CHAPTER 3: OPERATION: PASELOS EFFECT

20 0 0
                                    

Charlie’s POV

“I am really sorry. I truly am.” nakaluhod kong sabi kay Nicky nang makabalik na ako ng school.

Ilang araw pa lang kasi ang nakakalipas simula nung kumalat yung issue tungkol sa amin pero sobrang naging exaggerated na yung mga narinig kong kwento. Hindi talaga ako makapaniwalang naging napaka-twisted na yung mga balibalita. From a mere rumor lang about sa pagkagusto daw sa akin ni Nicky eh nahantong na sa siya na daw yung nanligaw sa akin habang nasa ospital ako – which in fact is absolutely untrue!

Sa katunayan, simula nung araw na yun na nagalit siya sa akin ay hindi pa talaga kami nagkikita.

Kaya naman heto ako ngayon – nakaluhod, kinuha kaagad ang pagkakataong makausap siya matapos kong makalabas ng ospital.

Alam ko kasing galit na nga siya sa amin ni Jet simula nung kumalat yung issue nay un, kaya bihadong mas lalong nadagdagan pa yung galit niya ngayong naging totally out of control na ang pagkalat nito.

In just a few days after that incident ay naging instant campus couple kami. Yes, ganoon kalala yung pagkalat niya na parang isang malaking wild fire.

 “pwede ba Charlie, tumayo ka nga” is she… smiling? Kaagad naman niya akong inalalayang makatayo. “ako nga ang dapat magsorry sayo…nasigawan kita nung isang araw…” teka... teka, tama ba yung naririnig ko? “…sorry talaga Charlie, wala kang kasalanan.”

O___________O

“Hindi…” umiling-iling na lang ako. “Hindi, kasi…ano… yung sa… haizt!” ano ba naman toh! Parang hindi ko na tuloy alam ang sasabihin ko! Ako kasi dapat ang humingi ng sorry, di ba? “Teka… wag mong sabihing hindi mo pa nalalaman yung mga tsismis tungkol sa atin?” baka yun nga? Kaya siguro hindi siya galit sa akin?

Nagpipigil siya ng tawa, “ah… yun ba?...” I nodded “alam ko naman yun”

“huh?... eh kung ganun bakit –” she cut me off.

“wala akong pakealam sa mga pinagsasasabi nila nuh…”

“Huh?.. eh akala ko –” and again, she cut me off.

“akala mo lang yun” tapos ngumiti siya ng isang nakakalokong ngiti, “although natatawa lang ako sa ideyang panliligaw ko sa ‘super hot’ basketball captain ng campus natin” tss… sabi ko na nga ba narinig na niya yun. Haizt… XV

Napailing na lang ako. “hindi naman ako ‘super hot’” =___________=

She chuckled, “medyo lang” sarkastiko niya pang dagdag.

“so… hindi ka na galit sa ‘kin?”

“hindi na” ngumiti lang siya at nag-umpisa nang umalis.

It took me a moment bago mag-sink in yung sinabi niya kaya kaagad ko na rin siyang hinabol.

“uh, Nicky?”

“yes?”

“paano na ngayon ‘toh?” bulong ko sa kanya. Nakita kong pinagtitinginan kami nung mga tao habang magkasama kaming naglalakad sa hallway.

Nilingon niya muna ako bago muling nagsalita, “ang alin?” pinipilit niyang pigilan ang nagbabadyang ngiti habang nagpapanggap na parang isang inosenteng hindi alam yung tinutukoy ko. Tss.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 15, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MALING AKALATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon