****
At first I did not believe
Vampire?
Kalokohan nasa 21st century na Tayo.
It's just some old folk tales.PROLOGUE
Halos hindi ako makaidlip dito sa bus dahil sa ingay at reklamo ni sena
"Waaahh!!! Amber gusto ko ng bumaba, gusto na rin mahawakan yung cellphone ko" reklamo ni Sena
*sigh* "well if that's what you want pwede ko namang sabihin sa driver na ibaba ka dito at hayaang lapain ng mga hayop" walang gana kong Sabi.
Sa totoo lang wala pa talaga akong masyadong tulog dahil nga sa kaOA ng mga magulang namin, ayun impaki agad.
"Eto naman di na mabiro ang layo na kaya natin tapos di ko pa alam ang pabalik" nakanguso niyang sabi pinilit Kong pumikit at Hindi siya pansinin
Kung di ko lang siya pinsan at best friend sasalpakan ko na talaga ng bulak ang bunganga niya.
The reason behind this is because of our irresponsible act. It's a long story but to make it short nagparty lang naman kami at nagovernight ng walang consent nang kahit sino sa school.
At yun nangyari na ang lahat, hindi ako magkakaila, yes kasama din ako sa kanila besides it's my choice and I have my own reason or let say inspiration.
Our principal plan for this, as punishment sa lahat ng involve. Kailangan naming magcamp for one week sa pagmamayari nilang gubat without any gadget. They take our comfort and throw us somewhere.
Tumayo ang isa sa mga magiging bantay namin medyo malaki ang katawan niya sapat para magpatumba ng sampung tao.
"Makinig kayong lahat, ipapaliwanag ko ang mga rules habang nasa camp kayo." Nakapikit parin ako hababg nagsasalita siya.
"Rule 1. No Sex. You are not allowed to do such thing" bigla akong napamulat nagkaroon din nang konting ingay sa likod namin
What the...
Masyado namang bulgar ang pagkakasabi ng s-se hay buhay.
"Rule 2. No adventurer. Hindi tayo pupunta kung saan-saan may mga lugar na hindi natin pwedeng puntahan"
"Rule 3. Don't try to escape. Alam niyo na ang mangyayari sa inyo kapag tumakas kayo." Ani niya at umupo na rin.Tahimik lang ang lahat kahit naman na tutol kami dito, wala kaming karapatan na magreklamo.
Sinilip ko na lang si Henry mula sa kanyang upuan. Di ko na ipagkakaila na gusto ko siya mabait, gentleman, at higit sa lahat ang gwapo.Nakatingin lang siya sa labas pinagmamasdan ang tanawin sa labas, sana sakin na lang siya nakatitig.
"Hoy daydreamer nakatingin ka na naman sa crush mo " pabulong na sabi ni Sena.
"Shhh... hindi kaya" pagdeny ko tumingin ako sa paligid syempre baka may makarinig maging scandal pa.
"Aisshht sige itanggi mo pa HENRY" diniinan talaga niya ang pagbigkas ng Henry mabilis kong tinakpan ang bibig niya. Alam ko namang kahit magsinungaling ako di siya maniniwala.
"Pwede ba hinaan mo yang boses mo" linuwagan ko ang pagkakatakip ng kamay ko at pinakawalan na siya.
Gusto ko na ring umuwi hindi ko na kakayanin pa ang kaingayan at pang-aasar ni Sena sa akin. Mas gugustuhin ko pang ikulong sa bahay kasama si papa...
Speaking of Papa na alala ko pa lahat ng sinabi niya sa akin bago kami pumunta dito.
"You're a big disappointment" mahinahon pero puno ng galit ang mga salita niya."I never thought na maiinvolve ka sa mga ganitong bagay, punyeta naman nasaan na ang talino mo ha? Iinom sa loob ng paaralan ng disoras ng gabi?" Naguunahang tumulo ang mga luha ko alam ko namang mali ang ginawa namin pero sumama pa rin ako.
"Sinira mo ang pangalan natin ipinagmamalaki pa naman kita dahil ikaw ang nangunguna sa klase niyo."
"S-sorry po" wika ko sa pagitan ng mga hikbi.
"Nagusap-usap na kami at pumayag ako na dapat kayong maturuan ng leksyon. Lumayas ka na sa harapan ko at mag impake ka na." Di na niya ako pinansin pa at pinagpatuloy ang ginagawa niya.
Kahit ako nadidismaya sa sarili ko dahil sa mga nangyari. Isa akong honored student at may pagka-athletic din ako kaya parang impossible na masangkot ako sa mga ganong bagay.
Sa totoo lang party at disco type ang theme noon walang inumang naganap tanging ice tea at lemonade ang inumin.
Advance kasi sila mag-isip.
Titiisin ko na lang siguro ang ingay ni Sena kesa makita ang nagagalit na mukha ni papa at marinig ang mga salita niyang masasakit.
Tumalikod ako at humarap sa bintana at unti-unting pinikit ang aking mga mata.
=========
A/N: Hi mga readers I hope magustuhan niyo ang storyang ito. Medyo matatagalan akong mag update.
Sorry po sa mga typos
Don't forget to comment and vote.
Read till end ;-)
Most_wantedGirl
![](https://img.wattpad.com/cover/40168436-288-k689421.jpg)
BINABASA MO ANG
La Lumière: Falling into Darkness
VampireSometimes the things that are not yet seen really exist. It's just because we only believe on what we see. I didn't expect na magiging ganito ang lahat... tatakas ba ako? Lalaban? I don't know the answer but I'm sure I will find it as I fall into d...