Daffy P. O. V
"Opo maayos naman siya dito" yan ang una kong narinig sa usapan nina mama at sa mga bisita niya.
"Mabuti naman, wag na wag niyo siyang pababayaan nakasalalay ang buhay niyo sakanya."
Medyo nalilito ako sa pinag uusapan nila, sino ang tinutukoy nila? Dalawa lang kami ni Rhena na anak nila mama at papa.
"Opo madam, makaka asa kayo!"
Umalis na ang mga bisita ni mama at naiwan tulala si mama sa sofa. Lalapit na sana ako ng biglang dumating si papa at Rhena kay mama.
"Malapit na nila kunin ang anak natin Rico" nagsimula ng umiyak si mama, hindi ko maintindihan kaya lumapit ako."Anong ibig niyong sabihin ma? Sino ang kukunin nila?" Halata ang gulat sa mga mata nina mama at papa.
"Sino ang kukunin nila?" Tumayo si Rhena at hinarap ako,
"Bakit ba!? Wala kang paki alam don!" Sigaw ni Rhena saakin.
"Hindi mo kailangan sumigaw Rhena! Nagtatanong lang ako!"
"Pwes! Wala kanang paki alam doon!" Pagtataray saakin ni Rhena
"May paki alam ako dahil parte ako sa bahay nato! Ano ba ang nangyayari dito ma,pa?" Imbis sagutin ni mama ang tanong ko umalis ito at nag tungo sa kusina si papa naman ay naka yuko lang. Sinundan ko si mama sa kusina at nakita ko siya nag hahanda para sa hapunan namin."Ma sagutin niyo ang tanong ko! Sino ang kukunin nila?" Mahinaon kong tanong kay mama, tumingin si mama saakin at nanliliksi ang mga mata niya
"Si Rhena! Kukunin na ng totoo niyang mga magulang!"
Nagulat ako sa sinabi ni mama, ibig sabihin hindi ko kapatid si Rhena? "Paano niyo to nagawa saakin ma? Hindi ko pala kapatid si Rhena? 18 years niyo tinago niyo to saakin!?" Mangiyak ngiyak naako "ano ba ang paki alam mo huh!? Bakit need ba na malaman mo huh!?" Pagsusungit ni mama saakin."Ma may karapatan ako malaman to dahil anak niyo ako!"
"Tigilan mo ako sa kakadrama mo jan Daffy huh! Tulungan mo nalang ako dito!" Wala akong magawa kundi sundin ang sinabi ni mama.Pagkatapos naming kumain ay pumunta ako sa kwarto ni Rhena at nakita ko siya doon nag aayos sa kanyang buhok.
"Anong ginawa mo dito?" Pagtataray niya saakin.
"Matagal mo na bang alam na hindi kita kapatid?"
"Oo! Pero ayos lang, reyna at hari naman ng Denmark ang mga magulang ko eh" gusto kong matawa sa pinagsasabi niya kumalma nalang muna ako.
"Nakikipag usap ako ng maayos dito Rhena!" Tinigil niya ang pagsuklay sa buhok niya at tiningnan ako na parang kakain ng tao. "At sinagot din kita ng maayos!" Ano ibig sabihin niya?
"What do you mean?" "Princessa ako Daffy! Kaya ayus ayusin mo yang attitude mo kapag nasa harap moko!"I can't believe this! Bumalik ako sa kwarto ko at inisip ng maiigi ang sinasabi ni Rhena, totoo ba talaga ang pagiging princessa? Paano nangyari yun!? 18 years akong walang alam 18 years ko hindi kilala ang pamilya ko, bakit to nila tinago saakin!?
Princessa ang ate ko? Yung pangarap ko nakuha ng ate ko, ganito na ba talaga ka galit ang mundo saakin!?