Hays ... Sarap maligo ... He he ... :)
Pagkatapos kong maligo at magbihis, bumaba na ako para mag-almusal. I'm just wearing my white Culture shirt and my blue ripped jeans.
"Good morning Ma. Anong almusal?" Sabay halik sa pisngi ni Mama.
"Ano pa ba, nadi ang paborito mong kainin sa umaga, sinangag at tortang itlog na may cornbeef." *smile*
Si Mama talaga. Alam na alam ang mga gusto ko. Kaya mahal na mahal ko yan eh.
Tinulungan ko na si Mama sa paghahain ng almusal namin. Gustong-gusto ko nang kumain. Nakaupo na ako sa aking upuan at handa nang sumubo. Kaya lang ...
"Alisa, gisingin mo muna ang kuya mo at sabay-sabay na tayong kumain."
Tss ... Inis naman, susubo na ako eh.
"Ma ... Kayo nalang po. Kakain na po ako eh. Tsaka ayoko gisingin 'yung tulog mantika na 'yun."
"Dali na anak. Tsaka may ginagawa pa ang nanay. Kaya ikaw nalang. Please."
Hays ... Ayun na naman ang ngiti ni Mama na hinding-hindi mo mahihindian kapag may inuutos.
"Sige na nga po." *sigh*
Wala na akong magagawa kundi sumunod. Kaya umakyat na ako ng hagdan papunta sa kwarto ni Kuya. Sa totoo lang, ayaw na ayaw kong ako ang manggigising kay Kuya. Kasi naman, bukod sa pagiging tulog mantika, kapag nagising na siya at ako ang nakita niyang nanggising sa kanya, may ginagawa siya na maging kahit sino, hindi niya magugustuhan. Grrr ...
Pagkadating ko sa harap ng kwarto niya, nagdadalawang-isip pa rin ako kung papasok ba ako sa impyerno niyang kwarto. Grabe, natatakot ako. Pero bigla kong naisip ang pagkain ko. Huhu, ang tortang cornbeef ko. Yosh ! Gagawin ko na. Determinadong pumasok ako sa kwarto ni Kuya at sinimulan ko na ang paggising sa kanya. Sumigaw ako.
"Kuya Andrei !! Gising na !! Kakain na !!"
Haixt ... Ayaw gumising. Mayugyog na nga.
"Huy !! Kuya !! Gising na !!"
Tsk. Nakakainis na ha. Ah !! Alam ko na. *smirk*
Pumunta ako sa isang sulok ng kwarto ni Kuya kung saan nakalagay ang malaking speaker ng radyo niya. Binuksan ko ito at tinodo ang volume. Sakto ! Ang kanta ay Numb ni Linkin' Park. Tingnan natin kung hindi ka pa magising. *smirk*
"I'VE BECOME SO NUMB, I CAN'T FEEL YOU THERE
BECOME SO TIRED, SO MUCH MORE AWARE
I'M BECOMING THIS, ALL I WANT TO DO
IS BE MORE LIKE ME AND BE LESS LIKE YOU !!""AHHH !!! PATAYIN MO YAN ALISA !!"
Hahaha ... Nakakatawa tingnan si Kuya habang nagsisisigaw at takip-takip ng dalawang kamay ang mga tainga niya.
"ANO BA ?!? GISING NA AKO !! PATAYIN MO NA !! ARGGG !!"
Hahaha ... Nakakatawa talaga. Ang sakit na ng tiyan ko. Pero nakakaawa na. Mapatay na nga.
"Oh ano, tutulog pa?" Sabi ko habang pinipigil ang tawa ko.
"Oo na. Tigilan mo na ako at huwag mo nang ulitin 'yun. Kung hindi ..."
Nakangisi siya. Napatigil naman ako sa pagtawa at napalunok.
"Kung hindi?"
"Kung hindi ... Kikilitiin kita. Halika dito!"
HA?!? Naku !! Ayan na ang torture. Tatakbo na sana ako palabas ng kwarto pero naabutan ako ni Kuya. How shame. *sigh*
" Ha ha ha !! Tama na ! Ha ha ha, ayoko na ! Tigilan mo na ang pangingiliti sakin !"
Nasa kama na tuloy kami. At tuloy pa rin siya sa pangingiliti.
"Aba. Ayoko nga. Gantihan lang. Haha."
Ngayon siya na ang natawa.
Nakahiga pa rin ako sa kama niya. Habang siya ay nasa ibabaw ko at tuloy pa rin ang pangingiliti sa akin. Wait ... Nasa ibabaw ko siya . Awkward ?? Nah ... Hindi nu.
"Ayoko na. Ha ha. Promise ... Hindi ko na ... uulitin."
Grabe, hiningal ako dun. Pero thank God tumigil na siya sa pangingiliti.
"Ok. Pero ... parang gusto ko pa?"
"Ma !!!"
Sabay takbo papunta sa pinto at palabas ng kwarto.
"Hahaha !"
Hay ... Narinig ko pa ang victory laugh niya. -.-
Dumiretso nalang ako sa hapag-kainan.
"Oh anak, bakit ka hinihingal?"
"Si Kuya Andrei kasi. Kiniliti ako nang kiniliti."
Bwisit na yun.
"Ha ha. Naglalambing lang yun."
Lambing ba yun ?!? I thought it was torture. -.-
Hindi nalang ako umimik at kumain na lamang. Miya-miya, bumaba na ang devil na suot pa rin ang victory smile niya. Inisnob ko nalang siya at pinagpatuloy ang pagkain.
Bigla akong napatingin sa orasan na nakasabit sa pader.Hala ! 6:45 na pala ?!? Male-late na ako.
Binilisan ko na ang pagkain. Kinuha ang gamit at baon ko at humalik sa pisngi ni Mama.
"Ma, aalis na po ako. Bye."
"Hindi ka pa nakakapagtoothbrush anak."
"Nakapagtoothbrush na po ako kanina Ma, nung naligo ako."
"Ah, sige. Mag-iingat ka ha anak. Galingan sa school. Make new friends."
"Opo."
Tumakbo na ako palabas ng bahay. Pero napatingin pa ako kay Kuya na nakangiti pa rin. Psh. How annoying.
Dumiretso na ako sa bus stop na malapit sa amin.
Hays ... First day of school. First day as a college student.
New school, new schoolmates.
New teachers, new lectures.
New friends, new enemies.
In summary, New Life. Sana maging maayos ang college life ko.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Hello !! Done na ang Chapter 2. :) Grabe, ang saya pala gumawa ng stories. Nakakalift up ng soul. :D
I hope everyone enjoying this story as I enjoying writing it. :)
Votes, comments and suggestions are highly appreciated. Thank you. :)
See you in the next chapter. :)