CHAPTER 13

1.4K 85 1
                                    

THE RUNAWAY BILLIONAIRE
CHAPTER 13


C O N A N

SIMULA nang sabihin niya iyon sa akin, 'di na ako mapakali. Hindi ako makatulog tuwing gabi at kitang-kita iyon mula sa aking mga mata. Maaga akong gumising para maipaghanda siya ng pagkain at mabilis naman akong lalabas upang maglinis kahit na alam kong malinis na ang bakuran. Sinasadya ko iyon upang makaiwas.

Ayoko ng gulo. Ayoko nang maraming iniisip. Ayokong mag-assume dahil alam kong imposibleng mangyari ang mga tumatakbo sa isipan ko.

Bakit nga ba kasi niya iyon sinabi? Ano'ng gusto niyang iparating? Ni hindi man lang siya nagpaliwanag. Basta na lang ako nitong tinalikuran pagkatapos niyang sabihin iyon dahil may tumawag sa kaniya. At ako, naiwang tulala habang hawak-hawak ang bulaklak na kaniyang ibinigay.

Sinusubukan kong intindihin ngunit naging dahilan lang iyon upang mapuyat ako gabi-gabi. At heto, tatlong araw na akong umiiwas kay Sir Harrison. Tatlong araw akong gumagawa ng mga paraan para hindi kami magkasama sa iisang lugar. Ipinagpapasalamat ko dahil hindi ako nito inuutusan at isa pa, masyado siyang abala sa kaniyang laptop na madalas kong makitang masama ang timpla ng kaniyang mukha.

Kahit gustuhin ko mang ipagtimpla siya ng kape sa tuwing nakikita ko siyang parang naiinis, pinipigilan ko. Umiiwas dapat ako. Natatakot din na baka magtanong siya't wala akong maisagot. Wala akong ibang dahilan kundi itong puso kong tinatarantado ako. At ayokong kapag nalaman niya iyon ay baka pagtawanan niya ako.

Lumabas ako ng aking kuwarto. Katatapos ko lang maligo at balak kong magluto ng pananghalian ni Sir Harrison. Pinapauna ko siyang kumain at kapag wala na siya sa kusina ay saka naman ako kakain. Tumingin na muna ako sa sala at wala siya roon. Siguro ay nasa labas siya ng bahay o hindi kaya'y sa loob ng kaniyang kuwarto, mabuti dahil makagagalaw ako ng maayos kung wala siya sa paligid. Nakahinga ako lalo nang maluwag nang pagpasok ko sa Kusina ay wala siya. Tahimik akong lumapit sa Refrigerator nang mapahinto ako dahil sa malalim na boses na nagmula sa likuran ko.

"Are you avoiding me?"

Hindi ako lumingon kaagad. Biglang parang tumigil ang mundo at tanging ang tibok nitong puso ko ang siyang naririnig ko lang. Hindi ako lumingon dahil hindi ko magawang lumingon. Ayoko siyang harapin. Ayoko siyang sagutin ngunit ano'ng gagawin ko? Papaano ako iiwas? Pakiramdam ko pa'y masama siyang nakatingin sa akin ngayon.

"Answer my damn question, Conan! Iniiwasan mo ba ako?"

Bumuntonghininga ako. Nilakasan ko ang loob kong harapin siya. Nakasuot siya ng T-shirt na puti at Kargo Shorts. May hawak siyang libro. Kaya roon ako tumingin dahil hindi ko siya kayang tingnan sa kaniyang mukha. Ayokong makita ang ekpresiyon niyang nagpipigil na siguro ng galit.

"H-Hindi-"

"Liar!" Napatigil ako dahil doon. "Alam mong ayaw ko sa mga taong sinungaling. Tell me the truth, why are you avoiding me?"

Sa pagkakataong ito ay tumingin na ako sa kaniya. Seryoso ang mga mata niya at nagulat ako dahil bakit parang malungkot ang mga iyon?

"H-Hindi ko po kayo iniiwasan," sagot ko, punong-puno iyon nang kasinungalingan.

Napapailing siya habang tumitingin sa akin. "Sinungaling ka. May ginawa ba akong hindi mo nagustuhan kaya ka umiiwas? Tell me so I can fix it."

Umiwas na ako ng tingin. "Wala po kayong ginawa at 'di ko po kayo iniiwasan. Busy po kayo kaya ayoko po kayong istorbohin," sagot ko.

Nakaginhawa ako nang hindi na siya sumagot at basta-basta na lang siyang umalis sa harapan ko. Pero nang tatalikod na sana akong muli ay muling bumalik si Sir Harrison. Hindi na nito hawak ang libro kanina kundi ang kaniyang cell phone at iniharap iyon sa akin.

Alcantara Brothers: The Runaway Billionaire [BXB] | ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon