Chapter 6
Isang buwan na ang nakakalipas simula sa unang araw ng pasukan. Yung mga taong akala ko hindi ko makakaose, kaclose ko na. At sa katunayan, excited ako araw araw na makita sila. Masaya naman so far ang senior life. sobrang enjoy ang araw araw ko.
Naglalakad ako ngayon sa oval ng school, sa main gate kasi ako binaba ng lolo kong laging naghahatid sakin.
*teng teng teng teng teng!
As usual, 7:05 lagi akong dumadating sa school. usually nakapila na ang mga estudyante sa corridors para sa flag ceremony. parang ngayon.
At sa nakasanayan, dumaan ako sa chapel, saktong pagkalabas ko naman ay nagkabungguan kami ng kaklase kong si Basty. matangkad at mabait. tapos sobrang kulit.
"Ay!" "Oh!" sabay kamin napareact.
"Jade ikaw pala!"
"Helloo!" maligayang bati ko
"Tara sabay na tayo." pinauna naman nya ko at naramdaman kong humawak sya sa likod ng bag ko. nakisiksik kami sa students dahil nga nakapila na sila sa corridor. ang room namin ay malapit lang sa canteen pero nasa second floor.
aakyat na sana ko ng hagdan ng hilahin ako ni Basty pasunod sa kanya.
"Ah-h!" ang tanging nasabi ko. tinanong ko sya habang naglalakad kmi
"San mo ko dadalin?" anong gusto netong si Basty?"Canteen muna, bibili lang ako. Kagutom."
tinaas ko nalang ang gilid ng labi ko dahil wala naman akong magagawa sumunod nalang ako sakanya.
Pagdating namin sa canteen ay nilibre nya ako ng bottled na nestea saka ng paborito kong cheese cake na lemon square. tahimik kaming bumalik ng room.
"Hoy Jade."
"Ano?"
"lipat ka sa pwesto ko mamayang filipino ha. boring dun e." tingnan mo tong isang to. last time na pinalipat nya ako dun dinaldal nya lang ako. napagalitan tuloy kami.
"titingnan ko."
habang nasa hagdan kami nakasalubong namin si Patchi, ang dambuhala kong kaibigan, na kasama si Denny.
iinom pa sana ko ng nestea ng hinablot ni Patchi ang inumin ko.
"Aya- Patchi!!" tuloy tuloy siyang uminom at sinabing "Painom Jade. Thanks." saka nya binalik sakin.kinunot ko lang ang noo ko sakanya
"Takaw mo Pat! Kaya ka nananaba e. Konti na lang puputok ka na."
"Manahimik ka." sagot nya kay Basty.
Nagpatuloy naman kami sa paglalakad at nakasalubong namin yung ibang mga kaklase namin.
ng makarating kami sa room , binuksan ko yung pinto at madami pang tao sa room. Mga nagsusulat, nagsusuklay, nagkwekwentuhan at naglalaro. Kahit kelan talaga.. kanina pa pinapapila pero ayaw pumila. Hahaha.
papasok na ko sa loob ng muntik akong mauyot dahil may naka face to face ako. pagtingin ko si Bryce pala.
"Hi panget." tapos sabay point nya sa ilong ko gamit ang hintuturo.
hindi naman ako nakareact except sa poker face na mukha ko.
ngumiti sya at derederetsong lumabas kasama ng mga kaibigan nya. napangiti naman ako.
sabay naming nilagay ang bag namin ni Basty sa upuan namin at sabay naring lumabas para pumila para sa flag ceremony. buti nalang at hindi pa nagnanational anthem ay nakapunta na kami sa section namin

BINABASA MO ANG
Almost Lovers
Teen FictionA story of her first love, the first time she ever felt something that she wasn't familiar of. The time when all these questions in her head was already answered, and this was her experience.