“…lahat ng ito, nagsimula sa isang MALING AKALA…”
Ma. Nicolette Delos Santos - Espinosa
Plain… Nerd… Loner…
Yan na yata ang maidedescribe ko sa sarili ko…. DATI!
OO… tama… DATI… ngayon?
Ako si Ma. Nicolette Delos Santos – Espinosa, tawagin mo na lang akong Nicky… pero para sa iba mas kilala ako bilang si “miss popular”, si “miss topnotcher”, si “miss talented”, si “miss varsity” o kundi naman ay si “miss achiever”. Oh di ba?... parang kinuha ko na yata lahat ng titulo sa kabuuan ng mataas na paaralan ng Bonifacio! XDDD
At lahat ng yan eh naganap lang sa loob ng tatlong taon simula nang makilala ko siya…
Si Jet Colin Angeles.
Isang ordinaryong araw lang yon ng freshman year ko sa highschool…
*flashback*
Mag-isa akong nakaupo sa isang sulok ng field at nanonood sa mga nagpapractice para sa upcoming intramurals. Wala naman akong mga close friends dahil nga ako ay isang dakilang loner pero okay lang yon dahil masaya naman akong nagsosolo sa peace and quiet.
Until I unexpectedly saw the boy who will drastically change my life from that moment onwards…
Doon ko siya nakitang naglalaro ng baseball sa hindi kalayuan. Pinagmamasdan ko palang siya sa malayo ay pakiramdam ko ay pansamantalang tumigil ang heartbeat ko. Yung kakaibang ngiti niya habang naglalaro yung nakakuha talaga ng atensyon ko at hindi ko mapigilang ma-amaze habang hinahataw niya yung bola.
Sa sobrang pag-ogle ko sa kanyang gwapong mukha ay hindi ko na namalayang papalapit na pala sa direksyon ko ang bola. Napansin ko lang iyon nang makita ko ang nag-aalalang mukha niyang nakatingin sa akin at kumay-kaway pa na tila pinapaalis ako sa aking kinauupuan. Pagtingala ko ay sakto namang pabagsak na ang bola sa akin at pakiramdam ko tuloy ay parang napako na ako sa lugar na iyon at wala nang magawa kundi tingnan na lang ang pagbagsak nito.
Napapikit na lang ako…
….
….
….
….
Sa kabutihang palad ay nahulog ito ilang inches lang ang layo sa aking kinauupuan.
“miss, okay ka lang ba?”
Pagtingala kong muli ay nakita ko na ang mukha ng lalakeng kanina ko pa pinagmamasdan. Parang nang-init tuloy ang mukha ko nang akmang papalapit na siya para kunin sa kamay ko ang bola.
“ah…o-oo” nakaramdam kaagad ako ng electricity sa kamay ko sa sandaling magdampi ang mga balat namin nang kunin na niya sa akin yung bola.
“JET!” tawag naman ng mga kasamahan niya sa kanya kaya kaagad naman siyang bumalik sa laro nila.
Kainis lang kasi parang panira ng moment yung mga asungot na yon ha.
Pero pasalamat pa rin ako dahil nalaman ko na ang pangalan niya. Siya pala si Jet – ang first love ko…
*end of flashback*
Simula noon ay inalam ko na ang lahat tungkol sa kanya. Nakakahiya mang aminin pero parang naging stalker na nga niya ako. Super na-inlove kasi kaagad ako sa kanya at simula noon ay ginawa ko ang lahat para magpapansin na sa kanya.
Hep! Wait a minute kapeng mainit! Bago kayo mag-react ng mga violent reactions niyo about me, ika-clarify ko muna ang sarili ko. Hindi ibig sabihin ng pagpapansin ko ay magiging slutty na ako towards him. That’s a BIG NO. Actually, medyo naduduwag pa nga akong magpakilala sa kanya kahit na halos kilala na ako ngayon ng buong campus.
BINABASA MO ANG
MALING AKALA
Teen FictionAkala mo gets na niyang LIKE mo siya… Akala naman niya may LIKE kang iba… Paano na lang kung mauwi ang lahat sa isang… MALING AKALA…?