THE RUNAWAY BILLIONAIRE
CHAPTER 11C O N A N
IMBES na sa kusina namin kainin itong Pizza ay naisipan ni Sir Harrison na rito na lang sa labas, sa may garden kung saan madalas siyang tumambay sa tuwing nagtatrabaho siya. Maganda kasi ang paligid dito at isa pa, hindi mainit at maganda ang temperatura ngayon. Katatapos lang din niyang maglinis at maglaba sa loob ng bahay na hindi ko inaasahang mabilis niyang matatapos.
Hindi pa nito nalilinisan ay mga halaman ko pero hindi ko na siya sinabihan pa dahil baka isipin pa niyang namimihasa ako. Wala pa namang mga damo iyong mga itinanim ko kaya ayos lang iyon. Mukhang pagod din siya sa pagtatrabaho dahil pinagpapawisan na ang kaniyang noo, at medyo basa na rin ang suot niyang sando.
"Kanina ka pa nakatingin sa akin. Is there something wrong or you wanted to tell me?" Kaagad akong umiwas ng tingin at ibinaling sa may mga kabundukan. Kanina pa ba ako nakatingin? Parang hindi naman. Hindi ko nga matandaan kung ilang slice na ng Pizza ang kaniyang naubos.
"W-Wala po," sagot kong hindi ko alam kung iyon ba ang dapat kong isagot.
"Gusto mo bang pumunta sa bahay ng lalaking 'yon?" tanong niya. Muli akong tumingin sa kaniya. Nakasandal siya sa upuan habang seryosong nakatingin sa akin. Ang dalawa niyang kamay ay nakalagay sa kaniyang ulunan kung kaya't kitang-kita ko ang kili-kili niyang may kalaguan ang buhok.
"Opo. Sana?" sagot kong patanong. Nang imbitahan kasi siya ni Riley kanina ay hindi naman siya nagsabi kung pupunta siya o hindi. Hindi rin ako sigurado kung pupunta ba siya at nahihiya akong magtanong. Mabuti na lang dahil naisipan nitong buksan ang tungkol doon.
"Hmmmm." Umayos siya ng upo na ikinakunot ng noo ko. Inilagay niya ang isang kamay sa baba habang minamasahe ito, nag-iisip habang nakatingin sa malayo. Hindi naman ako nagsalita at hinintay ang magiging sagot niya. "We'll go together," sabi niya.
Lumiwanag ang mukha ko dahilan para mapangiti ako nang malawak. "Salamat po, Sir!"
Ngumiti lang siya at tumango. Hindi na mawala ang ngiti ko sa labi habang inuubos namin ang natitirang Pizza. Sayang lang din kasi ito kung hindi mauubos. Apat na boxes pa naman ang binili ni Sir samantalang dalawa lang kaming kakain nito. Habang inuubos namin ito ay nag-uusap kaming dalawa. Hindi ko alam na madaldal pala si Sir, pero sabagay, hindi nga pala namin kilala ang isa't isa ng buo.
"Where are your parents?" bigla niyang tanong sa kalagitnaan ng aming usapan.
Nawala ang ngiti ko. "Patay na po sila," sagot ko.
"I'm sorry about that," aniya.
"Ayos lang po. Lahat naman tayo'y mamamatay," sagot ko't sinubukang tumawa ngunit siya'y seryoso lang na nakatingin sa akin. Alam kong hindi nakakatawa iyong joke ko. "M-May problema po ba?"
"You looked okay on the outside yet your eyes were telling the opposite. What really happened to them?"
Natigilan ako at saka umiwas ng tingin. Isa sa mga ayaw ko ay iyong pag-usapan ang tungkol sa mga magulang ko - sa kung ano ba talaga ang totoong nangyari sa kanila. Hanggang ngayon ay sinusubukan ko pa ring tanggapin ang lahat, na kaya nila nagawa iyon ay para lang sa ikabubuti ng buhay ko, ng buhay ng mga tinutulungan nila.
Kahit kailan ay hindi ako nagtanim ng galit sa kanila. Naging mabuti silang mga magulang. Pinalaki nila akong mabuting tao na ipinapasalamat ko sa kanila. Minahal nila ako at kahit kailan ay hindi nila hinusgahan ang kasarian ko. Tinanggap nila ako nang buong-buo. Lalong-lalo na si Papa na palaging sinasabi sa akin na balang ay may taong magmamahal sa akin kung saan tatanggapin ako, 'tulad nang pagtanggap nila sa akin.
BINABASA MO ANG
Alcantara Brothers: The Runaway Billionaire [BXB] | ONGOING
RomanceThe Runaway Billionaire Written and Owned by IthinkJaimenlove Date Started: January 29, 2022 Date Finish: [DESCRIPTION] "You're the answer I was longing for." (Unofficial and can be changed) Harrison Alcantara was doing the best he can, in order t...