Chapter 6: Problems

10 1 0
                                        


Pag kagising ko. Bumaba agad ako sa Kama ko. May naririnig kasi akong nag sisigawan. Pag ka baba ko nakita ko si mom at dad. Sila yung nag aaway. Tumingin sila sakin.

"What's happening?" Nag aalala Kong tanong. Ano ba kasing nangyayari? Di naman sila nag aaway eh. Lagi naman silang sweet. "Mom?" Umiwas sya ng tingin. Habang may tumutolong luha sa kanya. Naaawa naman ako. Tumungin ako Kay dad. "Dad?" Napahawak sya sa ulo nya na parang may problema. Si mom pumanik ng kwarto nya. Si dad naman. Biglang Umalis! San pupunta? Di ko alam.

Pumanik ako sa kwarto ni mom para I comport sya. Ayokong nakikitang umiiyak sya. Simula bata palang ako. Kapag nakikita kong umiiyak sya. Nadudurog na yung puso ko. Siguro mga dahil mahal na mahal ko sya. Ganun naman talaga diba? Anak ka eh.

Kinatok ko sya. Gusto ko syang makausap. Malaman ko man lang kung ano yung nangyari. Ano yung problema.

*Tok tok*

"Open" mahinahon na sabi ni mom. Nakita ko sya sa sahig ng Kama. Nakangiti sakin. At parang walang nangyari. "Kumain ka na anak?" Kalma nyang tanong.

"Mom, what's going on?" Napaiwas sya sakin. "Mom, I'm your daughter. I care about you. Because your my mom" Sa pag kakataon tumingin sya sakin at saka ngumiti. "And because I love you" niyakap nya ko. Yung di ba makahinga. Pero naiisip ko lang ngayon. Kelangan nya ko. Kelangan nya ng anak na mag papagaan ng loob nya. At ako yun.

"I know. Ayoko lang na problemahin nyo pa yung problema namin. Di nyo ubligasyon yun anak. Ayokong nag aalala kayo." Malungkot pa din sya.

"Yun na nga yung point ma. Anak nyo ko. Kung may problema kayo. Pwede nyo sabihin samin. You're free to tell us everything." Sa puntong yun tumulo na ng kusa yung luha ko.

"Anak, malulutas din yun basta still positive ha! Ayoko kong malungkot kayo. Maaayos din namin yun. BTW anak. Wala kayong pasok ngayon." Ngumiti sya kahit alam Kong nahihirapan sya. Nakakatuwa lang. Kasi for all this years. Kami pa din yung initindi nya.

"Ah sige po ma. Basta pag may probelma---" pinutol na nya yung sasabihin ko.

"Oo na sige na anak. We can handle this. Kumain ka na muna." Sabay tapik sa likod ko.

"Sige po ma" nag kiss ako sa pisngi nya. Bababa na ko. Nung nasa baba na ko dahil nag pahanda ako sa yaya ko ng kakainin ko. Bigla kong naisip na dati sinusuway ko pa si mom. Na nagagalit pa ko dahil sya lagi nasusunod. Naintindihan ko na kasi malaki na ko. Na alam talaga ng mga magulang kung ano yung mas makakabuti sa mga anak nila. Naiinis nga ako kapag may nababalita sa t.v na yung mga magulang na tinotorture yung Anak. Parang sobrang swerte ko. Hindi dahil sa mayaman ako. Kundi dahil sa dinami dami ng tao sa mundo. Dun pa ko napunta sa mga parents ko ngayon. Na walang inisip kundi kapakanan lang din namin. Kaya para sa mga kumpleto ang pamilya. Pahalagahan nyo sila hangga't nandyan pa. Dahil hindi lahat, may kumpletong pamilya.

Kumakain na ko. Ng biglang nag ring yung phone ko. Si Eunice lang pala.

("Hello?") Sabi ko sa kanya.

("Uy girl! Mamaya kita tayo ah. Punta ka sa bar malapit sa mall.") Sabi nya. Teka, bakit kaya? Hays tinatamad ako eh eneveh!

("Anong meron?")Tinatamad kong tanong. Wala naman kasing ganap eh.

("Wala lang miss na kita") infairness namiss ako. Kala nya nakalimutan ko pa yung nangyari noon. Mamaya ko na ikwkwento.

("Okay. Mamaya na lang")

(" 5:00 pm ah") inend ko na yung call. Syempre ikwkwento ko pa nangyari noon. Sa next chapter hahaha.

Bumalik ako sa kwarto ko matutulog muna ako. Mag aalarm na lang ako. Ang aga pa noh. Natulog na ko. Ang himbing ng tulog ko ng may biglang gumising sakin.

"Tiffany! Gising" niyuyugyog pa ko.

"Kuya ano ba! Inaantok pa KO! Leave me alone!" Nakapikit Kong sabi sa kanya. Inaantok pa ko storbo sya.

"Kanina pa tumutunog alarm clock mo pati ako nabubulabog. Gumising ka na!" Bigla naman akong nagulat syempre dumilat nadin ako. Seriously? Inaantok pa meh.

"Text uenice na di ako makakapunta." Sabi ko sa kanya. Sarreh inaatok ako eh.

"I'll text her. And I'll tell her---" pinutol ko na sasabihin nya.

"Oo na. Eto na! Just leave! I don't want to see your ugly face!" Napakunot noo na lang sya. Di ba nya alam na hanggang ngayon galit ako sa kanya? Dumagdag pa sya sa pinaprobelma ko para mag kaayos sila ni mama.

"Etong gwapong to!? E baka nga kung di mo lang ako kapatid. Patay na patay ka na sakin ngayon eh." Sinamaan ko sya ng tingin. Ang hangin nya.

"Yuck! Sabihin na natin na sa itsura may panama ka pero sa ugali walang wala ka na" I rolled my eyes at him. Papasok na kosa cr. Humarap ako sa kanya. "Alam mo kuya may mararating ka eh. Baka sa iba't ibang lugar. Baka sa langit pa nga eh. Tangayin ka Sana ng kahanginan mo." Nag smile ako sa kanya. Bubuksan ko na yung pinto ng cr ng bigla syang nag salita.

"Ano bang problema mo tiffany!?" Pasigaw na sabi nya.

"Gusto mo malaman yung problema ko? Ikaw! Ikaw yung problema KO!" Tumulo na bigla yung luha ko. "Kala ko ba kuya kita? E yung lalaking minsan ng makapatay sakin sya pa din yung kinakampihan mo. Kapatid mo ko diba? Sabi mo ikaw yung taga pag tanggol KO! Sabi mo di mo hahayaang may manakit saken. Nagulat nga lang ako nung pinag aasar na nila ko. Kala ko may gagawin ka. I'm dissapointed kase wala kang ginawa" sabi ko sa kqnya at tuluyan na Kong pumasok sa cr. Oo mababaw ako. Pero ang sakit eh. Akala ko kuya ko sya. Hindi pala.

Naligo na ko nag ayos na ko. Baka hinihintay na ko ni Eunice. Pag kababa ko wala si kuya. Pumunta na lang ako sa Ferrari ko. Puro problema na ko. Hays.

Nandito na ko bar. Nandito na kami ni Eunice. Nakaka ilang shot na ko ng wine. Si Eunice ganun din. Ang tahimik nya. Ako na lang babasag sa katahimikan.

"Bat mo ko pinapunta dito?" Mahinahon na sabi ko.

"May problema ko tiff. Break na kame" malungkot na sabi nya. Dapat lang sa kanya. Inagaw nya eh. Pero kahit papaano nakulungkot ako.

"Hayaan mo na sya. Wag kang manghihinayang sa mga taong ikaw mismo sinayang" odiba hahaha!

Nginitian nya ko. "Alam mo hindi lang naman yan ang dahilan kung bakit ka nandito." Tumingin ako ng nag tataka. Bakit? Pero parang nabasa nya inniisip ko kaya sabi pa nya. "I realize na kailangan kong pag bayaran lahat ng nagawa ko." Anong ibig sabihin nya?

"Di kita maintindihan." Sabi ko sa kanya. Ano bang gusto nyang sabihin.

"I'm sorry." Hinawakan nya yung kamay ko. "Kapal din ng mukha ko e noh. May mukha pa talaga kong ihaharap sayo." Dugtong pa nya. "Sana may chance pa din ako. Alam kong Mali ako. Pero pinag sisihan ko na" ngayon na intindihan ko na.

"Di ka pa humihingi ng tawad, pinatawad na kita." Sabi ko sa kanya. Bigla naman ng inilahad and kamay nya.

"Friends?" Sabi nya.

Umiling ako sa kanya. "No." Nginitian ko sya. "Best friends!" Inabot ko din sa kanya yung kamay ko.

"May problema din ako eh. Si mom at dad mag kaaway." Malungkot na sabi KO. Mamaya I'm gonna talk to dad.

"So ano pang ginagawa mo? Tumayo ka dyan. Sayang oras. Kausapin mo yung parents mo" napaisip ako.

"Pero pano ka?" Tanong KO sa kanya.

Nginitian nya KO. "I can handle my self. Just go." Nginitian ko sya. Sabay tayo.

"Thank you next time na lang" umalis na ko. Kailangan mag kaayos sila.

End of chapter 6.

Chapter 7 na lang yung mag kakaayos.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 22, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Until The EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon