Chapter 3

0 0 0
                                    

Daffy  P. O. V

"Top 1 with an average score of 97.40%
Best in History
Best in Physics
Best in Chemistry
Best in Biology
Best in Philosophy
Best in Personal Development
Best in H.O.P.E
Best in Research
Active Student in Club
Good leader in Club.
champion in MathBee

this award goes to Daffy Tolentino"

Nagpalakpakan lahat ng tao at proud na proud saakin si papa, lumingon muna ako sa paligid baka dumating na si mama at Rhena pero wala parin kaya tumingin saakin si papa at nagsasabi na aakyat na kami ng stage. Masaya kami ni papa na nakipag kamay sa mga teachers na nandoon sinuot saakin ang 10 na medals saakin at binigay ang tatlong certificate. Masaya si papa para saakin lalo na ako sa wakas graduate na ako.

Pag baba namin sa stage masayang binasa ni papa ang certificate ko niyakap niya ako bigla at tiningnan ang maraming medals.
"Proud na proud ako sayo anak, napaka matalino mo talaga"
Proud na sabi ni papa "salamat papa dahil nandito ka at sinaksihan mo ang masayang araw ko." Nilibot ko ulit ang tingin ko pero hindi ko parin mahagilap sina mama at Rhena.
"Intindihin mo nalang ang mama at kapatid mo huh, busy kasi sila masyado dahil inasikaso na nila ang papelis ni Rhena."
Paliwanag ni papa saakin, alam kong naaawa saakin si papa dahil napapansin niya ang pag trato saakin ni mama, pero ang masakit is hindi ako kayang ipagtangol ni papa kapag nasa gipit na ako ng sitwasyon kay mama.

"Pero ang sabi po kasi nila pupunta sila eh" malungkot kong sabi gusto ko talaga sana makita to lahat ni mama at para maging proud siya saakin kahit ngayon lang, gusto ko lang naman iparamdam sakanya na nag e-exist parin ako sa buhay niya.
"Pero anak hindi nangako ang mama mo na pupunta talaga sila, ang sabi niya lang kapag maaga matapos ang  lakad nila ni Rhena ay pupunta sila " pumilit ko nalang mag smile.
Nang matapos ang event hindi muna kami dumeretso umuwi ni papa sa bahay, dumeretso kami sa mall para bilhan ako ni papa ng kwentas at pinakain sa mamahaling resto.

"Papa baka po magalit si mama kapag malaman niya to" ginulo lang ni papa ang buhok ko at ngumisi.
"Pera ko to hindi pera ng mama mo, bakit naman siya magagalit diba? Tapos isa pa deserve mo lahat ng to" nakaka touch naman si papa, mabuti pa si papa pinaparamdam ang kahalagahan ko, mabuti pa siya nakikita ang mga ginagawa ko.
Mabuti pa si papa pina paramdam niya saakin na mahal niya ako.
"Salamat papa, promise po hindi ko po kayo bibiguin" ngumiti lang si papa at kumain nalang kami.

"Hey! Congratulations nakuha mo ang rank 1 , nakaka proud  kakausapin na sana kita kanina kaso may nakita akong lalaki na kausap mo at niyakap ka at nakikita ko na masaya ka sakanya kaya hindi nalang ako tumuloy. Pero kahit ganon masaya parin ako sayo napaka galing mo."

Gosh! Sino kaba talagang hinayupak ka? Natapos nalang ang school year hindi ko parin siya nakikilala hindi ba siya nag sasawa sa pagiging mysterious guy niya? May paselos selos pa siya sos akala niya naman kami! Ewan ko sa lalaking to daming drama sa buhay nakaka stress!
Mareplayan na nga.

"Ty! Pero mas gusto ko yung congrats galing talaga sa bibig mo na maririnig ko mismo sa dalawang tenga ko. Ang by the way congratulations too dahil graduate ka na rin."

Actually hindi niya talaga binabago ang routine niya, wala na rin akong balak na kilalanin siya SA personal baka kasi makakasira lang siya sa academics ko. Kaya hinahayaan ko nalang siya na mag text na mag text saakin.

"I'm not a grade 12 students I'm a college student"

Nabunulan ako sa nabasa ko "ayos kalang? Wag ka kasing mag cellphone kapag kumakain! Ibaba mo yang phone mo at mag fucos ka sa pagkain!" Suway ni papa saakin tumango lang ako at pinasok sa bag ang phone ko.
Ibig sabihin hindi ko siya classmates? Eh bakit niya alam lahat ng ginagawa ko sa room? Bakit niya ako kilala? Gosh! Ibig sabhin may stalker ako? Hala sino siya? Sino kaba talaga?

Pagdating namin sa bahay napaka maraming sasakyan at nga buddy guards. Marami nang nakatingin na kapitbahay saamin agad naman kaming pumasok ni papa.
Pagpasok namin sa bahay ay nakita ko si mama at Rhena naka upo sa coach at isang gwapong lalaki na ang tansiya ko ay nasa 23+ ang edad. Isang magandang babae na ang tansiya ko ay nasa 35+ang edad at gwapong lalaki na ang tansiya ko rin ay nasa 40+ ang edad.
Sila naba ang sinasabing magulang ni Rhena? Kung sila ang reyna at hari bakit mag kaiba ang nasa picture?
Nagkatinginan silang lahat at halatang gulat na gulat ang babae ng makita ako.

"Sino ka!?" Awtoritibong tanong saakin ng babae, tumingin ako kina mama at papa at bumalik ang tingin sa babae.
"Ako po si Daffy anak nina Mrs. And Mr. Tolentino"
"Do you have a blood of Danish?" Tanong saakin ng gwapong lalaki yes foreigner siya.
"No... Sir i don't have" agad naman lumapit saakin si mama at hinawakan ang balikat ko.
"She is my daughter the biological daughter"  parang lumukso ang puso ko sa tuwa, napaka gaan sa pakiramdam ng marinig iyon kay mama.
"Hello Daffy nice to meeting you! I'm Fredirick Frost the biological father of Rhena" nilahad ng hari ang palad niya para makipag kamay. Ang gwapo nga talaga ni King Fredirick, nakipag shake hands agad ako. Nong magkahawak na kami ng kamay parang iba ang pakiramdam ko ang lakas ng tibok ng dibdib ko isang lukso ng dugo ang nararamdaman ko na dumaloy sa puso ko.

"He...llo king Frederick! I'm so glad that  I meet you personally! Actually I already see you in picture."
Tumingin saakin si mama at papa halatang nagulat sa sinabi ko.
"Oh... Really? So you stalk me in internet?"
"No, no sir Because the History subject in our school our teacher introduced the all royalty family in this world, that's why i see you in picture and also queen Marry"
Nakikita ko sakanila ang pagka manha sa mga mata nila.
"That's Was so awesome, so how are you doing?"
Pag tatanong naman ng isang lalaki.
"Amm... I'm sorry by the way I'm Prince Shawn I am the fiancee of Rhena" ano daw? fiancee? Ano ang pinagsasabi nito?
"Sorry what? Fiancee? how did that happen and how easily did Rhena become your fiancee?" Sunod sunod na tanong ko.
"Ang dami mong tanong! Pwede ba wag kanang maki chismis? Hayaan mo nalang kami! Ayaw na rin kita makita dahil pagod na ako makipag sabayan sayong kamaldita!"

Nabigla ako sa sinabi ni Rhena, at talagang nagsinungaling pa sa harapan ng bisita!
" Mama papa, aalis na ako panahon na para makilala konat makasama ko ang totoo kong pamilya, salamat sa lahat ng ginawa niyo saakin, masakit yung ganito masakit na malaman ko ang totoo na hindi ako nanggaling sainyo,pero inalagaan niyo parin ako at tinuring na tunay na anak! Salamat dahil hindi niyo ako pinabayaan at minahal niyo ako ng todo. Hinding hindi ko kayo makakalimutan!" Niyakap ni Rhena sina mama at papa at nasimula ng umiyak silang tatlo, tumulo yung luha ko masakit pala kahit palagi kayo mag bardagulan at mag aaway mamimiss mo.parin pala siya.  "Rhena, babalik ka rin naman dito diba? Diba dadalwin mo parin kami?" Kumalas sa yakap sina mama at papa at hinarap ako ni Rhena, "oo naman mamimiss ko kayo eh!" Lumapit saakin si Rhena at niyakap ako,akala ko sincere ang pagkayakap niya  saakin peri bigla siyang bumulong. "Kahit wala na ako dito hindi mo parin makukuha ang atensyon ni mama at papa, ako ang tinuring nilang anak at hindi ikaw! And I were you wag mona ipagsiksikan ang sarili mo sa mga taong walang oras sayo!
Try hard girl!" Saka binitawan niya ako at binigyan ng pekeng ngiti, gusto ko siyang suntukin sa mukha dahil sa pagka inis ko.

"So aalis na kami paalam na sainyo at salamat sa lahat"
"Let's go Rhena!" Sabi ng hari tumingin saakin si shawn at ngumiti.
"I hope I'll see you soon"  bulong niya saakin at umalis, may fiancee ka na nga lumalandi kapa!
Hinintay namin na maka alis na sila. Ng maka alis na ang lahat bigla ako sinugod ni mama at sinabunutan
"Bakit ba napaka bida bida mo huh!!!" Galit na sabi ni mama naka yakap na ako kay papa dahil inawat niya si mama umiiyak na ako.
"Wala naman po ako masamang ginawa mama ah" iyak kong sabi
"Sa susunod manuod kalang!" Umalis na si mama sa harapan namin at niyakap lang ako ni papa at pinakalma.

Bakit ganito? Iintindihin ko si mama dahil nawala na sakanya si Rhena. Iintindihin ko siya hanggang sa makakaya ko.

Believe in the Magic of the season Where stories live. Discover now