Ceil Tower
Nakatingin lang sa kawalan si Cain habang nag-iisip. Kinatatakutan siya ng mga oyabun. Mataas ang respeto sa kanya ng mga government officials. Makapangyarihan siya hindi lang sa Japan kundi sa buong Asia at ilang parte ng Europa.
"Isa lamang siyang bata", bulong niya sa Sarili.
Kailangan niyang pagtuunan ng pansin ang kanyang multi-million dollar company kayat marapat lamang na iwaksi muna niya sa isipan niya si Zyke.
"Erc"
"Cain-sama?" Tanong ni Erc. Natigilan siya sa kanyang financial reporting.
"Ilang containers ng heroine ang darating apat na araw mula ngayon? "
" 100 containers sir. Pero Wala pa tayong warehouse malapit sa port".
" Meron na"
" Si-sir".
" Kukuha tayo ngayon". Nakangising tugon no Cain.
"Yes sir. "
Nagtaka si Erc sa pahayag na iyon ng kanyang boss pero hindi na siya nagtanong pa. Really, his boss is scary man. Alam kasi niya kung gaano katalino si Cain. Nagpaalam na siya upang gampanan ang kanyang trabaho.
Ryuichi Atarah
Byuda, ina, at dating modelo.
"Aki sa wakas naibalik na kita kung saan ka nararapat. Mahahaplos na kita. Makakantahan. Makikita ko ulit ang iyong mga matang punong-puno ng buhay. Nagbabaga ang iyong mga mata na para bang fireball. "Hinahaplos ni Atarah si Aki habang kumakanta. Natigilan siya.
" Fujiko"
" Yes madam! "
" Halika! May ipapagawa ako sa iyo. "
Shinjuku 40th floor
Prestihiyoso. Elegante.
Sa bawat paghithit ni Cain sa kanyang Dunhill siya namang pagtingin niya sa mga ilaw sa labas. Nakikita niya kung gaano kaliwanag sa labas sa kabila ng 2:13 am na. Nakatayo siya malapit sa bintana ng kanyang suit. Nakabathrobe lamang ito. Iniisip na naman ang batang iyon. 48 Oras ng nawawala ang bata. Naipadala na sa morgue ang bangkay ni Zendee. Ang pagkawala ni Zyke ang bumabagabag ngayon sa kalooban niya.
"Kailangan kong imbestigahan ang family background niya"
Kinuha niya ang kanyang telepono upang magbigay instruction kay Erc.
Fukouka
Atarah villa" Ateeee. Ateeee. Ateeee Zendeeee." gumising na si Aki habang umiiyak ito.
"Awake my dearest?" Nakaupo si Atarah sa gilid ng kama malapit sa may paanan ni Aki. Nakatalikod siya sa may pintuan.
"Ka-kaasan!" Pabulong nito. Ngunit kahit gaano pa kahina ng boses nito narinig pa rin siya ni Atarah.
"My dearest Aki. Thanks for giving me a chance to become your mother again".
Ang pagkabalik ni Aki sa villa ay siyang patunay na isa talaga siyang anghel. Naging masigla lahat ng mga tagapaglingkod. Ang dating Atarah na maiinitin ang ulo ay muling naging masigla. Babalik na siya sa araw-araw niyang ginagawa-ang ipagluto ng masasarap na pagkain si Aki at ang pagkanta nito tuwing gabi habang pinapatulog ang anghel niya.
Ceil office
1 pmPatience. Yan ang ginagawa ni Cain habang nag-aantay ng resulta ng imbestigasyon. Tok. Tok. Tok.
"Enter"Nakatitig lamang si Cain Kay Erc habang papalapit ito sa kanya. Ang kanyang brown penetrating eyes ang siyang dahilan ng bahagyang panginginig ni Erc habang naglalakad ito papunta sa kanyang boss.
YOU ARE READING
My Weak Spot
RomanceSi Zyke ay isang highschool student. Anak sya ng isang successful business man. Naglayas siya sa edad na 13. Tumira siya sa kanyang kinikilalang kapatid na SI Zendee. SI Zendee ay isang magandang baabae. Isa syang guro sa Isang eksklusibong paaralan...