09

25 0 0
                                    

hi, it's been so long since my last update. May nagbabasa pa ba nito? Let me know by voting or commenting <3

-

"Papunta na ako kina Kia, nagpahatid lang ako sa driver namin kasi isang sasakyan lang naman gagamitin natin diba?" si Ches.

Humikab ako at tiningnan ang cellphone ko na nasa gilid ko lang. Five in the morning, great. Hindi naman halata na excited sila 'no? Ang aga aga tumawag at ang aga aga pa pero papunta na rito!

"Ito-" hindi ko pa natapos ang sasabihin ko ay pinutol na agad ito ni Nikki.

"Diretso ako diyan pagkatapos kong ma pick up si Xie. Kailangan ko pang e pick up 'yon eh para sabay nalang kami at oo na, kotse ko nalang ang gagamitin papunta sa restort." tamad niyang sabi at kahit hindi ko siya nakikita ay parang alam ko na agad na umiirap siya habang sinasabi iyon.

"Ayon! 'Yan nga Nikki, may one percent chance kanang pumasok sa langit dahil sa kabutihan mo ngayon." hirit ni Ches.

"Ba't ang aga ata natin?" tanong ko at pinilit ang sarili na bumangon.

Ano pa nga ba ang magagawa ko? Papunta na si Ches at pag dumating na si Nikki kina Xie paniguradong diretso na sila dito.

"Iwas traffic at para ma enjoy din natin 'yong view noh!" si Nikki.

"Pustahan tayo, hindi pa nakabangon 'yan. Rise and shine na princess, papunta na ako diyan." mapang-asar na sabi ni Ches.

Umirap ako. "Excuse me, bumangon na kaya ako!"

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at humikab. Mawawala rin siguro 'tong antok ko pag dumating na sila dahil paniguradong maingay silang lahat. Siguradong hindi ako makakabawi ng tulog sa sasakyan ni Nikki. I can already imagine the full blast music, her convertible car, the roof opened and everyone enjoying the feeling of the wind on their hair.

"That's good then, anyways I have to go. Kailangan ko ng puntahan si Xie dahil nagtext na siya. Ready na at excited na raw siya." natatawang sabi ni Nikki.

Bahagya akong napangiti sa sinabi niya. I can already imagine Xie's face and it lit my mood up. Happy Xie feels good, it makes me happy too. I know she needs this break more than anyone!

"Okay, bye!" si Ches at inend na ang call.

Pumunta na ako sa shower at naligo. Nagmadali ako at hindi na ako nag karaoke sa loob ng bathroom dahil baka biglang dumating si Ches at hindi ko marinig ang doorbell dahil nasa loob ako ng shower. 

Pagkatapos kong mag-shower ay sinuot ko na ang robe ko at nagskincare na. Wala akong plano magmake up ngayon dahil maliligo naman kami ng dagat.

I was about to get my clothes when I heard my doorbell rang.

"Hi Ches!" bati ko nang mabuksan ang pinto.

"Hi!" she was wearing a white fairy skirt with her green bikini top.

"Hindi ka ba lalamigin niyan?" natatawa kong tanong at naglakad na papunta sa closet ko habang siya naman ay umupo sa kama.

"May dala naman akong cover up! Just excited for the beach. It's been so long since the last time I got tan lines!" I nodded and did not answer.

I was looking for the outfit I prepared. Plain white shorts, my black bikini top, and plain white cropped long-sleeved polo as a cover up. Mabilis akong nagbihis para mabalikan ko si Ches. Lalabas na sana ako nang magring na naman ang doorbell ko. Sina Xie at Nikki siguro iyon.

Paglabas ko ay papasok na si Xie at Nikki. Tumalon talon si Xie, muntikan ng malaglag ang sunnies niya kaya pinigilan siya ni Nikki.

"Parang bata talaga!" sita ni Nikki pero bahagya namang napangiti sa pinaggagawa ni Xie.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 29 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When the Sun SetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon