Chapter 7

6.7K 93 73
                                    

Napakasama talaga ng ugali niya. Ano bang karapatan niyang pakialaman ang buhay ko at sabihing huwag sayangin ito sa isang walang kwentang lalaki?

Tuluyan na akong lumabas ng classroom at nagmadaling pumunta sa malapit na comfort room para umiyak. Hindi ko na napigilan. Ang lahat ng mga luhang nagtago ng ilang araw at linggo, bumuhos itong lahat.

I have no one else to turn to. At kahit sirain ko ang buhay ko, walang mayroon ng paki.

*****

Lumipas ang isang linggo at muli, makakaharap ko na naman ang Ismael na iyon pero may baon ako—baon ko ang paghihiganti. Sa lahat ng mga sinabi niya sa akin lalo na ang mga katagang hindi niya magugustuhan ang isang katulad ko. Nakakababa ng dignidad.

Inagahan ko ang pasok sa klase at tama nga ako naroon na siya kahit wala pa ang mga kaklase ko. Abala sa paggamit ng laptop.

Napangisi ako. Agad kong binuksan ang dalawang butones ng unipormeng suot ko tsaka ako naglakad sa harap niya. Maikli rin ang suot kong palda na siyang hapit na hapit na bumabakat ang dapat bumakat. Sinong hindi maaapektuhan?

Dumapo ang mga mata ni Ismael sa akin. Lagot ka na. Hindi mo na ako matatakasan.

Pero saglit lang ang tingin niya sa akin bago ibinalik ang mga mata sa kaniyang ginagawa. Did he just ignore me?

"Kindly fix your uniform, Miss Alvandra. Napakasakit sa mata ng suot mo."

Napanganga ako sa sinabi niya. Anong klaseng lalaki ang tatanggi sa grasya? I sucked my teeth as I marched my way to him. Inikot ko ang swivel chair niya para iharap siya sa dako ko. Nagtagpo ang mga mata namin at ilang segundong hindi bumitiw sa isa't isa. Totoo bang wala akong epekto sa taong ito?

"Are you gay?" bulalas ko.

"No," sagot niya sa malalim na boses na siyang nagpataas ng mga balahibo ko. "If you're trying to seduce me by wearing your uniform in that way and acting like a whore, I appreciate it but sadly it doesn't affect me."

"Anong klaseng lalaki ka?" napalakas na tanong ko sa inis.

"Not the man like Professor Sybill, I guess. Did you act like this in front of him?" sarkastiko niyang komento. Agad kong sinara ang mga butones ng damit ko at inayos ang itsura ko. Maging ang nakalugay kong buhok ay tinaas ko na.

"Hindi, 'no! Anong akala mo sa akin?"

"Then, why are you being like this in front of me?" nakangisi niyang tanong.

"Wala ka na ro'n!" sigaw ko tsaka ko siya tinalikuran pero bago ako makaalis ay nahawakan niya ang waist ko at muli akong napaharap sa kaniya.

Napalunok ako at sa unang pagkakataon ay kinabahan ako sa ginawa niya. Shit. Mukhang ako ang naaapektuhan sa mga pinaggagagawa ko, ah. This can't be.

"I don't know why this idea keeps coming into my mind. Are you doing this on purpose for me to notice you?"

Agad na kumunot ang noo ko. "What do you mean?" Muli kong naalala ang paratang sa akin ni Savannah. Is he telling me na nilalandi ko siya? No way!

"Are you trying to hit on me, Miss Alvandra?"

My forehead twitches. "No way. I don't like you!"

Nagulat ako nang hilahin niya ako paupo sa kandungan niya. Halos malagutan ako ng hininga dahil sa ginawa niya. "Kahit sa flirting ay magaling ako. Sigurado ka bang hindi mo ako gusto?" Tila ba ibinalik niya sa akin ang pagbabanta ko sa kaniya noong nakaraan.

And there I stopped and saw his damn gorgeous face. Ngayon ko lang siya nasuri ang mukha niya nang ganito katagal at kalapit. Napakunot ako.

Nanuot sa akin ang matapang niyang pabango na para akong hinihilang ubusin ang amoy na iyon. Lumapit ako sa leeg niya upang singhutin ang amoy niya. This scent. It is very familiar.

Take Me Down, Professor (El Profesor #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon