"Did you pack all your things na, Solana?"I nodded at mom while reading the book Cindy recommended.
It is a book titled, it ends with us. I'm glad she recommended it to me. Now, I'm already falling for Atlast Corrigan.
"You on your book again, can you please put that aside for like 30 minutes and help your brother downstairs."I sighed and got up from bed.
My parents planned to move out because Dad wants to live near my grandparent's house since they were not getting any younger.
"Don't forget your luggage, darling."Mom reminded me before I got out of my room.
After an hour of packing our things, umalis na kami sa bahay.
I actually don't have any problem moving out — I'm very excited about it, but I will surely miss my room, our neighbors, and especially the memories we had there.
From Antipolo, we moved to Ayala. It is an hour drive, pero dahil natulog lang ako buong byahe, ang bilis lang nang oras para saakin, and before I knew, nasa harap na kami ng bagong bahay namin.
It's actually my first time seeing this house, so I'm still clueless about what it looks like. From the entrance, I can already see a lot of plants and mango trees— wait, pati sa loob ang daming halaman. It looks like the 2 storey matt black rest house we rented in Batangas.
This house is so different from the house I grew up in Antipolo, and I like it— no, I love it.
After unpacking our things, we had our dinner and we decided to rest since pagod kaming lahat.
Morning came, I decided to jog para narin maikot ko ang subdivision namin.
I just wore black biker shorts, a black sports bra, a white jacket, and my new balance shoes.
5:30 na ako lumabas ng bahay kaya may nakikita na akong nag jo-jog din, at ang iba, kasama pa mga aso nila.
Hindi pa ako masayadong nakakalayo sa bahay, na tanggal na agad isang sintas ko, nasa kalagitnaan ako ng pagtatali nito nang bigla may lumapit saaking aso.
It's a corgi.
Ang cute!
"Hey baby, what's your name?"I said as I slowly scratch His belly.
"Coco, come inside, I'll wash you."
Agad akong napa tayo nung may lumapit saamin.
When I saw his face, agad akong na tigilan.
Whoa, ang gwapo naman nito.
"Ah, sorry."Ayon lang ang na sabi ko at umatras kunti sa kanila, pero hindi man lang ako tinignan at kinarga nalang bigla yung aso papasok sa gate nila.
Ang sungit naman.
Gwapo nga pero pangit naman ugali.
Exactly 6:30 am, bumalik na ako sa bahay at naligo.
Sa mga sumunod na araw, hindi na ako nag jogging since tinamad na akong gumising ng maaga. Nag ho-home workout nalang ako malapit sa pool kasama si Kuya.
Monday came, and it is d-day of my college entrance exam sa UST. And guess what, hindi man lang ako nag review.
Palakasan nalang nang prayers to.
Almost 4 hours kami ni Cindy sa loob ng University dahil sa haba ng pila sa admission at matagal pa bago nag start yung exam.
"Take din kaya tayo exam sa Ateneo bukas, para naman may plan b tayo."Cindy suggested habang naghihintay kami kay Dad sa malapit na coffeeshop sa labas ng University.
"Okay."
We're just enjoying our drinks nang biglang may kumuha sa atensyon ko.
Ano ba 'yan, panira ng araw. Bakit ba siya nandito? Taga UST din ba siya? Freshie? Senior?
Na pansin ata ni Cindy ang sama ng tingin ko sa lalaking nasa counter."Kilala mo si Lucero?"Bulong niya saakin.
"Ha?"Hindi ko pa na gets sinabi niya.
Lucero? Sino 'yan?
"Oo, si Hiro. Sikat 'yan na varsity player sa UST."Tapos pa simpling tinuro yung lalaki.
Hiro pala pangalan niya.
"Malapit lang yung bahay nila saamin kaya nakita ko lang."
"Ah, talaga— ano? Ang swerte mo naman, beh."Tapos tumili pa siya saglit.
Anong swerte dun?
"Gaga, hindi ko nga 'yan type, e."
Ang sama kaya ng ugali niya.
"Asus, malalaman."
Kinabukasan, hinintay ko si Cindy sa parking lot ng Ateneo.
Compared to UST, sakto lang ang dami ng tao dito.
Hindi nag tagal, dumating na din si Cindy.
Mabilis lang kaming nakapag take ng exam dahil on time naman nag start at na tapos, kaya maabutan pa namin si Dad sa parking lot.
May kikitain din kasi siyang kaibigan dito.
"Hala, sorry," I said.
I accidentally bumped into someone habang may tinitignan ako sa phone.
"No, its okay."Sabi niya at ngumiti lang saakin.
Ano ba 'yan, ba't ang dami naman gwapo dito.
"Sorry talaga."Ayon lang ang huli kong sinabi bago siya nilagpasan dahil hinila na ako ni Cindy.
"Panira ka talaga. Chance ko na kaya 'yon."Reklamo ko sa kanya habang papalapit kami sa parking lot.
"Anong chance ka dyan. Kapag nalaman mo sino kaibigan nun, baka mag back out ka bigla."Tapos tinawanan lang ako.
What does she mean by that?
Tatanungin ko pa sana siya about dun nang may biglang umubo sa harap namin.
Siya na naman?
"You're blocking the way."
Inirapan ko lang siya at nagpatuloy sa paglalakad.
Blocking the way daw, siya ba may-ari nitong Ateneo?
The next day, someone invited us sa isang birthday malapit lang dito sa village namin.
"I know right, her parents are great friends of mine," Mom said as he excitedly share the conversation she had with her new friend.
Good for her, habang ako naman, mukhang kaaway pa makukuha sa isa sa mga kalapit bahay namin dito.
Dahil pastel color yung theme ng birthday, I decided to wear my low back mini strap dress in pastel yellow and match it with white ankle strap heels. For my hair, I decided to let it down at nag simple make up lang dahil ayaw ko naman na mag mukhang nakaayos talaga.
"Welcome to our humble home!"A lady welcomed us at the gate.
Gosh, ang dami na palang tao.
Matapos kaming maipapakilala ni Mama, we greeted the 16 year old birthday celebrant.
Hindi nag tagal, nag simula na yung party at nasa gilid lang ako, tahimik na kumakain ng dessert.
Mukhang may na late pang bisita, hindi ko na sana papansinin nang biglang may kumuha sa atensyon ko.
Si Hiro.
Suddenly, a guilt creep me sa ginawa ko sa kanya kahapon.
Yumuko nalang ako lalo at kunyare busy sa cellphone para hindi niya ako makita, pero biglang hinila ako ni mama.
And before I knew, nasa harap ko na siya.
"Oh my, is this Sol? She grew up as a fine lady." A middle-aged woman beside Hiro praised me.
Is this his Mom? They look exactly the same.
Wait, does this means, magkakilala mga magulang namin?
BINABASA MO ANG
To My First Love
RomanceWhat would you do if the person who had vowed to marry you and love you for eternity sent you an invitation to his wedding with someone else?