuhan ang sasabihin ni Hana.

"Anong sasabihin mo?" huminga muna siya ng malalim bago sabihin ang mga katagang iyan.

"Let's stop this"

"Anong ititigil natin?"

"Ito Kerson! I don't love you. I just want you to be my boyfriend because I thought you were cool since you're famous. But I'm wrong. You're sweet but I don't like that. I want someone who can fuck me the way I want it"

Nabigla siya sa lahat ng sinabi ng kanyang nobya. Sa saglit nilang pagsasama ang pagkakaalam niya ay mahal na mahal siya ni Hana pero nagkamali siya. Gusto lang pala nito na makipaglaro. Ginagalang niya ang nobya kaya kahit minsan hindi niya ito inaya na makipagsex. Nalulungkot man na hindi siya minahal ni Hana kahit kelan pero hindi siya tanga para ipagpilitan ang sarili niya dito. Naniniwala kasi siya na ang pag ibig ay di dapat hinihingi kusa itong binibigay. He try to composed him self at ngumiti sa harap ng nobya na ngayon ay magiging ex nya na lang.

"Okay.  If that's what you want. So there's nothing for us to talk about. Goodbye Hana. I'm hoping that you can find someone who can give the pleasure you're looking for."

Agad tumalikod si Kerson dahil alam niyang malapit ng bumagsak ang tinatago niyang luha. Nasasaktan siya ng sobra kasi mahal na mahal niya si Hana kaya ginawa niya lahat mapasagot lang ito. Gusto nyang mapag isa kaya pumunta siya sa likod ng kanilang university. Agad siyang umupo sa bakanteng upuan ng makarating siya. Nakatulala lang siya habang inaalala lahat ng mga masasayang ginawa nila nung sila pa ni Hana.

Napadilat si Kerson at di nito namalayan na nakatulog pala siya sa sakit na nararamdaman sa pakikipaghiwalay ng kanyang nobya. Napatingin siya sa paligid at may kasama na pala siya. Tinitigan niya ang kasama nya at ito pala ay si Brace na varsity ng basketball ng university nila. Namangha siya sa pisikal na kaanyuan ni Brace lagi niya naman itong nakikita pero hindi sila nakakapag usap. Ngayon niya lang naappciate ang kagwapuhan nito. Nagulat siya ng tumingin din ito sa kanya. Nahiya man siya pero di niya pa din inalis ang kanyang mga mata kay Brace dahil parang hinahamon siya nito. Napansin niya ang mapula nitong labi at parang gusto niyang  halikan ito. Pero bago pa nya mapigilan ang iniisip ay naglapat na ang mga labi nila. Napapikit siya at naramdaman na gumaganti na din si Brace sa halikan nila. Napadilat siya ng maramdamang hindi na gumaganti si Brace sa kanyang halik at nakitang nakadilat din ito na parang may tinatanong. Agad lumayo si Kerson at tuluyan ng umalis.

Umuwi si Kerson na gulung-gulo ang isipan. Di niya alam kung bakit niya hinalikan si Brace dahil di naman sila close at higit sa lahat lalaki si Brace. Di siya makapag isip ng matino kaya nagpagdesisyunan nyang matulog na lang at kalimutan ang mga nangyari.

---

Pagkagising niya agad niyang kinapa sa table na katabi ng kanyang kama ang cellphone niya at tinignan kung may text. Nabigo siya dahil walang text mula kay Hana tsaka niya pa lang naalala ang mga nangyari kahapon. Ang pakikipagbreak ni Hana at ang paghalik niya kay Brace. May di siya maintindihan pakiramdam sa kanyang katawan ng maalala niya ang halikan nila ni Brace. Hindi niya namalayan na nakahawak na siya sa kanyang labi di man niya gusto pero napangiti na rin siya pero biglang nawala ang ngiti niya ng maisip niya na baka ipagkalat ni Brace ang nangyari sa kanila. Nataranta siya kaya nagmadali siyang naligo para makapasok na siya at makausap niya si Brace.

HALIK (OneShot) (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon