Spin the bottle 1

4 1 0
                                    




"Primo cally, Ang daya mo!" wika ni sandra,  nakangiwi pa ang itsura. Ay sus!  Spin the bottle lang to! Ang OA.

Iniripan ko na lamang ito. "May laro bang walang daya?"Bulong ko. Nang lumihis ako ng tingin, nagkatinginan kami ni ate calla. Pinanlalakihan ako nito ng mata. Napa hands up ako,  sign ng pagsuko.

Si ate calla na ang nagikot ng bottle. Huminto ito sa harap ni sandra. Lihim akong napangiti, sa kanya parin kasi tumapat.

"So... "Ako, nakangisi na ngayon. "Truth or dare? Only the truth! No lies or Only the brave No coward."Wika ko.

"Cally..."Tawag ni ate calla, tumingin ako rito. Nakataas ang kilay nito. Tila sinasabing may mali nanaman akong ginawa. Umirap ako, akala mo naman mangangain ako ng buhay. 

"Permiso? Hindi ikaw ang maguutos sakin."Ani sandra. Umakto ako na nalulungkot. Permiso means excuse me. Nag aaral kasi ito ng spanish.

"Sayang...kung dare sana, I would dare you to hug my cousin paul." Bulong ko.  Pero rinig naman nilang lahat.

Paul is my cousin in my mother side,  while Sandra is my cousin in father side. Napa tingin silang lahat sakin. Nagpiece sign ako.

"Charizz!" Ani ko. Tinignan ako ni paul ng masama.

"Truth nalang."Ani sandra at mukhang nahihiya. Akala nya di ko alam na crush nya ang pinsan kong si paul.

"What is your dream man?" Tanong ni ate calla. Napangiwi ako. Talaga lang ha?  Ate calla?  Ang baduy ng tanong. I can't complain pa naman, si ate calla na yun.

"My dream man... Yung gwapo." Umirap ako, well hindi na talaga mawawala yan sa listahan.
"Mabait, masipag, matalino, masunurin, madasal-"

"-Matandang Mayamang Madaling Mamatay, lahat ng nagsisimula sa letter M." wika ko.

"Cally!"

"What? nanaman?"

"Huwag natin itong seryusohin. Spin the bottle  calla."wika ni Rad. Napatingin ako kay rad, nakatigin rin ito sa akin. Nag iwas ako ng tingin, ang awkward kasi. Alam na alam nyang sya lang ang makakapagpatigil sa kalokohan ko. Hindi naman ako na i-intimidate sa Kanya, ngalang eh hindi ako mapalagay kapag nandyan sya. Parang tinatambol ang dibdib ko kapag malapit sya. Dahil narin siguro sa gusto ko sya.

Inikot uli ni ate calla ang bote. Sa akin iyon nakakatutuk. Napatingin silang lahat sakin.

"Well, dare agad. Hindi naman ako duwag." wika ko.

"Cally,"Si rad. Umatras ang tapang ko. May pakiramdam akong hindi iyon maganda.

"Ate calla ikaw na ang mag utos."

"Sige." Ani ate calla,  kaya napangiti ako.

"I dare you...Magkulong kayo  ni rad sa kwarto ng isang oras."Anito.

Nanlalaki ang mata ko. Sinulyapan ko si rad, que reaksyon wala sa mukha nito. What the?

"Nagbibiro kaba ate-"

"-Hindi.."

"Ate tapos na ang laro nun." wika ko.

"Okay nga iyon wala ng magulo." ani paul,  tinignan ko ito ng masama.

"Pwede namang ako lang mag isa."

"Hindi pwede mabo-bored kadun." si ate calla.

"Pero ate-"

"-akala ko ba'only the brave, no coward?'"

I groaned and hands ups.

Ipinasok kami nito sa iisang kwarto. Mga ilang minuto rin kaming tahimik. Wala talaga akong balak kausapin sya. Pero ayaw ko namang mapanisan ng laway.

"Bakit ka pumayag?"Tanong ko. Hindi ito sumagot he just shrugged his shoulders. Nilapitan ko ito, kaya ito nanaman ang puso ko.

"Mapapanisan ako ng laway sayo." Bulong ko.

"Galit ka ba sakin?" tanong ko kaya napalingon ito sa gawi ko.

"Hindi."sagot nya.

"Maniwala, kapag nakatingin ka sakin laging seryoso, galit pa minsan or worst hindi pinapansin. Kaya laging tinatambol yung dibdib ko kapag malapit ka. Tulad ngayon."Wika ko at halos pabulong nalang ang mga huling salita.

"Ako rin."anito.

"Anong ako rin?"

"Kapag malapit ka... Naghuhurmentado rin ang puso ko. Galit ako kapag sobrang lapit mo sa ibang lalaki, samantalang di nga tayo nagkakaroon ng paguusap kaya hindi narin kita pinapansin. "Wika nito at nag iwas ng tingin.

"Wow! That was the longest sentences I ever heard from you."ani ko , and trying to avoid the topic. Pakiramdam ko alam ko na kung saan ito patungo. Ayaw kong mag assume.

"Ayon lang ang sasabihin mo?"tanong nito.

"Anong gusto mong sabihin ko? Na kaya rin kita nilalayuan minsan dahil sa gusto kita- oh!"Napahawak ako saking bibig. What the hell I just said?! Nang Lingunin ko ito ay nakatingin rin ito sa akin.  Ngunit nakitaan ko ito ng multo ng ngiti sa labi.

"Anong sabi mo?" Tanong nito.

"Wala-"wika ko. Lumapit ito sa kin.

"Narinig ko yun cally. Sasabihin mo o hahalikan kita?"

Napalunok ako.

"Ang sabi ko, gusto kit-" Hindi ako nito pinatapos. Sinakop na nito ang labi ko. Nagulat ako. Imbis na itulak ay yumakap ang kamay ko sa kanyang batok at pinalalim pa ang halik, kahit na hindi ako marunong nun. Napaungol ako ng kagatin nito ang labi ko.

Nang maubusan ng hangin ay tumigil kami sa paghahalikan, ngunit hindi naghiwalay ang labi namin.

"Gusto rin kita."Anito. This time ako naman ang humalik rito. Nagtagal ng ilang minuto ang halikan namin. Tumigil lang kami ng may kumatok sa pinto.

"HOY!! Rad! Yung kapatid ko dyan! Pinagbigyan lang kita." Boses iyon ni ate calla.

Nagkatinginan kami at tumawa.        /

THE END













Spin The BottleWhere stories live. Discover now