Epilogue

72 3 3
                                    

Ilang linggo na ang nakalipas mula ng nangyari lahat ng hindi ko deserve, masaya ako ngunit alam ko sa sarili ko na may kulang. Ilang linggo kong inayos at hinanap muli ang sarili, mahirap, masakit ngunit kinaya ko. Simula noong huli naming pagkikita ni Renon ay hindi ko na ito mahagilap sa Campus, hindi ko batid kung tinataguan niya ako upang makalimutan ko na siya o sadyang ayaw na niya akong makita.

"Tulala sa daan, baka mabangga ka"

Napairap ako heto na naman si Persues maninira ng araw

"Stop ruining my moment please"

"Sos, andon si Renon gusto mong makita?"

Tinaasan ko siya ng kilay "Stop it Persues ayoko yang marinig"

"Because you still love him" biglang sulpot ni Trixie.

"Balikan mo lang kasi Chan" gulat ko namang nilingon si Michael

"Bakit kayo ganyan?" Tanong kong naiinis.

"Kasi iba yong saya mo pag andyan si Renon"

Napabuntong hininga ako.

"I admit I still like him pero love? Wala na" ngumiti ako ng natural sa kanila para ipakita at ipadama na wala na talaga "Hindi ko makakalimutan si Renon pero yong pagmamahal na minsan ko ng naibigay hindi na maibabalik yon"

"Pero pwede pang simulan muli" dagdag ni Jorrie na nilingon ko at kakarating lamang nito.

"Hindi na maaaring simulan muli ang librong natapos na, tapos ko na siyang mahalin at hanggang doon na lamang iyon"

"That's why I'm here, for things to be cleared"

Wala akong naramdamang kakaiba ng marinig ang boses na iyon, hindi ako kinabahan muli tulad ng dati kaya hinarap ko ito na para bang wala lamang.

"Alam ko sa mga oras na ito humupa na ang galit mo kay Renon"

Kay Renon?

"Kaya andito ako-kami para klarohin lahat ng bagay sayo at linisin ang pangalang minsan ng nadungisan sa maling akala."

Kami? Nagtataka ako sa mga pinagsasabi niya.

"Hindi lamang ikaw ang nasaktan dahil pati din si Renon, hindi lang ikaw ang nahirapan dahil pati din si Renon."

Naguguluhan ako!

"Ngunit sarado ang puso at isipan mo para pakinggan ang explanation ng aking kapatid"

Kapatid? What fvcking fvck is happening!

"The that you saw in Eve's Kiosk Resort was me"

Itinaas ko ang kilay ko "Oo ikaw nga? Tapos?"

"It's me and my girlfriend"

"Alam ko" saad ko kahit naguguluhan.

"It's me, my girlfriend and not Renon"

Ha?

Ano daw?

Mula sa kalayuan ay nakita ko ang lalaking naglalakad papalapit sa gawi namin at doon muling tumibok ang puso kong minsan ng namayap ng ilang linggo.

Renon?

Eh sino itong nasa harapan ko?

"R-renon?" Nagtataka kong aniya

"I'm Renan, Renon's twin brother"

Naiwang nakanganga ang aking bunganga, all this time I was wrong? All this time ako ang nanakit kay Renon?

"I'm Renon's lost twin brother. And thanks to you I found my real parents. Pero kapalit naman nito ang kamuhian ako ng sarili kong kapatid"

My tears started to fall down ng makaharap ko na ng tuluyan si Renon. I was wrong all this time.

"Chandra, I'm sorry, for not letting explain"

"I'm sorry for not letting you explain"

Ngumiti si Renon at tumulo ang ilang butil ng luha sa kanyang mga pisngi "Pero hindi na maibabalik muli ang nangyari, but I wanted you to know na totoo lahat ng pagmamahal mo sayo mula una, na totoo lahat ng mga sinasabi ko, na totoong minahal kita at kelanman ay hindi naisipang lokohin"

Pinahid ko ang aking mga luha, tila bumalik ang lahat ng pagmamahal ko sa kanya pero hindi na pwede dahil nasira ko na ang meron kami.

"Ni minsan hindi kita nakitaan ng pagkukulang dahil lahat ng hinahanap ko nasa iyo na"

Ngumiti ako ng mapait "I'm sorry for being ma pride at hindi ka hinayaang mag explain pero I guess hindi na natin maibabalik pa muli "

Ngumiti ito at kinuha ang aking mga kamay upang hawakan.

"I always love you and I'm gonna wait for you till our love cross our path again" ngumiti ako dahil alam ko sa mga oras na ito, mahihirapan pa kaming ayusin ang kung meron kami dati.

"Babalik ako at ako na ang magbibigay ng mga bagay na deserve mo, yong effort yong pagmamahal at oras, pero sa tamang panahon" humugot ako ng malalim na paghinga.

"I'm sorry" mga katagang tanging maibabanggit ko.

"Sshhhh, Don't be sorry. I'll be your boyfriend again in a perfect timing, promise not to let anyone court you"

Ngumiti ako at tumango "I promise"

Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo at muli ay humarap sa akin.

"I love you, till you love me once again my future girlfriend"



THE END!

Eros Love - CTU Series 1 (Completed)Where stories live. Discover now