Chapter 1: Bestfriend

17 1 0
                                        

At Mall.

Nag lalakad ako. Ng may bumunggo sakin na familiar yung mukha, lalaki sya. pero naiinis ako. Tatanga tanga eh. "Ano ba? Tumingin ka nga sa dinadaanan mo! Bwiset!" Pasigaw kong sabi. Tinitigan nya ko. Anong problema neto? God! Nakakainis na. "Anong tinitingin tingin mo ha?" Pasigaw kong sabi sa kanya.

Niyakap nya ko bigla. Nagulat ako syempre kapal nya eh. Tinulak ko sya palayo. Parang napalakas kasi natumba ko sya. Tumayo sya. "Sorry. Bakit ka kasi nang yayakap ha? Sino ka ba?" Sabi ko.

Hinawakan nya yung balikat ko. "Di mo ba ko natatandaan? Ako yung bestfriend mo simula bata pa tayo." Nakangiti nyang sabi. Nag throw back lahat. Naalala ko nung bata pa kami. Same school kami noon. Parang di nga kami mapag hiwalay eh. Close yung parents namin. Sya yung laging nag tatanggol sakin. Sya ata yung best bestfriend ko. Ever!! Pero isang araw nalaman ko. Aalis pala sila. Pupunta silang Europe. Wala na kong balita miski sila mama. Nakakalungkot isipin lahat ng nangyari noon. Pag binabalikan ko parang nalulungkot ako. Bumalik ako sa pag katino ng may tumawag sa pangalan ko. "Tiffany!"

Napatingin ako sa kanya. Naramdaman kong tumulo na pala yung luha ko. Niyakap ko sya. Mahigpit na yakap. "Bakit mo ko iniwan" hinarap nya ko sa kanya. Ang laki pala talaga ng pinag bago nya. Ang gwapo nya. "Bat ngayon ka lang? Sobrang namiss kita best! Sobrang namiss kita Stephen" naiiyak kong sabi sa kanya.

Pinunasan nya naman ang luha galing sa Mata ko. Ayaw nya kasing nakikita akong umiiyak. "Diba sabi ko sayo babalikan kita? Namiss lalo kita best! Laki ng ginanda mo kesa nung huli tayong mag kita!" Ginulo nya yung buhok ko. "Hays. Ang cute mo talaga. Tara nga! Bili tayo ng ice cream. Madami pa tayong pag uusapan" sabay hila sakin. Natulala na lang ako. Di ako makapaniwalang nandito ulit sya. Umupo na kami. Inabot nya sakin yung ice cream na malaki. Vanilla flavor. Favorite namin yun nung bata pa kami. Hays sobrang saya ko ngayon. Napangiti na lang ako bigla.

"Uy anong ngiti yan ha? May naalala ka siguro noh? Kwento ka naman" nakangiti nyang sabi.

"Ah. Wala masaya lang ako kasi bumalik ka na. Di ako makapaniwala na babalik ka. Na babalikan mo pa ko. Sana dito ka na lang" malungkot kong sabi.

Ngumiti sya sabau sabing "Di na kita iiwan noh! Dito na ulit kami titira"

Parang natuwa bigla ako nung sinabi nya yun. Totoo ba talaga to? Dito na ulit sya? "Talaga? Di mo na ko iiwan. Best? Promise dito ka na lang ulit?"

"Promise. Dito na lang ako. Teka ang drama na ah! Natutunaw na ice cream mo HAHAHA!" Napatingin tuloy ako sa ice cream. Tumawa kami ng sabay. "Btw. Baka may nanliligaw na sayo best ha? Sabihin mo sakin. Dadaan muna sa kamao KO yan." Natatawa nyang sabi. Kahit kailan talaga patawa sya.

"Madami sila. Pero actually wala akong type sa kanila eh. Di ko sila gusto."

"E sinong gusto mo?"

"Wala. Wala pa."

"Basta pag may gusto ka na.sabihin mo sakin ah"

"Oo naman hahaha." Baliw talaga sya kahit kelan. Pero namiss ko yung pagkabaliw nya. "Kamusta ka pala?"

Napatingin sya sakin. "Eto gwapo pa din" natatawa nyang sabi habang kumakain ng ice cream. Sa kakatawa nya tumapon sa damit nya. "Oh shit! May tissue ka tiff?"

"Nakakatawa ka talaga. Eto oh" sabay abot ko sa kanya ng panyo.

Nag tataka sya. "Sabi ko tissue hindi panyo. Papalabhan mo lang sakin yan eh. Kunwari ka pa" natatawa nyang sabi sabay kindat.

Loko talaga sya. "Hindi noh! Kahit di mo naibalik. Baliw ka talaga!" Tapos na din akong kumain kaya napatingin kami sa isa't isa. "Gumwapo ka lalo Stephen! Laki na talaga ng pinag bago mo"

"Ikaw nga parang walang pinag bago." Sinamaan ko sya ng tingin. Hinampas ko sya ng malakas. Yung parang wala ng bukas. Letche sya. "Aww. Wala ka namang pinag bago eh. Maganda ka pa din. Forever maganda. Di na mag babago yun" sabay kindat.

Hahaha. Alam ko eneveh! Haha bolero. Napangiti tuloy ako. "Uy, baka mamaya may nililigawan ka na ah"

"Wala noh! may hinihintay ako eh"

"Sino!!? Pakilala mo sakin best!"

"Bawal sabihin eh. Pag kakalat mo pa" nakangisi nyang sabi.

"So wala kang tiwala sakin?" Tumayo ako sa upuan ko. "Sige bye na kota na lang tayo sa susunod." Tumalikod na ko sa kanya. Nakakainis sya.best friend nya ko SIMULA bata pa kami tapos wala syang tiwala? Bahala sya sa buhay na. Basta nakakainis sya.

End of chapter 1.

Until The EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon