"Hoy Sophie asan ka na ba at kanina pa ko rito nag aabang sayo?"
Kahit kailan talaga napakalakas ng boses netong babaeng to.
"Andito na nga Jenny maghintay ka nga saglit at nagbababa na 'ko ng gamit dito sa taxi" napairap nalang ako pagtapos ko sabihin iyon.
"Yan na nga ba ang sinasabi ko, ako na inabala mo sa trabaho, ako pa ang maghihintay sayo."
"Wow, salamat hah? Pasensya na inabala kita. Ano nga bang trabaho mo?" Di ko napigilan maging sarkastiko. "Eh diba tambay ka lang naman sa bahay niyo kaya nga kulang nalang sipain ka ng mama mo palabas ng bahay niyo?"
"hoyyyy eto naman di na mabiro HAHAHAHAHAH nasan ka na ba kase?"
"heto sa likod mo gaga HAHAHAHAHAHHA"
Napalingon si Jenny sa likod niya at kumaway naman ako. Pinatay ko na ang telepono at naglakad palapit sa kanya habang hila hila ang maleta ko.
"Gaga namiss kita tagal na natin di nagkikita samantalang dati naghihiwalay lang tayo kapag sabado at linggo dahil umuuwi ka sa inyo." Natawa naman ako sa sinabi niya. Siya si Jenny bff ko, lahat ng kagagahan ko sa buhay alam niya. College kami nagkakilala at parang naging kapatid ko na siya.
"sira, naging busy lang ako. Ikaw kumusta ka na?" Niyakap ko siya.
"Mabuti naman at hindi pa napapalayas ni mama HAHAHAHAHAHA" natatawang ani niya.
"Ikaw naman kase Jenny, 4 years na tayong graduate sa college wala ka pa rin nagiging matinong trabaho" pamamrangka ko naman sa kanya. Sanay na kami sa gan'to, di kami nagplaplastikan sa isa't isa, kapag may gusto kaming sabihin sinasabi talaga namin.
"Alam mo naman Sophie, ayoko ng course na tinapos ko feeling ko di ko magagampanan nang maayos ang trabahong di naman bukal sa puso ko"
Malungkot na aniya."Oh tama na nga iyan tara na sa beach bago tayo mag iyakan dito sa gilid ng kalsada, ang tagal ko na rin hindi nakakapagbakasyon noh. Di ko nga lang nararamdaman ang pagod dahil gusto ko ang ginagawa ko" mahabang litanya ko.
"ikaw naman kase, kung pwede nga lang magtrabaho 24/7 ay ginawa mo na. Ano bang nagustuhan mo sa pagpunta sa pinangyarihan ng mga krimen na yan? Di ka ba kinikilabutan?" Nakangiwing sabi niya.
"Hindi naman, masaya kaya feel ko ang tali-talino ko kapag nasosolve ko ang mga krimen. Tsaka alam mo naman yan, college palang tayo mahilig na ko manood ng mga murder mysteries na yan sa netflix."
"Sabagay ikaw yan eh, kung pwede nga lang mag uwi ng patay galing sa morgue ginawa mo na eh"
"Gaga ka HAHAHAHAHAHAHA"
Tumunog ang cellphone ko, agad kong sinenyasan si Jenny na sasagutin ko lang ang tawag. Nakita kong si Sir Chase pala ang tumatawag. Siya ang may pinakamataas na posisyon sa aming team. Nanligaw na rin siya sakin noon, hanggang ngayon pala.
"Yes po?" Magalang na tanong ko.
"Sophie nabalitaan kong nasa Siargao ka raw?" Napakagwapo talaga ng boses ni Sir Chase, makalaglag panty. Tuwing maiisip ko na nililigawan niya ako ay kinikilig ako.
"Opo, nag file po ako ng leave hindi ba?"
Napabuntong hininga siya. "Sophie may ipapagawa sana ako, at ikaw ang pinapinagkakatiwalaan ko sa team na ito. Pasensya ka na, alam kong nasa leave ka pero sana ikonsidera mo pa rin"
May pagtutol sa loob loob ko ngunit sinagot ko pa rin siya. "Ano po ba iyon sir?"
"Imbestigahan mo ang pagkamatay ni Mrs. Linda Colm"
YOU ARE READING
Last Summer
Mystery / ThrillerSophie is an investigator. One summer she decided to have a vacation in Siargao. She texted her best friend Jenny to come with her. They were friends since college. But in the middle of their vacation, Sophie receive a call from her boss about a mur...