XXIII

250 30 51
                                    

Chapter 23
#SYNwp

Nauna na ako na maligo habang inaayos ni Juanico ang ilang gamit niya sa kwarto. Malaki naman ang kwarto niya rito, parang kwarto niya pa lang dito ay masasakop na ang apartment niya sa Maynila. Kung ganito pala ang nakasanayan niya rito, edi grabeng pag-a-adjust niya sa Maynila.

Mukhang afford naman niya ang condo pero hindi pa rin niya pinili na magstay, bakit kaya?

Pagbalik ko sa kwarto, nakapantulog na ako. Naabutan ko si Juanico na nanonood lang ng TV habang nakaupo sa gaming chair niya.
"Ikaw na," sabi ko sa kaniya. Tumayo siya at kinuha ang mga gamit niya at lumabas na ng kwarto.

Kinuha ko ang bag ko at nilabas ang mga skin care ko. Hindi ako laging masipag magskin care pero dahil upcoming ang kasal ni Ate Janina, gusto ko naman maging fresh kasi for sure maraming picture taking ang magaganap sa araw na 'yon.

Naglagay ako ng sheet mask sa mukha ko at nakiupo sa gaming chair ni Juanico habang nanonood ng TV na hindi ko naman alam kung ano bang palabas 'yan. Ayoko naman pakialamanan kasi pinapanood niya kanina eh.

Medyo nakakahabol na ako sa nangyayari sa palabas nang pumasok si Juanico, nagkagulatan pa kami.

Nagulat siya kasi naka sheet mask ako tapos nagulat naman ako kasi wala siyang pantaas. "Ay wow flex mo lang?" pang-aasar ko nang makarecover ako sa pagkagulat.

"Ano naman 'yang nasa mukha mo? Pati multo matatakot sa'yo." Inutil lang? First time makakita nito? "Pampaganda," sagot ko naman.

"Kailangan mo nga." Hindi ko na pinansin ang pambubwisit niya na 'yon. Hindi ko rin  inaalis ang mata ko sa katawan niya. Respectfully looking po tayo dito pero kasi maganda ang katawan ni manong oh kahit dati pa naman maganda na pero parang mas maganda ngayon. Siyempre nakita ko naman na 'yan dati sa Puerto Galera pero parang iba ngayon eh.

Sabagay, araw-araw training ba naman tapos kasama pa work out sa training ewan ko na lang kung hindi gumanda katawan niya plus the mandatory damo every meal.

"Tapos ka na tumingin?" tanong niya.

"Hindi pa," malokong sagot ko pa. Nailing na lang siya at kinuha ang t-shirt na naiwan pala niya sa kama.

"Sulit naman pala 'yung daily dose mo ng damo no?" comment ko pa habang sinusuot niya ang shirt niya na plain white.

"Ano ako kambing?" pikon na sagot niya sa akin. Umupo siya sa kama niya at kinusot ang buhok niya.

"Ano na nangyari?" tanong niya habang nakatutok sa TV. Sabi na eh, buti hindi ko nilipat. Hay, ang considerate ko talaga. Hindi niya ako deserve. Eme!

Kinwento ko sa kaniya 'yung mga nangyari sa palabas. Movie lang iyon na pinalabas sa isang channel kaya hindi na mauulit unless, i-search niya at panoorin niya ulit ang movie na 'yan.

"Gusto mo? Pampagwapo?" inalok ko siya ng sheet mask, hindi pa siya um-oo pero binuksan ko na.

Pangarap ko rin kaya 'to gawin kapag may jowa na ako kaso nga kasi wala. Sayang ang mga plano ko kung hindi ko ma-execute eh since siya naman ang boyfriend ko for a week, edi i-try ko sa kaniya.

"Ayoko nga, baka malagkit 'yan." Ang arte!

"Hindi matutuyo rin 'yan. Tignan mo sa akin." Kumuha ako ng headband na nasa table niya. Ito 'yung sinusuot niya kapag nag-v-volleyball. Sayang, wala akong dala na cute na headband. Mas cute sana kung iyon suot niya.

Tumayo ako sa harap niya habang nakaupo siya sa kama at sinuotan siya ng headband, hindi naman siya umapila. Sumbong ko siya sa pamilya niya eh.

Lagi naman ako pinagbibigyan ni Juanico sa mga ganitong bagay, pambawi na rin siguro kasi nga duh? Ginagawan ko siya ng pabor. Nagpapanggap akong girlfriend niya edi mag-play siya as boyfriend ko kapag may mga gusto akong gawin na hindi ko magawa dahil nga wala akong boyfriend.

See You Never Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon