IX

236 16 7
                                    

Chapter 9
#SYNwp

Natigilan si Juanico sa narinig niya mula sa akin. Pinigilan ko ang tawa ko. Sobrang priceless ng itsura niya! Hindi ko naman talaga rin plinano na tawagin siya no'n pero gusto ko lang talaga siya asarin at the same time mas convincing kaya kapag gano'n or at least isa man lang sa amin.

Sa sobrang bigla niya yata talagang napabitaw na lang siya sa pitsel at hinayaan na akong magsalin no'n sa mga baso.

Napatingin ako kay Ate Janina na nagpipigil ng ngiti niya. Hindi ko alam kung natatawa siya sa reaksyon ng kapatid niya or na-cu-cute-an siya sa amin. Kahit ano pa man doon ay feeling ko good sign naman iyon.

Nagpaalam muna ako kay Ate para tulungan na si Juanico doon sa pagkain na binili namin sa nadaanan namin kaninang restaurant na trip daw ng ate niya.

Dahil maliit lang naman ang apartment ni Juanico, kitang-kita kami ng ate niya dito sa may kusina dahil halos ilang hakbang lang naman ang pagitan ng dining at kusina niya.

Nagpakitang gilas ako at ako ang kumuha ng mga kutsara sa drawer tapos mangkok at ibinigay kay Juanico para doon niya isalin ang pagkain.

Pagbalik ko sa may table nakatingin si Ate Janina sa akin at pinagmamasdan ang bawat kilos ko. Nakaka-conscious pero nagpatay malisya na lang ako habang hinahainan siya.

"Lagi ka rito?" biglang tanong niya sa akin. Napansin niya na siguro kung ano 'yung gusto kong mapansin niya. Hindi naman pala sayang ang pagpunta ko rito in advance para ma-orient ako ni Juanico.

"Hindi naman po, kapag may time lang po kaming dalawa. Busy rin po kasi." Kahit naman nagpapanggap kami, ayoko rin naman maging OA at maisip ng ate niya na dito na ako halos nakatira tsaka para malapit na rin sa katotohanan. Hindi ako masyado busy pero si Juanico, totoong busy naman talaga 'yan.

Minsan nga napapaisip ako paano niya napagsasabay kasi ang alam ko hindi rin naman sila laging present sa mga klase nila kasi nga mas priority ang training. Kaya nga marami ring athlete ang na-ba-bash ng mga kaklase nila kasi mga pabuhat sa group work at training lagi ang excuse kaya napipikon na rin ang iba sa kanila.

Buti na lang si Rider hindi naman ganoon, hindi rin ako nakarinig sa ibang mga kaklase namin noon na may reklamo sa kaniya. Nasa tao pa rin talaga 'yan. Kaya hindi rin siguro ako bagay maging athlete kasi malaki ang tendency na pumalya ako in both lalo na may maintaining grade yata sila. Not sure kung sa SHU rin basta sa RVU mayroon daw siguro napapagbigyan lang ng mga prof ang iba kaya nakakalusot pa rin kahit mga tamad naman.

Kumain lang kami pagkatapos. Super chill lang naman, mukhang nag-ta-try talaga ang ate niya na maging okay sa current "relationship" ng bunsong kapatid nila. Sayang lang dahil sa akin niya napapakita ang effort niya at hindi sa totoong girlfriend ni Juanico.

"Ako na ang magliligpit. Magpahinga na kayo diyan," pagpresinta ni Ate Janina. Umangal pa ako pampa-good shot sa kaniya pero hindi na siya nagpapigil. Buti na lang. Ayoko rin naman magligpit talaga.

Nang naghuhugas na si Ate Janina ng mga ginamit namin ay agad ako binusangutan ni Juanico. Natawa naman ako dahil buong hapunan pinanindigan ko ang pagtawag ko sa kaniya ng 'Mahal'

Banas na banas tuloy si gago pero wala siyang magawa kanina. Sayang nga eh akala ko tatawagin niya ako pabalik pero hindi, nanahimik lang siya. Next time ulit.

"Kapag nagka boyfriend ka ba ayan ang gusto mong tawagan?" sabi niya sa mahinang boses dahil konting lakas lang ay baka umabot sa ate niya ang pagrereklamo niya.

"Hindi pero gusto ko lang i-try baka cute naman. Testing lang, Mahal." Natatawa ako nang irapan niya ako at nilipat ang tingin kung saan habang nandito kami sa sofa niya.

See You Never Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon