Chapter 1: My Dream Boy

8 0 0
                                    

"Can I have this dance?"

Yiee ... Ang gwapo naman ng lalaking ito. Matangkad, matipuno ang pangangatawan, maputi at ang tangos ng ilong. Ang ganda-ganda rin ng ngiti niya. Kissable lips pa. Hays ... Ang pogi niya talaga. Pero, wait, ako ba ang niyayaya niyang sumayaw? Ayieee ... Kinikilig ako. Kahit sino ka man, kahit hindi kita kilala, sasama ako sa'yo.

"Umm, sure." Sabay ngiti ko sa kanya at abot ng aking kamay.

Pumunta kami sa gitna ng sayawan. A Thousand Years ni Christina Perri ang naririnig kong tumutugtog. Nakakakilig naman, paborito ko pang kanta ang sasayawin namin.

Nagsimula na kaming sumayaw. Wow! Ang galing naman niya sumayaw. Halos siya na ang nagdadala sa akin. Hays, feel na feel ko ang tugtog, at ang pagsayaw namin.

I have died everyday waiting for you
Darling don't be afraid I have love
you for a thousand years
I love you for a thousand more

Natapos na ang kanta. Tss ... Gusto ko pang sumayaw kasama siya. Hayss ...

Pero nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang pisngi ko. Napatingin tuloy ako sa mala-anghel niyang mukha. Nagkatitigan kami. Ang ganda ng mga kulay tsokolate niyang mga mata na animo'y kumikislap, ang napakatangos niyang ilong, at ang oh-so-kissable lips niya. Pumikit siya at unti-unting inilalapit ang mukha niya sa mukha ko. Kinakabahan ako, I felt butterflies in my stomach. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya napapikit nalang din ako. Palapit pa rin nang palapit ang mukha niya. Nararamdaman ko ang paghinga niya. Ayan na, malapit na, malapit na .......

"Hoy! Alisa! Aba, gumising ka na! Papasok ka pa sa eskwelahan niyo."

Hays ... Bigla naman akong napabangon sa aking kama sa sobrang gulat. Grabe, ang lakas ng sigaw ni Mama.

"Opo Ma! Gising na!"

Nakakainis naman. Ang aga-aga manggising ni Mama. At ang mas nakakainis pa, panaginip lang pala iyon. Hays, akala ko totoo na, totoo na na may lalaking isasayaw ako at hahalikan. Tse! Tse! Alis crazy thoughts! Alisa naman, ba't iyon pa ang naisip mo. Namumula ka tuloy. Hays ... Pero, kailan kaya kita makikilala sa real world, my dream boy?

Hay nako, tama na nga yang pag-daydreaming. Makabangon na nga lang at makaligo na. Papasok pa ako. First day nga pala ng pasukan. Hays ...

My Dream BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon