CHAPTER 22- AT ALL COSTS

497 59 6
                                    

CHAPTER 22- AT ALL COST

|DETECTIVE LESIA'S POINT OF VIEW|


"OMG talaga ang kasong ito. Hindi ko na alam kung ipaglalaban ko pa ba ito o mag-resign na lang ako sa pagiging detective," reklamo ko sabay bagsak ng tasa sa mesa. Nakadalawang salin na ako ng kape para lang pigilan ang antok sa aking sistema.

Sinong mag-aakala na si Kira na naging biktima ng Xell Hospital murder case ay siya rin palang mastermind ng pagkamatay ni Zeendaya Pitt? Mas nakakawindang isipin na isang lalaki lang ang pinagmulan ng kasong ito at iyon ay si Daxxe.

Ang nag-iisang palaisipan na lang sa amin ngayon ay kung sino ang pumatay kay Kira at bakit? May kaugnayan ba ang killer kay Zeendaya at Daxxe o wala?

"Sino nga ulit iyong kaibigan ni Lynn?" tanong ni Ace. Napakamot naman ako sa aking noo at pinigilan ang sariling batukan ito.

"May iba pa bang kaibigan si Lynn bukod sa akin?" nakataas-kilay kong usisa.

"Iyong teacher, what's her name again?"

Nagkibit-balikat naman ako. Hindi ako interesado sa kaibigan ng kaibigan ko. And speaking of Lynn, salamat sa kaibigan kong iyon at malapit na naming maresolba ang komplikadong kaso na kinakaharap namin ngayon.

Her ability to hear future murder cases is extraordinary. I am convinced that she genuinely possesses such a capability.

"Bakit mo natanong?"

"Call her," utos na saad nito. Napairap naman ako.

"Ang kaibigan ni Lynn?"

"Si Lynn, may ilang katanungan lamang ako bago ko simulan itong case report na ito."

Napabuntong-hininga na lang ako at kinuha ang aking cellphone. Hinanap ko ang number ni Lynn at tinawagan ito.

"The number you have dialed is now unattended or out of the coverage area. Please try your call later."

Sinubukan ko ulit pero hindi ko talaga ito makontak. Napatingin ako sa oras. Maaga pa para sabihing tulog na ito at kahit anong busy nito ay sinasagot talaga nito ang tawag ko.

Napalunok ako at napatingin kay Ace. Nagtataka naman ang tingin na itinugon nito sa akin.

"Something's wrong?"

Agad akong napatayo. Lahat sila ay nagulat sa inakto ko. Hindi maganda ang kutob ko ngayon. Unti-unting nabuhay ang kaba sa aking dibdib.

"Kailangan kong puntahan sina Lynn. Hindi magandang sign na hindi niya sinasagot ang tawag ko," ani ko at agad na hinablot ang aking jacket.

"Samahan na kita," saad nito. "Marie at Kenneth, kayo muna rito. Kailangan naming i-check ang kalagayan ni Ainslynn."

"Ha? Bakit? May nangyari ba kay Ma'am Lynn?" tanong naman ni Kenneth.

"Ichi-check nga, 'diba?" pambabara ni Marie.

Hindi na ako nag-aksaya ng panahon. Mabilis pa sa alas kwarto na nakalabas kami ni Ace sa station. 

Habang nasa biyahe ay hindi na ako mapakali pa. Muli kong dinial ang number nito pero hindi pa rin sumasagot. "Bilisan mo pa ang takbo, Ace."

"Hoy, detective tayo at hindi car racer..."

"Nasa panganib sa Lynn, wala ka ba talagang... Damn you, Ace!" asik ko na lang sa bandang huli dahil biglang binilisan nito ang takbo.

Hindi na ako nito sinagot pa. Ilang minuto lang din ay narating na namin ang kanto ng subdivision nila Lynn. Nagmamadali kaming lumabas at patakbong tinungo ang kanilang bahay.

Murder Case #201 (Murder Case Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon